Chapter 10: Turn On

387 8 1
                                    

A/N: Munting paalala lang po. The shifting of first person POVs happens everytime you see the three asterisks (* * *). Sana po ay walang malito. Isa pa po pala, kung sakaling may maalala kayo na nabanggit kong pangalan ng Papa nina Jewel at Ken, pakisabi naman kung naiba ko bigla! Haha! Hindi ko po kasi maalala kung may nabanggit ba ako. So, Richard na lang ang ipapangalan ko. Bwahaha. Pasensya na po kung ngayon lang nakapag-update. Mahirap magsabay-sabay ng tatlong stories. Haha. Peace yow.

Chapter 10: Turn On

I'M HERE AT TITO RICHARD'S BIRTHDAY PARTY. Si Tito Richard ay Papa nina Jewel at Ken. Of course, I'm invited. Kilala naman kasi ako ng pamilya nila. I'm Jewel's best friend. Doon nga rin ako kilalang-kilala ni Ken. Best friend ng kapatid niya. Nothing more, nothing less.

Nandito ako sa isang sulok at umiinom. Mag-isa lang ako, as usual. Wala na namang bago doon. Hinahanap ko nga si Jewel. Nawawala kasi ang babaeng iyon. Kung saan-saan pumupunta. Alam naman niyang wala akong kilala sa mga bisita dito. Ang pamilya lang naman nila ang kilala ko. Hindi ko pa nga kilala kung sino ang pinag-usapan namin noong nakaraan na si Angelo. I do want to meet him, though. Gusto kong malaman kung bakit patay na patay ang best friend ko sa lalaking iyon.

Nakakailang wine na yata ako. Ayokong uminom ng ibang liquor dahil magmamaneho pa ako pauwi. Delikado kapag marami akong nainom.

Inilinot ko ang paningin ko. Maraming sumasayaw. Marami rin namang nagkukwentuhan lang sa gilid. Balak ko na sanang manghatak ng kung sino para may makasama ako sa pagsayaw nang may biglang lumapit sa'kin.

"Hi, Nica," bati ng isang lalaki. Tinignan ko siya. Noong una ay hindi ko pa makilala dahil medyo madilim ang paligid. Disco lights kasi ang gumagana sa ngayon. Party time.

"Oh... Isaac. Long time no see," sabi ko nang makilala ko siya.

"Well... I expected that you'll be here."

"Huh," umismid ako. "I remember you. You are that liar."

"Huh? What liar? Me?" Tinuro pa niya ang sarili niya.

"Yup. You said you are not the owner of that stupid bar. Part-owner ka naman pala. And why didn't you tell me that you are friends with Ken and that you know me? Ha?"

Waiting for Ken's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon