Chapter 3: Dirty Dance

464 8 3
                                    

Chapter 3: Dirty Dance

ALMOST 30 MINUTES na akong nakaupo at umiinom ng may lumapit sa akin. 

"Hi, miss," bati ng katabi ko na hindi ko naman kilala. I didn't bother to even look at him. Hinayaan ko siyang magsalita sa tabi ko.

"Miss, ang taray mo naman."

"Hey, missy. Do you wanna dance?" I finally looked at him. Kanina pa siya salita ng salita. Hindi ba niya nahahalatang ayaw ko siyang kausapin? Akala mo naman kung sinong gwapo. Ayokong makipag-usap sa mga hindi mukhang tao.

I glared at him. "Leave me alone."

"Ooohhh. Feisty. I like that," ngumisi pa siya sa akin. I felt his hand holding my legs.

Inalis ko ang pagkakahawak niya at sinabing, "I said, LEAVE ME ALONE." 

Hindi pa rin siya nagpatinag. Hihilahin na sana niya ako papunta sa dance floor nang biglang may lumapit sa amin na isa pang lalake. "I think I heard the woman told you to leave her alone."

Tumingin ang lalakeng nagpupumilit na makipagsayaw sa akin sa bagong nagsalita. He smirked. "Why? Are you her boyfriend?"

"No."

"Ganoon naman pala. 'Wag kang mangialam dito," then he grabbed my arm.

"She told you to leave her alone, man. Kung ako sa'yo, susundin ko ang sinabi niya." Masama ang tingin nito sa may hawak sa braso ko.

"And I already told you, wala kang pakialam. Nauna ako dito kaya wag kang umepal." Binitawan niya ang braso ko. "Bakit, sino ka ba sa tingin mo?"

Waiting for Ken's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon