Destiny Addict and Friendship Theory (Introduction Chapter)

651 31 31
                                    

Introduction

~Destiny Addict and Friendship Theory~

"Hoy!!!" narinig kong may sumisigaw pero hindi ko na ito nilingon, sa layo ba naman kasi nun ang imposible naman atang ako ang tinatawag. Nakatunganga pa rin ako sa labas ng bintana at iniisip kong kelan dadating ang Prince Charming ko. Na-i-imagine ko na ang kanyang itsura nang may pumalo sa braso ko. Anak ng tokwa naman!!! Panira ng imagination. Tumingin ako dun sa taong pumalo sa akin at nakita ko ang bespren kong wala nang ibang ginawa kundi ang mangulit ng mangulit.

"Bakit na naman ba???!!!!" bwisit na tanong ko sa kanya pero di niya na ito pinansin dahil sanay naman na siya.

"Musta date niyo ni Louie kahapon?" tanong niya na nakangisi.

Kung iniisip niyong boypren ko si Louie, alisin niyo na yan sa isip niyo kasi hinding hindi mangyayari yun. Si Louie lang naman ang sinet-up sa akin nitong bespren ko para magkaroon na daw ako ng love life...

"Nigiti ngiti ka diyan? Louie mo mukha mo!!! Walang nangyari kasi 'di siya ang Destiny ko!"

Bigla niya akong binatukan. Tama ba yun???

"Aray!!!! Ba't mo ginawa yun??!!!" kund di lang 'to totoong buhay siguro sobrang pula ko na sa galit at umuusok na din siguro ang ilong ko sa inis.

"Yan ka nanamn sa Destiny mo! Gusto mo bang tumandang dalaga?!" pasigaw na sagot nito.

"Ha??? Grabe ang OA mo naman talagang maka react. High school palang po tayo...marami pa tayong kakaining bigas!!!!" sagot ko sa kanya sabay suntok sa braso niya. Eto naman kasing taong to kung makapagreact wagas! Kung anu-ano kasing iniisip eh.

"Hayyy ewan ko sayo." sabi nito bago siya bumalik sa upuan niya kasi nandyan na yung teacher namin sa English.

*********************************

"Alynna Rose Garcia, kelan mo ba ako sasagutin?" malanding sabi ng isa sa mga manliligaw ko habang sinusundan ako papuntang canteen.

"Pwede ba, tantanan mo na ako? I'm sorry pero basted ka na." galit kong sinabi pero parang walang narinig dahil nakabuntot pa rin siya.

Pagdating ko sa canteen ay pumunta na ako sa counter at bumili ng pagkain. Pagkatapos nun, bumalik agad ako sa classroom para di maka aligid yung mga manliligaw ko. Hindi naman sa nagmamayabang ako pero sinasabi ko lang naman yung totoo. Ewan ko ba sa kanila di naman ako kagandahan pero bakit nagugustuhan nila ako.... Wala din namang espesyal sa mga katangian ko. Isa lang naman akong babae na may kulot na buhok, katamtaman na kulay at 5 foot ang height. Medyo chubby pa nga ako eh. Oh diba, tama ako na walang special sa akin. Hayyy, mga lalake talaga ang hirap intindihin.

Kakarating ko lang ng classroom at buti na lang konti lang ang tao na nandito at nawawala lang naman ang best friend ko. Hayyy, isa pa un na ang hirap intindihin san na naman kaya nagpunta yun? Yung taong yun talaga kahit kailan di marunong magsabi. Kumain nalang ako mag-isa ko at nakita ko nalang siya nang matapos na ang lunch.

*********************************

Dismissal...

Kasalukuyang nilalagay ko ang mga gamit ko sa locker ko, ayoko kasi na mabigat ang bag ko eh. Grabe no, ang sipag kong bata...XP.. Pagkatapos ko ilagay sa locker ko yung mga libro ko, bumaba na ako sa grounds. At mag-isa na naman ako kasi iniwan na naman ako ng best friend ko. Grabeeehhhh, ang bait-bait niya no kahit kailan di ako iniwan mag-isa?...hayy...

Akala ko uuwi na talaga ako mag-isa ko pero nung nasa quadrangle na ko, nakita ko siyang nag-aantay sa ilalim ng puno at may kausap yata siya. Di ko na tinignan kung sino yung kinakausap niya lumapit nalang ako sa kanya at binatukan siya. Buti nga sa kanya..hmp!!

RWSPS Novel: Introduction ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon