The Perfectionist and The Waitress (Introduction Chapter)

133 8 1
                                    

"KRENZ! WILL YOU GET DOWN HERE!!!"

Ayan na naman sila. Araw-araw nalang, sobrang nakakasawa na. Bumaba ako papuntang sala bago pa ulit sila sumigaw. Pagdating ko dun, nakita ko na naman ang nakabusangot na mukha ng mga magulang ko.

"Ano naman ba ang ginawa mo?!!" salubong agad ni mama. Grabe talaga, di pa nga ako nakakapagsalita sermon na agad.

"Why are you shouting again, I didn't do anything?!! Besides, I have high grades." sagot ko sa kanila. Ganito talaga ako, sanay na mag-English lalo na pag kinakausap sila palibhasa simula pa kasi nung bata ako, kapag kinakausap nila ako English sila magsalita.

"We heard from the organizers that you keep turning down the girls." sabi ni mama.

-sigh- Eto na naman tayo. Si mama nagagalit habang si papa naman tikom ang bibig at nasa gilid lang, pinapaubaya ang lahat kay mama.

"It's just as I said, they're not good enough." Malumanay kong sagot kahit na gusto ko nang magsisisigaw.

"At bakit na naman? Magaganda, mayayaman, matatalino at may class naman sila. Don't tell me you don't have anybody you like among them?" sumbat ni mama.

Geez...this is really driving me nuts.

"They're just not good enough. I'm tired; sorry but I need to rest."

Yun na lang yung sinagot ko then I went up to my room. Pagdating ko dun nagwala na ako dahil sa sobrang inis ko. Nasuntok ko nalang bigla yung salamin na nakalagay sa pintuan ng closet ko. And the result? A bleeding hand of course.

Pumunta ako sa banyo at kinuha yung first aid kit tapos nilinisan ko yung sugat ko at nilagyan ito ng benda.

"James, 'di ko na kaya 'to! Will you talk to that stubborn son of yours? Why can't he understand that we are doing this for his own sake?" Inis na sabi ni mama.

"Relax Hon. Don't worry, I'm sure he'll come to his senses but if he still insists then I'll talk to him." sagot naman ni papa.

Siguro nagtataka kayo kung paano ko narinig no? Well, narinig ko lang naman sila dahil nadaanan nila ang kwarto ko habang palakad sila papunta sa kwarto nila.

Hayyy...kung bakit naman kasi atat na atat sila na ipamigay ako eh bata pa naman ako. Badtrip talaga!! Makalabas na nga lang muna...-sigh- Nagbihis ako tapos sinabi ko sa headmaid na sa labas na ako kakain then I finally went out.

Naglakad-lakad ako para magpalamig ng ulo. At habang naglalakad ako naririnig ko naman yung mga babaeng nadadaanan ko o dinadaanan ako na nagbubulungan o nagsasabi ng, "Ang gwapo niya. May girlfriend kaya siya?" o kaya naman, "He's so hot. Artista kaya?"

Hmpf..! Mga babae talaga, so typical of them. Hindi naman sa nagmamayabang ako pero yun naman kasi talaga ang mga pinagsasabi nila, may mas malala pa nga eh, sinasabi ko lang ang totoo.

In the process of walking, I found a park and it seemed so peaceful there so I decided to stop and sit on one of the benches there. I wasn't wrong 'coz it was really peaceful; just what I needed and now I can relax. I felt the wind and the breeze was so calming. I looked up and saw a lot of twinkling stars and the radiant moon glowing. It seemed like the park was lit up but it was just the bright light of the moon illuminating the whole park.

-inhale, exhale- Hayyy...ang sarap ng pakiramdam nakakatanggal ng stress. Napapikit ako ng mata dahil sa sobrang katahimikan, parang ang sarap tuloy matulog kumg pwede lang kasi edi dito na ko natulog. I sat there with my head still pointed upward, my eyes closed and my arms under my head and I felt so peaceful but my peace was disturbed when I heard footsteps. I thought it was just nothing so I didn't bother looking at it but then it sounded like it was coming towards me then it stopped.

RWSPS Novel: Introduction ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon