Introduction
~Heart Attack; X to the Nth Power~
Grabe, nakakatamad talaga pumasok lalo na kapag umaga ang pasok... kinusot kusot ko ang mga mata ko tapos dumiretso na ako sa banyo. Buti nalang nauna akong gumising kaysa sa kapatid ko. Naku..kung hindi siguro malelate na naman ako.Tagal kasi nun gumamit ng banyo, daig pa ang mga babae. Paano kasi di niya alam na pumoporma siya sa bestfriend niya unconsciously. Hayyy...para talagang babae nasa denial stage. Pero di ko naman sinasabing bakla yun, siyempre gwapo yun pero mas gwapo yata ako at nasa lahi na yata naming ang pagiging gwapo. Pagkatapos kung maligo dumiretso na ako sa kusina para i-ready na yung pagkaing niluto ko bibigay ko kasi kay Tricia, sigurado ako magugustuhan niya 'to kasi mahilig yun sa maaanghang na pagkain.
***********************
SCHOOL...
Dumiretso ako agad sa classroom ni Tricia pero wala siya dun. Mag-aantay na sana ako nang biglang may tumawag ng pangalan ko. "Gino?"
Sa tono palang ng boses na yun, alam ko na na si Tricia yun. Lumingon ako at nakita ko siyang naglalakad palapit sa akin.
"Tricia, para sayo pala. Maanghang yan sana magustuhan mo." Sabi ko sa kanya tapos iniabot ko na yung pagkain.
"Ah ganun ba..salamat dito sa food. Sige, pasok na ko. Sana ito na ang huli Gino." sabi niya bago siya pumasok ng classroom nila.
Bakit ba ganyan siya? Sinusubukan ko naman pero ang hirap talaga gawin eh. Naglakad na ako papuntang classroom na nalulungkot pa rin. Pero bigla akong sumaya kasi nakita ko lang naman yung taong nakakaintindi sa akin. Tumakbo ako papunta sa kanya at inakbayan siya. "Hi babes! Kamusta ka na? Musta naman ang tulog mo?" tanong ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa kamay ko na nakaakbay sa balikat niya.
"Di nga ako nakatulog eh..." sagot niya halata ngang inaantok pa siya dahil sa boses niya eh.
"Bakit naman? Uiiii...siguro iniisip mo ko no? Ikaw ah..."
"Ikaw talaga may gana ka pang magbiro, etong sayo." sabi niya sabay kurot ng pisngi ko at hinila-hila pa ito.
"Aray!!! B-babes naman, masakit...." Totoo naman eh, feeling ko mababanat na yung pisngi ko.
Imbes na bumitaw siya lalo pa niyang hinila at pinisil pisil ang aking pisngi. "Sorry naaaa......tamaaaaa na babes....please....." nagmamakaawang sabi ko sa kanya. Tumatawa lang siya. Ang cute cute talaga ng tawa niya, pati yung ngiti niya.
"Di pa...kailangan mong magtanda..hahahahahahaaaa!!!!" patawa-tawang sabi niya.
"Babes!!! Tama na plssss...baka 'di na yan bumalik sa dati..sige ka baka mawala ang gwapo kong mukha..." tinakot ko siya kunwari. Nung una tumingin lang siya sa akin pero maya-maya naintindihan na yata and sinabi ko kanina kaya siya bumitaw. Uyy...ayaw niya mawala ang gwapo kong mukha.
Binitawan niya nga pero patuloy pa rin siyang tumatawa, nakasandal na nga siya sa pader habang hawak hawak niya ang tiyan niya eh. Ako naman, hinaplos haplos ko yung pisngi ko na namumula na. Grabe, ang sakit talaga...pero ok lang yun, ang mahalaga kahit papaano napatawa ko siya. Mas gusto ko naming nakikita yun kaysa sa seryoso o malungkot niyang mukha. Nung nakita ko kasi siya kanina alam kong may problema na naman siya, hay...ano kaya yun ba't ba kasi di nalang niya sabihin sa akin? Aish..nu ba yan.. Iniisip niyo siguro na mababaw lang kaligayahan niya pero di ko naisip yun atleast kahit papaano nagagawa ko pang pasayahin siya.
KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNGGGGGGGG!!!!!
Natigil siya sa katatawa. "Una na ko ha..sige..ba bye!!" paalam niya na natatawa pa rin tapos tumalikod at naglakad na siya papunta sa department nila.

BINABASA MO ANG
RWSPS Novel: Introduction Chapters
Teen Fiction#RWSPS 6 people, 6 stories na ipinapakita ang mga rason kung bakit may mga tao, na kahit sandamakmak na ang nagkakagusto at sumusuyo sa kanila, ay SINGLE PA RIN *NOTE: These are just introduction chapters..I will separate the story proper for each a...