Blaze Castellano
[3 PM, Basement of Castellano Fortress]Halos mabasag ang mga ngipin ng 18 year old na si Blaze habang kagat-kagat niya ang leather na nasa kaniyang bibig. Ito ang tanging pumipigil sa sigaw niya na umalpas sa kaniyang bibig.
Boltaboltaheng kuryente ang literal na gumagapang sa kaniyang katawan mula sa mga sipit sa kaniyang katawan. Nakakonekta ang mga sipit na ‘yun sa isang machine na hawak ngayon ng kaniyang kapatid.
Its a torturing machine design to make someone wish he’ll die instead.
But he will die first before someone will hear his scream.
Nakakadena rin ang kaniyang mga kamay sa pader upang hindi siya bumagsak o kaya tumakas. Isang oras na siyang nakasabit roon at kinukuryente ng ama at kapatid. Brief lang ang suot niya at wala ng iba.
“Tama na ‘yan, Red,” utos ng kaniyang ama.
Tumalima naman agad ang kaniyang kapatid na si Red. Mas matanda siya dito dalawang taon.
Lumapit sa kaniya ang ama. Tinanggal ang piraso ng leather sa kaniyang bibig.
“Blaze?”
Mula sa pagkakayuko ay nagtaas ng tingin si Creed sa ama. Sa kabila ng pagod at sakit ay nagawa pa ring gumuhit ang isang ngiti sa kaniyang mga labi. “Is that the worst you can give, Dad?” panghahamon niya sa ama.
Napuno ng malakas na halakhak ng ama ang buong basement. Nang matapos tumawa ay sumenyas sa kaniyang nakababatang kapatid. “Red, ihanda mo ang latigo.”
Tumaas lang ang kilay ni Blaze doon. Walang bakas ng pagkabahala o takot sa kaniyang mukha.
Sinusian ng ama niya ang kaniyang kadena upang pakawalan siya. Nang tuluyang makawala ay nag-unat-unat pa si Blaze.
“Isang oras pa lang ang nakararaan…” parang nababagot niyang wika.
Umangat ang sulok ng labi ng ama. Sinabi sa kaniya ang voltahe ng kuryente na kanina ay pinaraan sa kaniyang katawan. It’s enough voltage to kill a faint-hearted normal human being. “Nag-set ka na ng record. Sapat na ‘yun sa ngayon.”
“Whatever,” naghihikab niyang wika.
Bumalik ang kapatid niya dala ang isang latigo. Inabot ni Red ang latigo sa ama.
“Water!” sigaw nito.
Tumalima naman ang kaniyang kapatid na kumuha ng isang malaking hose at tinapat sa kaniya. Basang basa ang buong katawan ni Blaze pagkatapos. Naka-brief lamang siya.
Nang matapos ay inabot sa kaniya ni Red ang leather.
“I won’t be needing that,” buong kaarogantehan niyang tanggi na pumwesto na sa sahig. Nakapang-push up position siya. He will be working out while his father is torturing him with the whip.
“One thousand one!” pagsisimula ng bilang ng ama na itinaas sa ere ang latigo. Napatiim-bagang si Blaze nang humampas iyon sa likod niya.
--
A/N: Please don't forget to VOTE! And COMMENT! Isang click lang po 'yan! 😁 They will be highly appreciated. 😁👌
AjiLyndon
BINABASA MO ANG
Taming Her Assassin [SPG/R18+] #Wattys2017
General FictionThis is a romance thriller. [NOTE: For Matured readers only! Must be 18+.]