Blaze
[10:01 PM; Villa Zalasar]Mula sa pinagkukublihang talahiban ay tanaw ni Blaze ang buong Villa Zalasar. Bago siya magtungo roon ay pinag-aralan niya na ng maigi ang buong Villa Zalasar base sa blue print na ibinigay ng ama.
Surveying the grounds, makikitang napakaraming bodyguards sa party. Hindi katakataka dahil mga politicians at mga artista ang imbitado. Ngunit ang mga guard ay either nasa loob o kaya ay nasa harapan ng villa kung saan naroon ang mga bisita.
That’s where the flaw of the situation is.
Walang guard sa likod ng villa. Instead ay nilagyan nila ng tatlong doberman na paikot-ikot lang. Ngunit hindi ibig sabihin niyon ay madali nang lagpasan ang mga ito. Mapanganib din ang mga asong ito. Malalaki at nakakamatay ang mga pangil. They can sense him and may alert the other guards nearby.
But he came prepared.
Kinuha niya mula sa maliit na bag ang ilang meat balls na gawa pa ng cook sa Castellano Fortress. But it was his recipe. Dahil hinaluan niya iyon ng dinurog na “hush puppy” pills. It’s a powerful tranquilizer that can incapacitate any kind of dog.
Initsa niya ang mga iyon sa mga aso. Tulad ng inaasahan ay nagkumahog na lumapit ang mga iyon at saglit na inamoy. Pagkatapos ay kinain. Ilang minuto lang ay bagsak na ang mga ito.
Lumabas siya mula sa pinagkukublihan at ekspertong inakyat ang pangatlong palapag ng villa. He encountered an obstacle nang makitang nakasara ang malalaking mga bintana. Kinuha niya ang kaniyang Jagdkommando Tri-Dagger Fixed Blade Knife na mayroong glass breaker sa hawakan. He cover it with a hankie to muffle the sound saka ipinambasag sa salamin. Pagkatapos ay ipinasok niya ang kamay at binuksan ang lock.
Saka siya pumasok.
Mula sa kinatatayuang madilim na hallway ay dinig niya ang kasiyahang nagaganap. He chose that moment because its height of the party. Abala ang lahat sa pagsasaya upang mapuna siya.
Walang tunog na nagtungo siya sa Master’s bedroom. Sinipat niya ang buong silid. Kumuha ng upuan at inalis isa-isa ang apat na bumbilya sa kisame. Tumalungko siya sa carpeted na sahig at sa tulong ng maliit na flashlight na nakaipit sa pagitan ng kaniyang mga ngipin ay inilabas niya ang isang maliit na box mula sa kaniyang bag. Padded ang loob niyon at may nakalagay na apat na bombang hugis bumbilya.
Kanina sa Castellano Fortress ay kumuha siya ng apat na normal na bumbilya at pinuno ang loob niyon ng mga seismic na explosives. Saka lead at ilang metallic na shrapnel. Pagkatapos ay nilagyan niya gel upang maging stable ito at hindi basta-basta sumabog.
Maingat na inilabas ni Blaze ang mga “bumbilyang” iyon at ikinabit sa kisame isa-isa. Magre-react ang mga explosives sa bumbilya kapag binuksan ang switch ng ilaw sa silid.
Kapag natapos niya nang ikabit ang mga iyon, ang tanging kulang na lang ay ang taong pakay niya roon. Sa mga oras na iyon ay natitiyak niyang nagsasaya na ito sa party. It’s up to his client na paakyatin doon ang biktima…
~*~
A/N: Please don't forget to VOTE! And COMMENT! Isang click lang po 'yan! 😁 They will be highly appreciated. 😁👌
AjiLyndon
BINABASA MO ANG
Taming Her Assassin [SPG/R18+] #Wattys2017
Ficción GeneralThis is a romance thriller. [NOTE: For Matured readers only! Must be 18+.]