🔥 07 🔥

2.4K 40 5
                                    


Blaze
[10:10 PM, Villa Zalasar]

Kasalukuyang ikakabit pa lang ni Blaze ang pang-apat at huling bumbilya nang marinig niya ang pag-ikot ng doorknob ng silid.

Shit! Kapag pumasok ang sinomang iyon at inabot ang switch ng ilaw at binuksan ay awtomatikong sasabog ang mga bumbilya. Masasama siya sa mamamatay!

Bago pa siya makapag-isip ay bumukas na ang pinto at naaninag niya ang dalawang pigura sa dilim. Hindi siya agad makikita ng mga ito dahil nakasuot siya ng itim mula ulo hanggang paa at naka-maskara pa. “Dad, kumapit ka ng maayos sa akin,” pakiusap ng tinig ng isang babae. Nakita niya ang pag-angat ng kamay nito sa switch ng ilaw. Napalunok siya ng ilang sentimetro na lang ay mapipindot na ng babae iyon…

Listo niyang hinugot ang flashlight na nasa bibig at ibinato sa babae. Tumama iyon sa balikat nito. Narinig niya ang pagsinghap ng nasaktang babae.

Mabilis siyang tumalon mula sa upuan at dinampot ang mga gamit sa sahig saka tinakbo ang maliit na espasyo sa pagitan ng dalawang tao at  pinto.

“Sino yan?!” sigaw ng babae na nilingon siya. Bumitiw ito sa matandang lalaki na alalay nito at tinakbo siya.



Shit, is she seriously chasing after him?

Mukhang ganoon na nga dahil kahit tanging ang liwanag lang mula sa buwan ang nagsisilbing ilaw sa madilim na hallway ay nagawa pa rin siya nitong sundan.

“Hindi ka makakatakas sa akin, magnanakaw ka! Marunong akong mag-karate.”




Fvck! Kung batid lang nito na kaya niya itong patayin gamit lang ang mga kamay ay hindi siya nito hahabulin. Or maybe he can just kill her nang matapos na ito.




Ngunit bago pa siya magpasya kung papatayin niya ba ito ay natanaw na ni Blaze ang bintana sa dulo ng hallway kung saan siya pumasok kanina. Naroon pa ang tali na ginamit niya sa pag-akyat. Animo ninja na tumalon siya ng bintana at lumambitin sa tali.


“Stooooop!”



Biglang sumungaw ang mukha ng babae sa bintana. Inilabas nito ang kamay at inabot ang maskara sa mukha niya. Iiwas sana siya ngunit nahawakan na iyon ng babae. Sa pag-iwas niya ay humiwalay ang maskara mula sa kaniyang mukha.



At na-expose ang kaniyang mukha!






They must have the same expression dahil nanlalaki rin ang mga mata nito sa pagkakatitig sa kaniya. And with the glow from the moon highlighting her face, he could clearly see how beautiful she is. Perhaps the most beautiful face he had ever seen.




Kagyat niyang nalimutan ang tangka niya kanina na pagkuha ng punyal sa bulsa upang itarak dito nang masilayan ang ganda nito.

Bumuka ang bibig nito upang magsalita nang biglang---






BOOOOOOOOOM!






Isang nakabibinging tunog ng pagsabog ang yumanig sa buong palapag. Kasabay ng pagsabog ay tunog ng tila sunod-sunod na pagtalsik ng bakal sa salamin. But sharper and louder. And deadlier...

Taming Her Assassin [SPG/R18+] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon