🔥 04 🔥

2.6K 38 0
                                    

Blaze
[2 Years After, West Wing, Castellano Fortress]

“Pasok,” wika ng ama ni Creed matapos niyang kumatok sa pinto ng opisina nito.

Binuksan niya ang pinto nito at pumasok sa loob. Naabutan niya ang amang si Xander na nililinis ang paborito nitong  kutsilyo na minana pa nito mula sa great-great-grandfather niya. The knife was actually forged in Romania, at matatawag na ring heirloom ng pamilya.

It was called Midnight’s Kiss.

Maraming dugo na rin ang humalik doon.

“Pinatawag niyo raw ako sabi ni Red?”

Nasa tapat ng fireplace ang ama at nakatalikod mula sa kaniya. Tumango ito ngunit hindi nag-abalang lingunin siya. “Nasa table ang bago mong assignment.”

Kinuha ni Creed ang nag-iisang folder na nasa lamesa. Binuksan niya at saglit na pinasadahan ang mga lamang litrato at blueprint doon. Kilala niya ang prominenteng taong ‘yun.

“18th Birthday ng anak niya sa araw na ‘yan. So it will be very easy for you. You can expect full cooperation from the client.”

Nagsalubong ang makakapal niyang kilay. “Nasa party din ang kliyente?”

Tumango muli ang ama niya. “Yes. It’s his wife, afterall.”

~*~

A/N: Please don't forget to VOTE! And COMMENT! Isang click lang po 'yan! 😁 They will be highly appreciated. 😁👌
AjiLyndon

Taming Her Assassin [SPG/R18+] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon