The Writer's Plea

35 3 0
                                    

Nakaupo ako sa ilalim ng kalawakan,
Yakap-yakap ang sarili habang mata ay luhaan,
Kagat ko ang aking labi upang mga hikbi ay mapawi,
Ibig kong takpan ang pusong puno ng hapdi-pusong matagal ng sawi.

Tahimik lamang akong tumatangis,
Di alintana ang pagdating at pag-alis ng hanging O kay bilis.
Tila ako lamang mag-isa sa kinaroroonan,
Nang biglang tumabi sa akin ang maliwanag na buwan.

Ako'y kanyang nginitian.
Isang ngiting sumasalamin sa aking katangahan,
Ngiting nagpapakita na akoy kanyang kinakaawaan,
Ngiting nagsasabing, "Tama na yan."

"Nasasaktan ka na ng lubusan,
Bakit di mo nalang siya iwan ?"

Nais kong matawa sa kanyang katanungan,
"Malamang, ganyan ang totoong pagmamahal."

Kahit anong sakit kaya mong tiisin.
Kahit pa ang paghihirap niya'y iyong aangkinin
Wag mo lang siyang makitang nasasaktan,
Di bale nang ikaw ang uuwing talunan.

Handa ka ibigay ang lahat para sa kanya
Kahit ikaw pa ay walang mapapala.
Isasantabi mo ang sarili at hihilumin ang sugat ng taong mahal mo
Kahit pa ang sa iyo'y dumudugo.
Handang magpaubaya para siya'y maging masaya
Kahit sa kaibuturan mo'y may kirot na pala.

Hindi mo siya bibitawan kahit ikaw nalang ang nakakapit.
Ipagtulakan ka man niya'y yayakapin mo siya ng pilit.
Handa kang magsakripisyo
Kahit na ang kapalit nito'y pagkawasak ng iyong puso.

"Pero sobra na. Wag ka ng magpakatanga.
Bat di mo kasi siya kayang iwan?"
Napapatitig na lamang ako sa mga bituin at mapaklang napangiti,
"Ikaw ba buwan, kaya mo bang iwan ang langit mo?"

The Writer's PleaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon