ENTRY #23

8 0 0
                                    

H A P U N A N

“Kain na!”

Masayang tumakbo patungo sa hapagkainan ang tatlong anak ni Tiyo Gido. Halatang eksayted sila sa fried chicken  na niluto ng kanilang ama.

O mga nak, kumain na kayo.”

Nagsimulang kumain ang mga bata. Bakas sa kumikinang nilang mata ang ligaya. Minsan lang sila makakain ng masarap na ulam kaya ganyan na lamang ang sayang kanilang naramdaman.

Tay, ba't di ka pa po sumabay sa amin? Mauubusan kayo ng ulam, sige ka.”

Tanong ng nakakabatang anak ni Tiyo habang punong puno ng kanin ang bibig.

“Sige anak. Iba nalang kakain ko mamaya.”

Sagot naman ng ama saka inilipat ang atensyon sa pinapanood na teleserye.

Hindi nagtagal, natapos na ang lahat kumain. Ang mga bata'y lumabas ng bahay upang maglaro. Dali dali ko namang iniligpit ang mga hugasin at tumungo sa kusina.

Minadali kong ang paghuhugas ng mga pinggan. Gusto ko nang pumasok sa aking kwarto. Ibig kong magkulong doon hanggang sa sisikat na ulit ang araw. Ayaw ko ng gabi. Ayaw ko ng hapunan. Magdadala lamang ito ng matinding takot at bangungot.

Maya-maya pa'y naramdamn ko ang mga yapak patungo sa akin mula sa likuran. Kinabahan ako. Tumagaktak ang butil ng pawis mula sa aking noo.

“Gutom na ako.”

Bulong ni Tiyo Gido sabay pasok ng kanyang kamay sa loob ng aking damit.

The Writer's PleaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon