ENTRY # 21

16 0 0
                                    

Gabi na naman.
Babaha ulit ng luha sa higaan.
Puso'y muling mababalot ng kalungkutan.
Isipa'y mapupuno ng iba't ibang sigawan.
Giliw ko, wag sanang maaalibadbaran.

Gabi na naman.
Heto't nakayakap na ako sa unan.
Ilong ay barado, mata'y luhaan.
Tulala sa namumuong ulap sa kalangitan,
Diyos ko, wag sanang umulan.

Gabi na naman.
At pagtangis ay hindi na kayang pigilan.
Lagi nalang ganito, ba't di pa tigilan?
Sumusikip ang dibdib ko, ano ba itong nararamdaman?
Animo'y sinusundo na ako ni kamatayan.
Mahal, wag mo sana akong bitawan.

Gabi na naman.
Magtatalo ulit ang puso't isipan.
Susuko na ba o ako'y lalaban?
Gusto ko pang mabuhay pero pagod na 'king katawan.
Ang hirap nito, sarili ko ang kalaban.
Irog, ako sana'y iyong tulungan.

The Writer's PleaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon