1 - Meet the Dauntless Princess

185 13 5
                                    

-Juwel's POV-

Hayss. Pasukan na naman! Tss. Mararamdaman ko na naman na ako ang pinaka sinumpang babae sa daigdig!

Malas sa test, malas sa kaibigan, malas sa lovelife, malas sa lahat!



Buti nakakaya ko lahat yun.

Tss. Bakit kasi hindi pa ako ilipat ni mama ng school?! Pero malabo rin. Senior na ko eh.



Hi! Ako nga pala si Alkane Juwelee P. Acuña! Tawag nila sakin, Juwel. Siguro familiar kayo sa Alkane ano? Yup. Alkane is from the Subject Chemistry. Matalino kasi si mama eh. Kabaligtaran ko siya. At pinangako daw niya sa sarili niya na Alkane ang ipapangalan niya sa magiging anak niya. Pero ayokong mag ilusyon. Loser talaga tawag nila sakin. Ba ewan ko sa mga yun! Wala naman akong pakialam sa buhay nila. I'm proud of myself! Ha!

Straight and hanggang kalahati ng likod ko ang black kong buhok. Naka side bangs din at laging nakatali. Hindi naman ako payat, pero underweight ako. Haha! Medyo matangkad kasi ako for me. 5'4" ang height ko. Angkop lang naman sa senior na tulad ko. Pero hindi proportion ang height at weight ko, kaya siguro underweight ako. Medyo singkit ang mga mata ko and hindi ako kaputian. yung saktong skin tone lang. Maayos naman ang ngipin ko. E pano ba naman hindi aayos e nagbraces ako?!









O ano say niyo? Hindi naman ako pangit di ba?! Wala naman akong tigyawat eh. Chos haha!











Pero ako ang laging tampulan ng tukso sa school. Simula nung second year, lagi na nila akong pinagtitripan.













Tss! Mamaya na nga ang dark side ng buhay ko! Magpapakilala muna ko.























Back to pagpapakilala mode, medyo mahiyain ako. SA HARAP NG TEACHERS. Lagi nga kong nauutal pag nagrerecite eh. Pero wala akong pakelam. Hindi rin ako katalinuhan. O sige na nga! Di ko na papagandahin ang pagdedescribe sa sarili ko! Actually, pangatlo ako sa top! Pangatlo sa huli.







Ano bang magagawa ko kung yun lang abot ng utak ko?!











Masasabi ko rin na hindi ako poor kid. HAHAHA! Si mama kasi bank manager at si Papa, chef ng sarili naming resto.

















Medyo kalog rin ako. At pag inaaway ako, aba go lang! Wala na nga akong kakampi, hindi ko pa ba ipagtatanggol ng sarili ko sa mga walang kwentang tao?!



















Ay! May kakampi pala ko!







Si Kristle. Best friend ko. At si Anya, kapatid kong second year. Sila na lang ang immuned sa Anti-Juwel plague na kumakalat sa school. Kahit sawang sawa na ako sa pagmumuka nila, thankful parin ako at hindi ako nag iisa :)

"Juwel andyan na si Kristle sa labas. Tapos ka na bang mag ayos?" Sabi ni Mama.

Speaking of the devil.. Eto na nga siya at sabay kaming papasok. Magkalapit lang kasi ang bahay namin. Mga isang pugit lng nandun ka na sa kanila. Hahaha!

Bumaba na ako ng hagdan habang dala dala ang bagong bago kong Hawk na bag. Ang mainstream kasi ng Jansport eh! Dumiretso na ako sa kusina para magpaalam kay Mama at para narin kunin yung lunch at baon ko.





"O Ma, nasan si Anya?" Tanong ko kay Mama na kasalukuyang naggagawa ng snacks for Anya.

"Ayun, naliligo pa. Pagkatamad tamad na bata." Sagot ni mama.

Dauntless Princess (ON GOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon