3 - The IMLC

88 11 2
  • Dedicated kay My best friend, same name sa BFF ni Juwel :)
                                    

Hi! Grabe lang tong keyboard. Nagloloko ang letter A. Ang sakit sa ulo.-______________-

Sana suportahan niyo ang Dauntless Princess nagmamakaawa na ako't habag! HAHAHAHA

Thank you xx

~heartsplattered

-------------------

*Juwel's POV"

Oh God. Salamat po sa blessing na itoooo!!

Tumingin ako sa langit. Ayun sakto nandun si Alnilam!

"Alnilam, alam mo. Syempre, alam mo nakita mo nga eh. Shunga ko talaga. But seriously, kahit papano nkikinig ka pa pala sa kadramahan ko. Eto na oh, eto na! May sinagot ka kahit isa." Tinaas ko yung towel na hawak hawak ko na parang pinapakita sa langit.

"Para ngang magkakalagnat ako eh. Pero parang lang, nakaskor kaya ako kay Lovey! Niyakap ko siyaaaaa!" Nagtitili ako tapos nagtatalon.

"This is the best day of my life Alni! Thank yooooou!" Sumigaw ako then kiniss yung towel. "This towel is so special. Kaya may pangaln ka, and your name isss.."

Hindi ko pa natatapos yung sinasabi ko nang may biglang bumatok sa akin.

"Alkene Anyalese!" Sabi ko sa kapatid ko na nakapamewang at feeling si Mama.

"6:30 na po! At 6 lang ang curfew mo! Buti nasa Palawan sila Mama kundi lagot ka. Ibibitin ka na naman non patiwarik. San ka ba nanggaling at muka kang basang sisiw?! Unang araw ng school tas malas ka kaagad?" Tanong niya sakin habang hinihila ako papasok sa bahay.

Nga pala, one week sila Mama sa Palawan for vacation. Sinakto daw nila na pasukan namin par walang manggugulo at magpapabili nang magpapabili.

Bibigyan niya ako dapat ng towel pero nakita niyang may towel ako.

"Ipunas mo nga yan sa sarili mo at magpalit ka!" Aba, makautos to? Sino bang mas matanda sa amin?! Haller! Two years ang agwat ko sa kanya no!

"No. Bigyan mo ko ng bagong towel. Bigay kaya to ni Migo my lovey sakin." Sabi ko habang hinihimas himas yung towel na hawak ko.

"ANO?! WEEEEEEH DI NGA?? Aish! Ugh, magpalit ka na nga lang sa taas at mamaya ka na magkwento!" Sabi ni Anya with matching facepalm. Anyare dun?!

"Che!"

"I love my lifeeeee, yeah! I love me lifeeeeeee whooo!" Pakanta kong sinabi habang papaakyat sa kwarto ko. Ang saya ko kayaaa!

Binilisan ko na ang pagpapalit ng damit at paliligo. Excited na kasi akong kumain at ishare sa buong mundo ang nangyari eh!

**********

"Wow! Sarap ng ulam roasted chicken and fresh vegetable salad. Good job, Manang Berta!" Sabi ko sa chef namin sa bahay at nginitian niya lang ako.

Weird ano? Chef si Papa pero may tiga- luto kami. Actually, si Mama talaga ang nagluluto t tumutulong lang si MAnang Berta. Lagi kasing late ang uwi ni Mama at Papa eh.

Ngpray kami nila Anya at ng dalawang kasambahay with Manang Berta. Tapos nun kumain na kami.

"O, anyare na Alkane?" Tanong ni Anya sakin habang kinuha ang legs ng chicken.

GALANG NO?! DI AKO TINATAWAG NA ATE NIYAN!

"Excited man akong ikwento pero mamaya na. Gutom na gutom ako." Sabi ko naman habang punong puno ng kanin ang bibig. "Sarap ng vegetable salad!" Dagdag ko pa.

Mahilig kasi ako sa gulay eh :) Healthy kid ang peg ni atii!

Pagkatapos kumain, dumiretso na kami sa kwarto ni Anya.

Dauntless Princess (ON GOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon