5 - Meet The Past

86 11 1
                                    

Yes nagkatime din para mag update!

Guys pahingi naman ng tips kung pano papasa sa UPCAT at USTET oh :)

Thanks! Hope you'll like the new chapter! Sa mga nagbabasa po ng Dream For Real, tingnan niyo ang isa sa lines ni Archie dito sa chapter na to >:)

---------

*JUWEL*

OHMYGOD. Si..si..

Si Archie ba talaga to?

Di ko alam ang gagawin ko kaya yumuko ako at nagsorry. Shy type mode na naman ako.

"Juwel?!" Tanong niya, ngiting ngiti pa at ang itsura niya, mukang hindi siya makapaniwala.

Di ako sumagot. Yung dila kong ewan pumasok na naman sa esophagus ko.-.-

"It's so nice to meet you again!" Tapos inalok niya yung kamay niya para makipagshake hands.

Ano pang magagawa ko? Edi tinanggap kooo!

"It's very..so nicer to meet you..again..." Nag aalangan kong sonabi. WHAT?! BAROK FOREVER!

MAY PSYCHOLOGICAL FACT BA NA KAPAG NAHIHIYA EH NAMAMALI SA ENGLISH??

Binigay niya sakin yung plastic na pinamili ko.

"Are you going home?" Tanong niya.

"Ah..eh.." IPUSH MO YAN JUWEL.

"Let's get some ice cream before you go home. My treat!" Sabi niya.

Grabe, hanggang ngayon ganito parin siya. Masayahin masyado. Kung gwapo siya noon, aba! Mas gwapo siya ngayon! Lalo pang pumuti, tas.. tas tingnan niyo naman! Naka- v neck white shirt tapos nakashades! AAAAAAAAAHHHHHHHH!

Wag kayong malisyoso. Loyal ako kay Lovey.

"Juwel? What are you looking at?" Aish! Nahuli niya yata akong nakatingin sa kanyaaaa!

"Sorry Archie. May.. may sundo kasi ako eh. Baka parating na siya!" Sagot ko.

"Come on Juwel, I insist." Englishero na ba talaga pag nagmula sa America ang mga Pinoy? -.-

Pumayag na ako. Kulit niya kasi eh!

*********

Tinext ko na si Kuya Rico na umuwi na. Nagpilit kasi si Archie na ihahatid daw niya ako.

"Ang sarap pala ng banana split dito eh." Ayun sa wakas nagtagalog din!

"Oo. Lagi naming inoorder ni Anya at Kristle dito yan." Sagot ko habang kumuha ng scoop sa strawberry fudge ice cream ko.

"Kamusta ka na nga pala?" Tanong niya.

Thank you Lord medyo hindi na ako ninenerbyos!

"Okay lang naman. Ganon padin. Kung pano ka umalis, ganon pa din ako. Hehe."

"You mean, binubully ka pa din nila?"

OO ARCHIE!! AKO PA RIN ANG SOURCE OF ENTERTAINMENT SA SCHOOL!

Gusto kong sabihin yan pero hindi ko kaya. Kaya "medyo" na lang nasabi ko.

"Same old sh*t talaga sa SJPS." Sabi niya habang kinukutsara yung banana split niya.

"Haha, oo. Paikot ikot lang ang nangyayari. Kamusta ka na nga pala? May naging girfriend ka na ba?" HALA JUWEL BAKIT CURIOUS KA SA LOVELIFE NIYA!!!!!!

Tumawa tuloy siya huhu :(

"Okay lang naman ako. Nakakasawa sa America so I decided to come back here." Nakangiti niyang sabi tapos waaaaaaaaaaah!!!!

Naglean siya ng konti sakin habang hawak yung kutsara niyaaaa! Ako naman, nanlakiyung mata ko at tipong umiiwas!!!

Dauntless Princess (ON GOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon