9 - Bet granted

62 8 4
                                    

*Juwel*

Nagkatinginan kami ni Kristle at Anya. Si Anya eh gulat na gulat sa nakita. At si Kristle naman...

Ayun. Binigyan ako ng yes-panalo-ko-sa-bet look.

"A..archieee.." Sabi ni Anya.

"Oh, bakit gulat na gulat kayo?" Nakangiting sagot ni Archie nung naka alis na siya a crowd.

"Eh kasi, may bet kami na kapag nakita ka namin eh sasali si Juwel sa cosplayer's--- ARAY!!" AAAAAAAH! Wag mo nga akong ipahiyaaaa!

Bigla ko tuloy inapakan ang paa ni Kristle.

"Wala, wala. Wag kang maniniwala dyan." Sabi ko na naghehesitate pa.

GRABE. Biglang may droplets of sweat na lumabas sa noo ko.

"Sasali ka sa Cosplayer's Night?" Nakangiting tanong na naman ni Archie.

"OO SASALI NA SIYA!" Sigaw naman ni Anya na natauhan na bigla. "Teka nga Kuya Archie," Pag si Archie kinukuya pag si Migo hindi. Tss "Bakit nandito ka.. At bakit nakauniform ka pa?"

"Kasi nung nakita ko si Juwelee, sabi niya sakin na binubully siya. Kailangan ng savior ng Ate mo!!" Masayahing sagot niya.

Grabe hindi parin siya nagbabago..

Nagtatawanan lang sila tapos ako, nakatulala sa wala.

"Joke lang. Boring sa US eh, I thought I can live for a lifetime there, but Philippines is way much better. So I decided to come back."

"A..anong section ka?" Bigla kong tanong. Matlino kasi to eh, for sure Euclid to.

"I decided not to be an ESEP student. So... Kaklase niyo ko!"

"Woah, talaga?!" Ang saya! Madadagdagan makakausap kooo!!

"Welcome back, classmate." Biglang may nagsalita sa likod.

Please not him, please not--

"Migo." Sabi ni Archie.

Sabi ko palang na wag siya eh!! Baka mahalungkat pa nito yung nakaraan!

"Dude, welcome back." Sabi ni Migo, parang masaya niya sinabi pero feel na feel ko ang tension sa air.

"Thanks haha." Matipid na sagot ni Archie.

Biglang umupo sa spot namin si Migo at kaming mga girls eh napatahimik dahil ramdam na ramdam namin ang pressure.

"Juwel." HALA BAKIT NIYA AKO TINAWAG?! WAG MONG SABIHING...

MAUULIT NA NAMAN ANG DATI?!!!

"B..bakit?"

"Uhm.. Can I meet you on Saturday? You know, for your teaching? Cos.. cos the event's on Monday." Paliwanag ni Lovey.

"Para san?" Sabi naman ni Archie na curious sa sinabi ni Lovey.

"Uh.. Juwel's my teacher. She'll be the one to teach me how to speak Tagalog fluently." Tas ngumiti siya.

"Bakit si Juwel pa?"

Ngkatinginan kami bigla nina Anya at Kristle. Halatang halata na ang tension sa situation. Ang bigat bigat na ng pakiramdam ko.

LUPA BUMUKA KA AT KAININ MO NA KOOOOOOOO!!!!!!

"Cause I'm gonna teach her Physics if she'll teach me Filipino." Yung sagot ni Lovey eh halatang may halong pang iinis.

Nagtinginan si Migo at Archie.

SANA MATAPOS NA TOOOOO!!!!! PAWIS NA PAWIS NA AKO EH!

Si Anya at Kristle eh halatang ganon rin ng nararamdaman. Kabang kaba..

Dauntless Princess (ON GOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon