15 - Love is tripping me

33 0 0
                                    

It's been two weeks. Yeah, two weeks since he had said it.

Two weeks na ang nakakalipas pagakatapos nong Gerry's Grill incident na yon. But still, hindi pa rin nawawala sa isip ko.

Sinabi ba talaga ni Migo yon or guni guni ko lang? Pero hindi eh. Nakakapanibago. Oo, alam ko na dapat kong ikatuwa yon pero alam ko..

May nasasaktan akong ibang tao..


At alam niyo na kung sino yun. 

Nandito ako ngayon sa school grounds, naghihintay ng milagro. Lol. Naghihintay lang kay Kristle. PE kasi ang first subject namin eh. At dito na ako dumiretso. Ang bagal naman non! Nagscroll scroll nalang tuloy ako nung pictures namin.

Anyways, tapos na nga pala yung play. So far so good. Naimpress naman ang teacher kaya binigyan niya kami ng 100. Naiba yung story guys, ayoko nang ikwento. Hindi kami partner ni Migss.

Habang nagsscroll ako ng pictures eh biglang may nahagip yung mata ko nang tumingin ako sa daan.

A.. Anya? Si Anya ba yung nakaupo dun sa may bleachers ng SJPS Gym? At bakit parang.. umiiyak siya?

Lalapitan ko na sana ang kapatid ko nang bigla itong tumayo at tumakbo paalis. Nawala na siya sa paningin ko. Anong meron sa kanya?

Bakit these past few days eh ang tahimik niya at sobrang problemado siya?

"Bes!" Narinig ko ang boses ni Kristle sa di kalayuan. Muka ngang nasa likod ko nalang eh. Pinapaganda ko lang yung term. HAHAHA

"Uy, bes! And the almighty Archie!" Sabi ko. hindi ko alam pero may part sa loob ko na natuwa at na- excite nung nakita ko si Archie na nandito. Masyado kasi akong nakatuon kay Migo nitong mga nakaraang linggo. Alam niyo naman na pag kasama ko si Migo, wala kong time kay Archie. And vice versa.

"Hindi daw tuloy yung PE." Bungad ni Archie. Waaaat?

"Ano? Bakit hindi tuloy?" Tanong ko.

"Icacancel daw yung classes eh. Kasi magkakaroon ng School Press Conference, onwards." -Kristle

"And so? Ano naman ang pake natin dun sa SPC na yun?" GUSTO KONG MAGBBALL ANUBEEEY

"Sasali tayoooo! Surprise!" Ang cute talaga ni Archieee! Sabi niya sakin nang nakataas ang dalawang kamay at shineshake. How cute.

"Ano?" Tanong ko.

"Yup. Radio Broadcasting." -Kristle

"Balita kasi mababa ka raw sa Filipino. Sabi ni Ma'am ikaw ang lowest." -Archie T...TAMA BA RINIG KO?

"Haaaaaa? Ako? LOWEST?!!!"

"Naaalala mo nung nagtest tayo tungkol sa El fili ng 100 items tapos 20 ka lang? Ayun bes. Nagreflect sa grade mo. HAHAHAHAHAHAHAHAHA" Aba tuwang tuwa pa to. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dauntless Princess (ON GOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon