PROLOGUE

2.6K 40 3
                                    

"Tumakbo na kayo, ako na ang bahala dito, tumakas na kayo ni merleiyah." Sabi ng hari habang nakikipaglaban

"Hindi pwede hernand, sabay nating haharapin ang mga kalaban!"sabi ng reyna sa hari

"Sandra makinig ka saakin ngayon, kahit ngayon lang, tumakas na kayo ng anak natin, sige na."haring hernand

Wala ng magawa ang reyna kundi ang sundin ang hari, labag man sa loob nya ang tumakas ay wala syang magagawa kundi ang gawin ito, wala syang lakas ngayon dahil kakapanganak nya palang. Habang tumatakbo ang reyna kasama ang isang tapat na tagapaglingkod ay may humarang sa harap nila, ang Kalaban nila, walang iba kundi ang kapatid nya, oo, kapatid nya.

"Saan kayo pupunta mahal kung kapatid? Ba't kayo tumatakas? *smirk*" Isabela

"Pakawalan mo na kami isabela, maawa ka sa pamangkin mo!" Sandra

"Ha ha ha! Maawa? Ako pa ngayon ang maaawa sandra? Bakit?! Naawa ka ba saakin? Para akong anino sa pamilya natin! Ikaw lagi ang napapansin! Inagaw mo ang lahat sa akin! Kahit ang lalaking mahal ko kinuha mo!"sigaw ni isabela

"Wala akong kinuha o inagaw sayo!"sandra

"Ang daldal mo! Ibigay mo sa akin ang pamangkin ko!"isabela

"Magkakamatayan muna tayo bago mo makuha ang anak ko!"reyna sandra sabay bigay sa anak nya sa kanyang tapat na tagapaglingkod

Kahit mahina pa ay ginamit ng prinsesa ang kanyang natitirang lakas at kapangyarihan, nilabanan nya ang kapatid, natalo nya ito at biglang naglaho.

'Babalik ako! At sisiguraduhin kong sa pagbalik ko, mabubura na sa alconia ang mga white mages!'isabela

Dahil sa pakikipaglaban ay maraming sugat ang natamo ng reyna, at dahil narin sa kawalan ng lakas at kapangyarihan ay nanghihina na ito, lumapit naman sa kanya ang tapat na tagapaglingkod na si olivia at pilit syang ginagamot (si olivia ay isang healer).

"Olivia, wag mo ng gamitin ang kapangyarihan mo sa akin, manghihina ka lang"sandra

"Ngunit mahal na reyna, di ko hahayaang mamatay ka"olivia sabay iyak

"*smile* salamat olivia sa mahigit 5 taon mong paglingkod sa akin, ngunit may hihilingin sana ako sayo, pumunta kayo sa mundo ng mga tao, ligtas kayo dun pansamantala, alagaan mo ang anak ko, ituring mo syang parang anak, at itago mo ang sikretong anak namin sya ni hernand at sya ang prinsesa, para rin ito sa kaligtasan nya."reyna

"Opo mahal na reyna, gagawin ko po ang utos nyo"olivia

"Sandali *sabay hubad ng kwintas nya* ibigay mo ito kung sasapit na sya sa ika-18 ng kanyang kaarawan, yan ang magproprotekta sa kanya, at eto pa*sabay may lumiwanag sa kanyang palad at nagkaroon ng maliit na bracelet* palagi mo itong ipapasuot sa kanya para hindi lumabas ang kanyang malakas na enerhiya"reyna

*boooogsh*
May mga dumating na nakaitim na cloak at inatake sila, kahit nanghihina na ay lumaban parin ang reyna.

"Tumakas na kayo!" Reyna sabay gawa ng isang portal papunta sa mundo ng mga tao "mahal na mahal kita anak*sabay halik sa noo ng prinsesa*" reyna

Pumasok na sa loob ng portal si olivia habang ang reyna naman ay patuloy na nakikipaglaban hanggang napatay nya na ang lahat ng kalaban, at dahil narin sa mga sugat at panghihina ay binawian narin sya ng buhay.

~~~~~~~~~~~
Okiii, hahaha pasensya na po kayo sa prologue alam kong waley hihihiz, hahahaha but i hope that you'll suport diz ahiii💕 kamsa❤

Alconia Magical AcademyWhere stories live. Discover now