Courzein's POV
"Anong gagawin natin courzein? Bumabalik na ang mga dark mages at hindi maitatangging mas lumakas sila ngayon."johann
"At mas lalo silang naging mapangahas ngayon."kesha
"As soon as possible, gagawin nating mas pahigpitan sa nakakataas ang seguridad ng buong academy, mahirap na, kakaumpisa palang ng klase kaya sigurado akong wala pang masyadong alam ang mga newbies, at tsaka hindi pa natin nahahanap ang prinsesa."zacj
"Maglalabing walong taon na simula ng mawala ang prinsesa, hindi kaya patay na sya?" Katelien
"Hindi pa sya patay, nagpapatunay dun ang magical gate, kung matagal ng patay ang prinsesa edi sana wala na ang gate na yun"kristelle
"Tama ka, at nakausap ko nga pala si headmaster kanina."
"Anong pinag-usapan nyo?"
"Mas mapapadali nalang ang paghahanap natin sa nawawalang prinsesa, kahapon, may nakitang pangitain ang orakulo, nakita nya na nabuhay at bumukas ang magical gate, ibig sabihin maaaring dun dumaan ang nawawalang prinsesa."
"So you mean narito lang within the campus ang nawawalang prinsesa?"kesha
"Oo, ganun na nga, kaya as soon as possible, gagalaw na tayo para mahanap ang nawawalang prinsesa, baka maunahan pa tayo ng mga dark mages."
Leyah's POV
Narito ako ngayon sa secret magical garden, yun daw ang tawag sa garden na ito sabi ni leyrah
'Hindi ako maaaring manatili sa akademya, mapahamak na at baka magkaroon ng pagdududa ang mga dark mages na nandito na sa akademya ang nawawalang prinsesa.'leyrah
"Leyrah? Sa tingin mo ba buhay pa ang prinsesa?"
'Oo, hanggat hindi pa naglalaho ang magical gate ay may nagpapatunay na buhay pa ang prinsesa.'leyrah
Huh? Magical gate?
"Magical gate? Ano yun?" Nagtatakang tanong ko sa kanya
'Yung gate na bato hindi kalayuan sa akademya, nasa taas ng burol na tanging ang prinsesa lang ang pwedeng makapasok doon.' Leyrah
Sheet of paper, sigurado ba silang tanging ang nawawalang prinsesa lang ang makakapasok doon? Eh paanong nakapasok ako sa magical gate?
'At alam ko ring nandito na ang prinsesa dahil nabuhay panandalian ang magical gate at alam kung walang ibang pumasok dun maliban sayo leyah, at oo, ikaw ang nawawalang prinsesa' leyrah
Hindi parin nag sisink-in ang lahat ng nalaman ko, paanong ako ang naging nawawalang?
"Teka, imposibleng ako ang nawawalang prinsesa, ordinaryong anak lang ako ni o---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang sumingit si leyrah, bastos -_-
'Alam kung alam mo na hindi si olivia leyah, at may patunay ako na ikaw ang nawawalang prinsesa, nay palatandaang sayo lamang makikita, ang tattoo na makikita lamang pag nasisinagan ng liwanag galing sa buwan, ang goddess tattoo.' Leyrah
Hinawakan ko ang batok ko kung saan lumiliwanag ang tattoo ko, sheez humapdi bigla
'Alam kung nag-iingat ka lamang, ngunit sinisigurado kung mapagkakatiwalaan mo ako leyah, handa akong pagsilbihan at protektahan ka prinsesa, ako ang iyong legendary guardian, mahal na prinsesa' leyrah
Totoo ba ito? Ako ang nawawalang prinsesa, arrgh! Ang sakit ng ulo ko sa mga nalaman ko ngayon! Kaya naman pala minsan may mga weird akong nafefeel, akala ko nag hahallucinate lang ako sa mga kapangyarihan na nailalabas ko.
'Wag mo munang isipin yan ngayon, bumalik ka na sa dormitoryo mo, nag-aalala na ang kaibigan mo.' Leyrah
Nagulat nalang ako na sa isang iglap lang ay narito na ako sa aking kwarto, wow nag teleport ako.
'Huling paalala prinsesa, panatilihin mong sikreto na ikaw ang nawawalang prinsesa, sa panahon ngayong marami ang mga traydor na maaaring ikasira at ikabagsak mo, at kung kailangan mo ako, tawagan mo lang ako kahit kailan, paalam prinsesa, mag-iingat ka.' Leyrah sabay naglaho bigla
Ako ang nawawalang prinsesa, ang nakatadhanang magsasakripisyo para mailigtas ang lahat ng nasasakupan ko, hays, masyado akong napagod ngayong araw sa lahat ng nalaman ko, makatulog na nga muna.
~~~~~~~~~
Voteeeeee
YOU ARE READING
Alconia Magical Academy
FantastikThis story contains SPG charoot lang haha, syempre halata naman sa title na fantasy ito, hihiz hope na magustuhan nyo.l