Leyah's POV
Nagising ako medyo madilim-dilim pa kaya tiningnan ko sa orasan kung anong oras na, masyado pang maaga, alas 5 palang, dahil hindi naman ako inaantok, pumunta na ako sa kusina at nagluto ng aming breakfast, nagluto lang ako ng itlog, bacon, hotdog at ham tsaka nagluto rin ako ng fried rice, saktong natapos ako sa pagluto ko ng lumabas ng kwarto nya si kesha, hangkyuuut
"Hmmmm, ang sarap ng amoy hihihi sa atin ba yan?"kesha
Tumango lang ako sa kanya, tinatamad akong magsalita.
"*munch munch* bay dya wey, nasha kwartsho myo nya yung uniporm myo"keisha
"Wag ka ngang magsalita ng puno ang bibig mo, nakakadiri"
"Hehe sorry na, nasa kwarto mo na ang uniform mo, lahat ang bag, ang cute nga eh kasi panda, pwedeng akin nalang?"keisha
Tiningnan ko sya ng masama
"No one can steal MY panda to me, saakin lang yun, wala ng dapat pang mang agaw saakin nun.".
"A-ahh e-eh sabi ko nga hehe"keisha
Di ko nalang sya pinansin at tumuloy nalang ako papunta sa kwarto ko, tutal tapos na rin naman akong kumain.
Ok naman yung uniform, yung pangkorean, kyeoptaaa.
Ginawa ko na ang morning rituals ko at pagkatapos ay isinuot ko na ang uniform ko, mabuti nalang di masyadong revealing, hanggang tuhod ang palda ko hihi hangkyuuuut, sabayan pa ng panda bag ko, perfect, but before i forgot, kailangan kong suotin ang kwintas na binigay saakin ni mommy.
Lumabas na ako ng kwarto ko at nakita ko ring naka upo na sa sofa si kesha, nakabihis narin sya at handang-handa na
"Waaaah ang ganda mo talaga, bagay na bagay sayo ang uniform"kesha
"I know"
"Halika na nga, kanina pa naghihintay ang service, ang tagal mong gumalaw" kesha sabay hila sa kamay ko, seriously? May balak bang putulin ng babaeng to ang mga kamay ko?-_-
"Dito tayo, hihi dyan ka na sa may bintana para makita mo ang ganda ng lugar namin."kesha
Umupo na ako sa may bintana, mga 5 minuto ang tinagal bago umandar ang sinasakyan namin, ewan ko kung anong tawag dito pero maganda sya. Nakatingin lang ako sa bintana, wow, ang ganda talaga, malalaki ang mga puno dito at kumikintab ang mga dahon na parang mga diyamante, maraming bulaklak na parang sumasayaw sa ihip ng hangin, berdeng-berde ang kulay ng mga damo, malinis ang mga batis at parang may mga lumilipad na kagaya ni thinker bell, hangkyuut, wait, thinkerbell?
"Kesha, ano yung mga maliliit na lumilipad sa banda roon?" Sabay turo sa lugar kung saan ko nakita parang thiker bell kanina.
"Ahh yan ba? Mga fairixie ang tawag dyan, mga faries sila na naglalabas ng pixies galing sa mga pakpak nila, ang mga pixies na inilalabas nila ay parang fertelizer at yan ang dahilan kung bakit magaganda ang mga tanim dito sa alconia."kesha
"Ah ok" ako sabay tingin ulit sa bintana, nakikita ko na ang mala palasyong paaralan daw namin.
"Halika na leyah, malalate na tayo" kesha sabay hila nanaman sa kamay ko, isa pa talaga at kukutusan ko na to.
Nasa gate na kami ngayon at nakapila, parang sa mortal world lang din, ang daming estudyante.
Nakaalis na kami dun sa gate, ewan ko ba at yumuyuko sila nung dumaan kami ni kesha, pero kung tingnan nila ako para akong may kasalanan, psh."Keshaaaaaaaaaaa!"
May tumawag kay kesha sa likuran namin kaya lumingon kami palikod, *_* waaaah ang gandaaaaa.
"Huhuhu*hug* i miss you very much, almost 3 months rin tayo di nagkita" idunno girl
"Kristelle wag oa, hihi namiss rin naman kita" kesha
"Eh ako ba i mean kami, di mo ba namiss?" Idunno boy, nakita ko namang namula ang pisngi ni kesha, hmmmm i smell something fishy.
"Huh? Ey namiss ko rin naman kayo,hehe"kesha
Nakaka op naman, hinay-hinay akong lumakad papalayo sa kanila, di naman mapapansin ng babaknitang yun na umalis ako, pero habang naglalakad ako ay nabangga ako sa pader, shemz di ko napansin yun ah, huhu ang sakit ng noo ko.
"Watch.your.step" malamig na boses ng lalaki
Brr, sa unang pagkakataon may tao na akong kinakatakutan huhu, pero papatalo ba ako?!
"Excuse me? Ako lang ba ang hindi tumitingin sa dinadaanan huh?!" Malamig kong sabi sabay tingin sa kanya, *gulp* hang pogiiii *_*, aysh leyah behave!
"Kasalanan ko ba kung bakit ka nakayuko habang naglalakad huh?!" Sya
Di ko napansin na nakahatak na pala kami ng atensyon, aysh yun pa naman ang pinaka ayaw ko sa lahat.
'Lagot sya kay prince zein.'g1
'How dare she to say that to my prince?!' g2
'Nako lagot sya, pangalawang beses ko palang nariririnig magsalita sa tagalog si prince zein pero sa pagkakaalam ko ang unang taong pinagsalitaan nya ng tagalog ay halos tustahin na nya'g3
*gulp* patay, ano bang gulo ang pinasok ko?
"Are you ready to die?" Sya sabay labas ng apoy sa kamay nya, waaaaaaah mamamatay na akoooooo.
----
Waaah hope you'll like it
YOU ARE READING
Alconia Magical Academy
FantasyThis story contains SPG charoot lang haha, syempre halata naman sa title na fantasy ito, hihiz hope na magustuhan nyo.l