Kesha POV
Nagising ako ng may naramdaman akong malakas na enerhiya, mga tumagal lang iyon ng ilang minuto pero alam kung naramdaman rin yun ng ibang mga kasama ko, pakiramdam ko nga malapit lang sa kinalulugaran ko kung saan nanggaling ang malakas na enerhiya.
Kinaumagahan ay nagising ako ng 4:00 am palang, naisip kong mag jogging muna since mamaya pa namang 8:00 ang pasok namin, nagsuot lang ako ng short at plain black t-shirt at pinaresan ng rubber shoes. Paalis na sana ako ng isiping silipin ang kwarto ni leyah, nitong mga nakaraang araw naging limitado nalang ang aming pag-uusap dahil naging busy kami sa paghahanap sa nawawalang prinsesa.
Matapos kung silipin si leyah at masigurong ayos lang sya, naging kampante akong iwan na sya, ngunit nagulat ako ng biglang may lumitaw na lalaking naka black cloak na akmang sasaksakin si leyah, tutulungan ko na sana sya pero nabigla ako ng hinawakan lang ni leyah ang kamay ng lalaking naka black cloak at ngumisi sya, nakakatakot ang pag ngisi nya, nakaka kilabot.
Hindi ko inasahan ang nangyari, biglang naging ginto ang buhok ni leyah, ewan ko kung namamalikmata lang ba ako o sadyang totoo ang nakita ko. Itinaas ni leyah ang kamay nya sabay may lumabas na liwanag sa palad nya, pagkatapos ay itinapat nya iyon sa lalaking naka cloak at bigla nalang nawala ng parang bula, hindi ako makapaniwala sa nangyari. Hindi pa ako nakakabawi sa pagkabigla ng bigla na lang nahimatay si leyah, sht kailangan ko ng tulong.
Courzein's POV
*phone call ringtone*
Sht ang masyaso pang maaga, papatayin ko talaga kung sino man ang tumatawag saakin ngayon ng ganito kaaga!
"Sht what?!"
"Courzein! I need your help!" Kesha
Kinabahan ako sa tono ng pananalita ni kesha, parang may hindi magandang nangyari.
"Bakit? What happened?"
"May lalaking naka black cloak ang pumasok sa kwarto ni leyah at akmang papatayin sya, mabuti nalang at lumabas ang kanyang kapangyarihan kanina kaya naprotektahan nya ang sarili nya, pero nabigla ang katawan nya kaya nawalan sya ng malay, courzein kailangan natin syang dalhin sa clinic, baka anong mangyari sa kanya!" Kesha
"Sige papunta na ako" sht, bakit papatayin sya ng lalaking naka itim na cloak!
Hindi na ako nag-aksaya ng oras, dali-dali akong nagteleport papunta sa dorm nila kesha, nakita kong nakahandusay sa sahig ang babaeng nakasagutan ko noon, namumutla na sya. Binuhat ko na ang babaeng to at nag teleport papunta sa clinic, dali-dali naman syang inasikaso ng mga healer dito, kailangan nya lang daw magpahinga dahil nabigla ang katawan nya sa paglabas ng kanyang kapangyarihan, hindi kaya sa kanya nanggaling ang malakas na enerhiya na naramdaman ko kagabi? Pero imposible, isa lamang syang hamak na magic user.
"Courzein" kesha
"What?" Inis kong sagot
"Ito naman higblood agad, i just wanna say thank you sa pagtulong." Kesha
"No problem" cold kong sagot
"Btw, naramdaman mo ba ang malakas na enerhiya kagabi?" Kesha, wait naramdaman nya rin pala yun?
"You feel it too? I thought it was just me."
"Saan kaya nanggaling yun?"kesha
"I don't know, but for now, we should set aside that first, we need to find the missing princess as soon as possible"sabi ko sabay tayo
"8:00 in the morning, we have a meeting" huli kong sabi bago nag teleport papunta sa kwarto ko at iniwan si kesha na magbantay sa babaeng yun, argh! Inaatok pa ako, kailangan ko pang matulog!
*Someone's POV*
"Mahal na reyna, malapit na po naming malaman kung sino ang pamangkin nyo" sabi ng tapat kung alagad
"Siguraduhin nyong hindi kayo papalpak, kundi kayo ang papatayin ko" sabi ko sabay may sumilaw na ngisi sa aking mukha, maghintay kalang mahal kong pamangkin, nalalapit na ang nalalabi mong oras, BWAHAHAHAHAHAHAHA!
~~~~~~
JUST VOTEEEEE
YOU ARE READING
Alconia Magical Academy
FantasyThis story contains SPG charoot lang haha, syempre halata naman sa title na fantasy ito, hihiz hope na magustuhan nyo.l