Leyah's POV
Nagmamadali akong nag-aayos ngayon kasi 7:45 na,8:00 ang pasok namin, aysh.
"Leyah mauna na ako huh? May meeting pa kasi akong pupuntahan" keisha
"Ah yeah no problem"
Umalis na si keisha at ako nalang ang naiwan sa dorm, well bagay naman saakin ang uniform, kahit minsan lang akong magsuot ng palda ok naman kasi komportble naman ako kahit papaano.
Naglalakad na ako ngayon sa hallway papunta sa room ko, kanina pa ako naiinis sa mga tingin ng mga estudyante dito, bakit ba ako nila tinitignan? May dumi ba ako sa mukha? -____-
'Diba sya yung bagong lipat?' G1
'Oo, ang ganda nya diba? Tsaka ang swerte nya kasi ka roomate nya ang isa sa mga prinsesa"G2
Karoomate ko?
'Oh? Seriously? Si prisesa katelien ka roomate nya? Ang swerte nya naman, sana ako nalang sya."G3
O_O prinsesa si katelien? Taeee kaya naman pala yumuyuko ang lahat ng taong nadadaanan nya.
Nakarating na ako sa room ko, ewan, kakaiba ang room na ito, kulay ginto, hindi gaya ng mga nadaanan ko kaninang room, parang ordinaryo lang at nagkakaiba-iba sa kulay tapos may nakalagay lang sa pinto kung anong magic ang nakalagay, ito kasing room na papasukan ko star section ang nakalagay.
*tok tok tok*
"Come in Ms.leyah"
Nabigla ako ng nalaman agad ng aming guro ang pangalan ko, eh ngayon pa lang ako papasok eh.
"*chuckles* I can read your mind iha, my special abillity is to read your thoughts o kahit sa iba, pero bakit parang may humaharang sa isip mo?"
Nagkibit balikat lang ako sa tanong nya, sa totoo rin kase hindi ko alam ang isasagot sa tanong nya
"ah forget that, pasok na magsisimula na ang klase, and oh, pwede kang umupo sa katabi ni Mr.Kang iha."
Tuloy-tuloy lang ako naglalakad papunta sa aking upuan, kahit matalim ang tingin sakin ng katabi ko ay taas noo parin akong naglalakad papunta sa tabi nya
"Uy leyah,mabuti naman at ok ka na" kristelle
"Oo nga, mabuti nalang at hindi pa importante ang mga tinuturo ni maam." Ardian
"*ehem* Good morning everyone, once again, my name is Ms.Linda Vargas, you're adviser, today our topic is all about History" Ms.Vargas
Iba-iba ang mga naging reaction ng mga tao sa loob ng silid-aralang ito, mag ibang biglang naging interisado at may iba namang halata na nababagot na.
"thousand years ago, ng maitatag ang paaralang kinatatayuan natin ngayon, sa maniwala kayo o hindi, isang babae ang namuno sa pagbuo ng paaralang ito, sya ay si Reyna Cassandra, si Reyna Cassandra ang pinakamalakas sa mga malalakas noon, sya ang namumuno ng maayos sa mundong ito at ginagawa nya ang lahat upang mapanatiling maayos at mapayapa ang buhay ng kanyang mga nasasakupan, sabi ng mga matatanda, si Reyna Cassandra ay may taglay na kagandahang hindi mapapantayan, dahil nga sa taglay nyang ganda, maraming kalalakihan ang umibig sa kanya, ngunit isang lalaki lang ang kanyang inibig, sya si Haring Tronos, si Haring Tronos ay mabait at malakas rin, kaya naman mabilis silang nagkapalagayan ng loob, ngunit sa kanilang kasiyahan ay may isang babae ang napupuno ng galit ang puso dahil matagal nya ng mahal si Haring Tronos ngunit di nya lang maamin dahil bukod sa kadahilanang sya ay isang alipin lamang, sya rin ang pinakamatalik na kaibigan ng reyna, ngunit nabulag ng galit at selos ang puso ng babaeng nagngangalang elisa, tumaliwas sya sa paniniwala sa kabutihan at pinag-aralan ang paggamit ng kapangyarihan sa kasamaan, mahigit 3 taon din ang nakalipas ng naging malakas na ng lubusan si elisa, bumalik sya sa palasyo upang gumanti, at sa araw ring iyon ay ang ikalawang kaarawan ng anak ng hari at reyna, ginambala nya ang kasiyahan at nagtagumpay na mapatay ang hari at reyna, ngunit ang prinsesa ay nakatakas na at hindi na nya nahanap pa." Ms.Vargas
"Eh maam nasaan na si elisa?" classmate
"Ang sabi nila, matapos ang insidenteng iyon ay di na nakita muli si elisa, ngunit may bali-balita ring sya ay nagdalang tao" Ms.Vargas
"Eh yung sinasabing anak nya, nasaan na?"classmate
"Ewan, wala ng balita kung ano ang nangyari sa kanila matapos yun."
*RIIIIIIIIIIING*
"Ok class, that's all for today, thank you"Ms.Vargas
Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at unti-unti ng lumabas sa classroom, nabigla parin ako sa ikenwento ni maam, ang sakit ma traydor ng sariling kaibigan.
"Huy leyah, ano na? Tara kain tayo" kesha
"Ah eh, wag na"
"Anong wag na, tara na bilis" kesha sabay hila saakin kaya wala na akong nagawa pa
Habang naglalakad kami sa hallway, nagsisiyukuan ang mga nadadaanan namin, oo nga pala, mga royalties mga kasama ko.
Umupo sila sa pinakasentro ng canteen, parang di nga canteen eh, parang nasa 5star hotel kami sa sobrang sosyal ng kainang ito, at para bang VIP kami kase kulay ginto ang inupuan nila tapos may nakalagay na 'FOR ROYALTIES ONLY'
"Oh bat di ka pa umuupo?" courzein
"Eh bakit? Kasama ba ako sa royalties? Di naman diba?"
"Ang arte arte mo, umupo ka na nga!" sabay hila sa kamay ko
Nagkatinginan kaming dalawa at nakita kong namula sya at parang ganun rin ako, nararamdaman kong uminit ang pisngi ko, WAAAAAAAH ANO TONG NARARAMDAMAN KOOO?!
~~~
HI GUYS IMYALL❤
YOU ARE READING
Alconia Magical Academy
FantasíaThis story contains SPG charoot lang haha, syempre halata naman sa title na fantasy ito, hihiz hope na magustuhan nyo.l