Leyah's POV
Naglalakad ako ngayon, ngunit di ko alam ang aking patutunguhan, huminto ako sandali dahil may dalawang daan, sht di ko alam kung saan ako dadaan. Sa kanan ay isang nakakatakot na eskinita habang sa kaliwa naman ay makikita mo ang ganda at buhay, doon na sana ako papasok ngunit nahagip ng atensyon ko ang isang paro-paro, parang may nag-uudyok sa akin na sundan iyon, sinundan ko ang paro-paro, naaaliw ako sa kanya, ngayon pa lang ako nakakita ng ganyan kagandang paro-paro, pumasok sya sa kanan na eskinita, kahit nakakatakot ay pumasok rin ako, para akong nahehepnotismo sa ganda ng paro-paro. Di ako makapaniwala na ang pinasukan kong nakakatakot na eskinita ay paraiso pala sa ganda, ngunit makikita na wala na itong buhay, kulay putik na ang lumalabas na tubig sa ilog, bilang nalang ang mga bulaklak at maraming namamatay na puno. Habang tinintingnan ko ang nasa paligid ko ay napansin kong may lumiwanag sa lupang aking tinatapakan ngayon, nagulat ako kaya mabilis akong lumayo, mas dumami pa ang liwanag at nagform ito ng daanan, sinundan ko ang liwanag, pasadong alas 3 palang kaya maliwanag pa pero kitang-kita pa rin ang liwanag, ng makarating ako sa pinakapuntang lumiliwanag na lupa ay namangha ako sa aking nakita, isang napakaling gate na gawa sa bato, ng hinawakan ko iyon ay nakaramdam ako ng malakas na enerhiya, napansin ko rin na may square na bato sa gilid ng gate at may nakasulat dito, wait, astig naiintindihan ko, mabasa nga.
"Ang prinsesa'y dumating na,
Upang iligtas ang akademya,
Pupuksain ang masasamang tao,
Ng magtuloy-tuloy ang kapayapaan sa aking mundo."Nagulat ako ng biglang nagliwanag ang gate, sht nakakasilaw, para akong mabubulag, ng mawala ang liwanag ay tumambad sa aking paningin ang isang malaking palasyo, huh? Palasyo? Nasa ibang bansa ba ako? No, ang tanong, nasa mundo parin ba ako ng mga tao?.
Tiningnan ko ang gate na nasa likod ko, huh? Bumalik sa pagkabato?
Hinayaan ko nalang yun ay pinagpatuloy ko ang paglakakad, yes lalakad pa ako, huhu masyadong malayo pa naman ang palasyo, nasa taas parin kasi ako ng burol pero hindi naman masyadong mataas.
-PALASYO-
*Ako po muna ang mag nanarate ng story*
"Mahal na hari, ang orakulo, mukhang may nakikitang pangitain!" Sabi ng alagad ng hari na nagmamadali
"Oh sige, papuntahin mo na sya dito bilis!"hari
Mabilis namang sumunod ang alagad ng hari at pinapunta sa garden ang orakulo, puti lang ang makikita sa mga mata nito, pagkatapos ng mga 3 minuto ay bumalik ang orakulo sa normal at isinalaysay sa hari kung ano ang kanyang nakita.
"Mahal na hari, may magandang balita" orakulo
"Ano iyon andrew? Isabi mo agad."hari
"Dumating na po ang prinsesa, ngunit malabo po ang kanyang mukha kaya di ko matukoy kung sino" orakulo
"Magandang balita nga iyan, ngunit mahihirapan tayong mahanap ang tunay na prinsesa, lalo na ngayong unang araw ng pasukan at maraming bagong estudyante ang nagtransfer ngayon sa alconia na galing sa iba't-ibang lugar lalo na sa mundo ng mga tao."hari
"Wag po tayong mawalan ng pag-asa haring jake, mahahanap rin po natin ang nawawalang prinsesa." Orakulo
"Oo, alam kong malapit na, lalo na ngayong nararamdaman kong malapit ng magbalik ang mga dark mages at nararamdaman ko ring mas malakas na sila ngayon, kaya kailangan na nating syang makilala sa madaling panahon dahil sya lang ang pag-asa ng ating mundo.
~~~~~~~~~
Alam kong lame ito -_- but I hope susuportahan nyo parin ako.
YOU ARE READING
Alconia Magical Academy
FantasyThis story contains SPG charoot lang haha, syempre halata naman sa title na fantasy ito, hihiz hope na magustuhan nyo.l