Selosong halimaw
Hay salamat uwian na. Tatayo na sana ako ng biglang may humatak sa kamay ko. " Nath sabay kana saakin" alok ni Blade. Nakita kong umirap si Saint saamin. "wag na baka may gawin pa kayo. "pakipot kong sabi. "Hindi. Wala naman kaming practice sa banda." sabi niya. "Sige² wait ililigpit ko lang ang gamit ko." sabi ko "May practice tayo Blade ngayon. Huwag ka munang makipaglandian diyan." sarcastic na sabi ng selosong halimaw bwisett talaga. Eto na sana yung chance ko para makasama kay Blade. "Mauna na ako Blade ha. Malapit naman bahay namin eh." sabi ko at umirap sa dugong na yun. Mauuna na nga ako sa bahay kasi baka sunduin ako ni Papa. "Briar wag ka munang umuwi kasi gagawa pa tayo ng project natin." sabi ng classmate kong si Jella. "Ay ganun ba. Sige²" sabi ko at sumama na sa classmate kong papuntang library. Pag dating namin dun nag search na kami.
*After an hour*
6:00 pm na my gulay my energy is drain kailangan ko nang umuwi para kumain. Nag paalam na ako sa ka group ko para umalis na at para maka uwi rin. Habang nag lalakad ako palabas ng library medyo madilim na. Nasa may guard house ako nang bigla kong nakita si Blade at mga ka banda niya pati ang dugong.Uy andito ka pa pala Briar? Tanong saakin ni Callum.
Malamang kinausap mo nga eh. Engot ka rin eh noh. Sarcastic na sagot ni Dugong.
Oo Callum. Gumawa pa kasi kami ng mga kagrupo ko ng project namin. Sagot ko kay Callum.
~Crinngg~ Crinngg~
'Mom calling'
Teka lang ah tumatawag ang mama ko. paalam ko sakanila.
"Hello mom?" sagot ko.
Honey, your dad can't fetch you. May importante daw siyang gagawin. Wala rin yung driver dito. Nag day off siya kasi may sakit yung asawa niya. Sabi ni mom.
Ok mom. Not a problem. I know how to commute anyway. sabi ko.
Ok honey, take care. sabi ni mom
"Toot ~ Toot"
Ah sige guys ah mauuna na ako hindi daw ako masusundo ni dad eh. paalam ko sakanila
Sige. sagot nila
Ah teka Briar hatid na kita. suyo ni Blade.
Sasagot sana ako nang biglang nag salita si Saint
Wag na. Ako na ang mag hahatid tutal same lang naman ang daan naming papuntang bahay. sagot ni Saint.
Paano mo nalaman? Siguro stalker kita noh? Pagmamalaking sabi ni Briar.
Hah? A-n-ong pinagsasabi mo diyan?. Utal niyang tanong at hindi makatingin saking mga mata.
Wala sabi ko mukha kang cool fever. Sagot ko at umirap.
Eh Ehhem! Hindi lang naman kayong dalawa ang tao dito. Medyong galit na sabi ni Blade.
Ayiieee! Nagdedevelopan na sila. pang-aasar ni Sean.
Nararamdaman ko na namumula na ang aking mukha, and I know na kasing pula na ito ng kamatis.
Nagulat ako nang bigla akong hilain ni Saint, di na ako naka imik pa.
Limang hakbang pa lang ng may maramdaman akong may humawak sa kabilang braso ko.
B-blade?! Nauutal kong tanong.
Sinuklian niya lang ako ng ngiti at agad ibinaling ang tingin kay saint sinamaan niya ito ng tingin.Sabing ako na ang maghahatid kay briar! galit na sabi ni saint habang tinitingnan ng masama si blade.
Ako ang nauna! Nang gigigil na sabi ni blade..
Jusq panginoon tulungan niyo po ako . Ang haba na ng hair ko hehe pinagaagawan ba naman ako ng dalawang gwapong nilalang sa balat ng lupa.
Ako??! Eto napa nganga sa ginagawa ng dalawa.
Now briar, choose between the two of us! halong galit ay kaba na sabi ni Blade. Lupa..lamunin mo na ako please..matutunaw na ako nito dahil sa titig nilang dalawa.
A-ahh.ah ano..ano kasi.. Pakshit! Luh! Anong gagawin ko..ba't ako NAUUTAL!!!!!!