Mr. Cold

12 2 0
                                        

Asheiya Audrey Salvador's POV

Nandito kami ngayon sa Principal's office para alamin kung anong dapat naming gawin. Hinihintay namin siya kasi sabi ng secretary niya umalis lang daw siya sandali kaya naghintay na lang kami.

Katabi ko si Ashleigh ngayon alangan namang katabi si Principal? Tongeks lang...

Well nandito rin si 'Mr. Cold' tss pero di ko siya katabi nandun siya sa pinka-sulok ng office, tss pa-lonely lang ang peg kuya??

Hmm di niyo pa pala kilala si Mr. Cold no? Well mamaya ko na ipakikilala kasi dumating na si Principal.

"Good morning students sorry I'm late, well let's just start this" sabi niya at umupo agad sa upuan niya.

"Okay your things is already there so you wouldn't problem it and your uniform is already there too" sabi niya so wala pala kaming dadalhin, mabuti naman at di na ko uuwi pero pano ako makaka-pag-paalam kina mom and dad?

"Meron narin kayong sundo, and your parents ay nandun na pala sa labas naghihintay pero hindi sila ang maghahatid sa inyo, atsaka ang papasukan niyo ay dorm school rules and regulations ay dun na i-e-explain, so meron pa ba kayong tanong?" uhmm may dapat pa ba kaming itanong? Eh sinabi niya na kaya lahat.

"Uhm principal" sabi nung babaeng hanggang balikat ang buhok at ang kulay ay itim.

"Yes miss Park?"
"Ahh Principal ilang oras po ba ang biyahe?" tanong niya hmm oo nga ilang oras ba baka 30 minutes lang siguro.

"Hmm good question well you will take 4 hours bago makarating dun" sagot ni principal.

4 hours lang naman pal--...

"WHAT 4 HOURS?" sabay na sigaw naming lahat except ni Mr. Cold.

"Please lower down your voice I'm not deaf" natatawang sabi niya, heck 4 hours ang layo naman yata ng school na yun.

"Uhm me principal, I have a question" sabi nung babae na hanggang bewang ang kulay blonde niyang buhok at halos ilabas na ang boobs dahil sa sobrang kita niyang cleavage.

"Hmm yes miss Ford?" sabi ni principal.

"Uhm ma'am hiwalay po ba ang pag-hatid sa amin or we will all ride in a one car?" tanong niya, oo nga.

"Well i-hihiwalay ang lima, kasi di kasya sa isang sasakyan." sagot niya. Ahh sana naman kasama ko si Leigh para naman hindi ako mainip.

"Meron pa bang magtatanong? Kung wala na kailangan na nating umalis baka dumating na yung sundo niyo" sabi ni principal at nauna nang pumunta sa pinto.

"Oh wait bago ko makalimutan, make some friends there and be nice." makahulugang sabi ni principal pero hindi ko nalang yun pinansin.

"Sheia sana magkasama tayo sa isang sasakyan" sabi ni Leigh.
"Oo nga eh para naman hindi boring" sagot ko at nagkibit-balikat nalang kaming dalawa.

Pagdating namin sa labas ng gate nakita ko naman agad sina mom and dad.

"Mom, dad!!" salubong ko ng makalapit ako sa kanila.

"Sheia, anak!" salubong rin sakin ni mom ng mapansin niya ako.

"Anak be careful ka dun ah wala kami ng dad mo dun walang mag-aalaga at mag-babantay sayo dun" naiiyak na sabi ni mom.

"At anak huwag ka ring mag-bo-boyfriend dun and make some friends there okay" paalala sakin ni dad.

"Okay dad I will, di talaga ako mag-bo-boyfriend" natatawang sabi ko kaya nagyakapan nalang kaming tatlo.

Kumalas na ako sa yakap pero bago ako kumalas may ibinulong pa si dad na hindi ko maintindihan.

"Make us proud anak, huwag kang magpapatalo sa emosyon mo at maging matatag ka mahal na mahal ka namin anak"  sabi ni dad pero di ko yun narinig.

"May sinabi ka dad?" tanong ko
"Ahh wala anak sige na pumunta ka na dun baka maiwan ka pa" sabi ni dad kaya nagkibit-balikat nalang ako.

"Bye mom, bye dad I love you and I will miss you"

"Bye anak ma-mi-miss ka rin namin ng dad mo mahal na mahal ka rin namin mag-iingat ka dun ah" paalala ni mom.

Kaya hinalikan ko na sila sa pisngi at pinuntahan ko na ang mga kasama ko.

"Oh ang tagal mo ata?" salubong na tanong ni Leigh sakin.

"May pinag-usapan lang tara na?" sabi ko.

"Anong tara na di pa nga tapos mag-usap si Mr. Cold at ng kuya niya eh" sabi niya at tinuro si Alexander.

Opo si Alexander Cris Enrile si Mr. Cold.

"Ano ba kasi yung pinag-uusapan nila" I asked, dahil siya nalang talaga ang hinihintay. Pa-VIP si kuya.

"Bakit ako tinatanong mo? Nandon ba ako ha? Diba nandito ako sa tabi mo?" she said with an obvious sarcastic tone.

Oo nga no, ba't ngayon ko lang napansin?

"Okay calm down, your so high blood, nagtatanong lang galit agad? Di pwedeng sagutin ng maayos?" sarcastic ko ring sabi sa kanya.

"Duh tara na nga, sinabi na ni principal kanina kung saan tayo naka-assign na van and seats" sabi niya at hinila ako sa kulay itim na van.

"Sino pala makakasama natin?" curious kong tanong.

Huminto naman siya sa paglalakad at nilingon ako na may nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.

"What!" inis na tanong ko, duh ano bang ngini-ngiti niya diyan?

"Well sa first van which is tayo ay ako,ikaw,si Kiara,si Rainee, at si...." pabitin niyang sabi, pa-thrill pa kasi di niya pa sabihin ng diretso.

"Sino?" nakakunot noo kong tanong.
"At si Mr. Alexander Cris Enrile" ngiting-ngiti niyang sabi, si Mr. Alexader lang naman pala eh, ano ba-...

Huwatt kasama ko siya sa van? Eh ano naman ngayon? Wala namang masama dun ah I mean ano naman kung kasama ko siya?

Oa lang siguro ako... Kumalama ka Sheia huwag mong sirain ang poise mo.... Hooo

Inhale,exhale,inhale,exhale...

"Hey you, are going to ride or not?" tanong nung lalake nilingon ko naman at si Mr. Cold pala, humay ngayon niya lang ako pinansin pero bakit ako lang mag-isa san na si Leigh?

"If your finding your friend she's already in the van" he said at nilagpasan na ako at pumasok na siya sa van.

Langya talaga yung babaeng yun,iniwan ba naman akong mag-isa, not literally mag-isa kasama ko pala yung lalaking yun pero mag-isa na lang rin ako ngayon.

"Yah, Sheia halika na mag-papa-iwan ka ba?" sigaw ni Leigh sa loob sinamaan ko lang siya ng tingin at naglakad na papunta roon.

Humanda ka talaga saking babae ka pag ikaw mahuli ko, babatukan talaga kita.....

******

Princess note:
       Wala naman sigurong nagbabasa ng author's note eh, bakit pa ba ako nagsusulat nito? Siguro dahil gusto ko kayong palalahanan lagi kahit alam kong hindi kayo nakikinig!!! Kasi ganon ko kayo ka-mahal!! Owss grabe hugot ko hahaha, baliw na talaga ako.

Baliw na baliw sa kanya....
                           ~PrincessHermioneEnca
       
Dedicated to: yannahWP
Hello😊😉

Her Other SideWhere stories live. Discover now