Asheiya's POV
Haist ang tagal naman ng biyahe it's almost 2 hours since we left there. Seryoso ba talaga si Principal na 4 hours yung biyahe? Grabe ang layo naman pala talaga ng school na yun.
Kanina ko pa napapansin na nandito kami sa isang forest, pero hindi ako nagreklamo, baka kasi shortcut lang to pero heck may shortcut ba na 1 hour and 30 minutes na kami dito?
Di ko na napigilan ang sarili kong mag-tanong.
"Uh manong, di po ba tayo naliligaw?" tanong ko pero di niya ko pinansin. Wow ha, snubber si manong, famous ata to.Di ko nalang siya pinansin at bumalik nalang ang tingin sa bintana. Si Ashleigh kasi kanina pa tulog kaya wala akong makausap. Si Kiara naman may sariling mundo naka-headphone habang naglalaro sa phone niya. Si Rainee rin tulog. Si Mr. Cold este si Alexander naman nakatingin rin sa bintana habang naka-headphone rin.
Haist kailan ba kami makakarating dun, ang boring na kaya rito. Sa sobrang boring di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
××××××
Naalimpungatan ako ng nakaramdam ako na may nakatingin sa akin kaya, binuksan ko ang mga mata ko at nagulat ako ng bumungad sa akin ang pagmumukha niya.
Hindi ako nakareact at nakatitig lang ako sa gwapo niyang mukha, why so handsome ba?
Natauhan naman ako ng bigla siyang magsalita.
"Glad you're awake, sleepy head" he said at lumayo na sa akin.
Ngayon ko lang nalaman na kami nalang pala ang nandito. Where are they?
"Where are the others" i asked, pero mabuti narin baka kasi may makakita na ganon ang posisyon namin, mahirap na.
"They already outside" sabi niya at naglakad na palabas ng van.
Oh so it means, nandito na pala kami, buti naman.
Tumayo na ako at nag-ayos, ano kaya itsura ng school? Hmm malalaman ko rin naman paglabas ko.
Pagkatapos kong mag-ayos lumabas na ako sa van, at bumungad sa akin ang napakagandang paligid.
Wow, it looks like a paradise.
The place is full of flower, iba't-ibang Uri ng bulaklak ang nandito.
Merong tulips,rose at iba pa. Iba-iba rin ang kulay nila.*0* yan ang reaction namin pero except ni Alexander, wala siyang pakialam at nakatingin lang dun sa napakalaking gate sa harap mga ilang metro ang layo.
So it means maglalakad kami papunta run? Hm ang saya nun.
"Don't waste your time, let's go" malamig na sabi ni Alexander, psh kj naman nitong lalaking to.
Hindi nalang kami umangal at nagsimula na kaming maglakad, ganito naman ang posisyon namin....
Alexander
Kiara and Rainee
Queenie, Roxanne, Adrianna
Krissa and Roland
Ako at si Leigh
Bale nasa hulihan kami ni Ashleigh, gusto ko kasing magpahuli kami.
"Sheia, alam mo may nararamdaman akong kakaiba" sabi ni Ashleigh, ano naman kayang kakaiba yun? Alam niyo may pagakaweird din tong best friend ko.
"Ano namang kakaiba yun?" tanong ko, minsan lang kasi tong si Ashleigh maging weird eh.
"I feel like there something gonna happen" sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Seryoso siya ganon na ba kalakas ang pakiramdam niya, pati kamay niya pinagpapawisan ng malamig.
YOU ARE READING
Her Other Side
FantasyEvery person have each other side. Like you.. You are humble but you have a side that your a selfish person. Meron ring ibang tao na mabait pero meron ring siyang katauhang di mo gugustuhing makita. But this girl is different.... That you also didn'...