1 - Enter the New Life

26 3 2
                                    




"Angelie, anak handa ka na ba? Nandito na ang sasakyan, aalis na tayo!" hay! talaga tong si mama hindi na nasanay, ang kupad kupad ko kayang kumilos pero dahil excited na akong lumipat ng bahay bibilisan ko ang kilos ko!

"Bababa na po ma!" Sabi ko habang nagmamadaling bumaba sa hagdan tapos lumabas na ng bahay. Bago ako sumakay  ng sasakyan tinignan ko muna ang bahay namin. Hay mamimiss ko talaga to' tapos binalingan ko ng tingin ang kusunod ng bahay namin, hay mamimiss din kita James.

"Anak sumakay ka na! Kung gusto mong matulog oh eto unan, kasi malayo layo rin ang biyahe natin. Sige matulog ka na." Tapos sinara niya ang pinto ng sasakyan.

Naku aalis na ako sa lugar ito. Talagang mamimiss ko ang mga ala alang maiiwan ko dito. Tapos mga kaibigan ko mamimiss ko din lalo na ang kaisa-isa kong bestfriend, si James. Napapaisip ako, ano kaya ang pakiramdam niya na mawawala na ako sa buhay niya. Sayang talaga ang pinagsamahan namin, he's my childhood friend kaya mahirap siyang kalimutan kasi importante siya sakin. Sayang nga eh hindi kami magkakasama sa 1st year ng highschool namin. Buti na nga nakapagpaalam ako ng maayos sa kanya.


*Flashback*

Nakaupo ako ngayon sa tree house namin. Patago ito kaya hindi masyadong naeexpose at tinatambayan ng iba. Kaharap nito ang dagat kaya preskong hangin ang malalanghap mo. Mamimiss ko talaga 'tong tree house nato kahit gaano kalakas ang dumadaang bagyo hindi parin ito nagigiba.

"Anj kanina ka pa ba diyan?" Okay nandyan na siya. He used to call me Anj pero mga fake friends ko Anjee tawag nila saakin. Umakyat na siya ng tree house habang ako nakatingin lang sa dagat.

"Hindi naman masyado." Walang gana kong sagot. Paano ko ba sasabihin sa kanya na aalis na ako?

"Mukang malalim iniisip natin ah. Share naman diyan. Ano may nanliligaw sayo tapos di mo alam kung paano siya eh busted?" Hay sana ganyan lang problema ko.

"Tungek! Ang layo layo naman."

"Eh ano ba problema mo baka matulungan kita." Heto na naman yang ngiting nakakatunaw niya.

"Paano ko ba 'to sasabihin? Uhm pwedi magtanong?" Dahan dahanin ko muna.

"Pweding pwedi ano ba yun?"

"Pagmawawala ba ako ano mafefeel mo?" Yan tama yang tanong ko.

" Syempre malulungkot kasi childhood friend kita talagang mamimiss kita ng todo todo pati yang kakulitan mo at tyaka mahal kita kaya ayaw kitang mawala." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ah! Ma-mahal kita bilang ka-kaibigan ikaw talaga hindi ka na nasanay sweet ako diba, pero teka! Bakit mo nga ba natanong iyan?" Nako ito na talaga. Sumandal muna ako sa balikat niya at huminga ng malalim.

"James kasi ano, sina mama at papa uuwi sa probinsiya nila magtatayo kasi sila ng bussiness doon kasama yung mga former classmates nila"

"So?"

"So ayun na nga lilipat na kami doon." Katahimikan. Tanging ang alon lamang ang iyong maririnig. Umupo na ako na maayos at tinignan siya. Ehhhh naka pout siya. Ang cute cute!

"Uy ano na. Wag ka nang malungkot ang cute cute mo pa naman, malapit lang naman lilipatan namin eh hindi naman ibang bansa. Bibisita din naman ako dito kasi diba dito nilibing ang kapatid ko kaya wag ka nang magalala magkikita parin tayo promise." Pangungumbinsi ko habang nakayakap sa kabilang braso niya.

"    " wala man lang imik.

"Hoyyy... mamimiss kita... wag na kasing malungkot... bibisita ako promise..." tinignan niya ako.

"Promise? Wag mo akong kalimutan ah!" Yey nakangiti na siya.

"Promise" nag pinky swear kami.

"Seryoso na talaga to. James mamimiss talaga kita ng sobra sobra kasi mahal din kita." Tapos binigyan ko siya ng isang warm hug "bilang kaibigan" hindi ko parin inalis ang pagkakahug ko sa kanya kasi ganoon din ginawa niya. Nagvibrate phone ko kaya kumuwala na ako sa pagkakahug sa kanya. May message.

From: Mama

Angelie nasaan ka na ba? Hindi ka pa nag iimpake ng mga gamit mo. Umuwi ka na.

"James uuwi na ako ha magiimpake na kasi ako." Tumulo bigla ang luha ko.

"O bakit ka umiiyak? Tahan na sabi mo wag na akong malungkot eh ikaw nga dyan eh umiiyak."

"Di ko mapigilan eh. bukas na kaya alis namin. Mamimiss kita" huhuhuhu.

"Gusto mo tulungan kitang magimpake."

"Sige tara!" Yan talaga ang gusto ko sa kanya palagi akong ginogoodvibes.

*End of Flashback*


"Anak nandito na tayo. Hindi ka pala natulog?"  Sabi ni mama, hindi nga ba? Teka ayyy!!! Ang daldal ko hindi nga pala ako naka tulog sa pag dadal ko sa inyo ^__^.

"Ahh opo ma hindi kasi ako inantok. Ahh ma sabi mo malayo ang biyahe eh bilis nga ehh"  kunti pa nga lang na kwento ko sa inyo dahil nakarating na pala kami eh.

"Sabi ng papa mo malayo daw, hay naku naisahan nanaman ako nun. Tara na nga sa loob nag hihintay na tatay mo." Talaga tong si Mama at Papa parang mga bata nag bibiruan parin kahit matanda na. Pag labas ko ng sasakyan titignan ko na sana ang paligid pero gabi na ehh kaya bukas nalang. Pumasok agad ako sa bahay at nag hapunan tapos nagpaalam na ako ni Mama ta Papa na ma tutulog na ako kasi napagod ako sa biyahe.

Pagpasok ko sa kwarto ko nilibot ko ang aking paningin nagulat ako kasi ang ganda nito kahit maliit, hindi ko naman talaga gusto ng malaking kwarto gusto yung maliit lang  kasi feel ko may karoommate ako kapag malaki ang kwarto ko kaya ayoko ng malaking kwarto. tapos napansin kong may malaking salamin sa likod ng binta sliding door pala, paglabas ko nasa veranda nako ang ganda ng style may maliliit na ilaw. may katapat pala kaming bahay tapos magkaharap din ang veranda ko sa  veranda ng bahay na katapat ng bahay namin. Ang cool kasi paborito kong color ang theme ng room ko it's color Green whooo!! Excited na akong matuloggg sa bago kong kwarto. Goodnight ebrewan <3.




[A/N: whooooshiee hello po sa inyo so this is my first ever story at wag po kayong mahiya mag comment at mag vote po ^__^ Thankie sa mga nag babasa labyow]

Love Story Of OursWhere stories live. Discover now