4 - Pasyal dito, Pasyal doon

11 1 0
                                    

ANGELIE'S POV

"Saan kaya maganda pasyalan?" Tanong ko kay Mark. Naiiling ako sa kanya minsan kasi kahit na hindi pa kami nag uusap ng maayos nginingitian niya na ako.

"Libutin nalang natin ang buong bayan maliit lang naman tong probinsya namin eh" sagot naman ni kuya Zack.

"What? As in buong bayan?" Grabe talaga 'tong si ate kanina pa to.

"Bakit may angal ka? May pinagusapan tayo remember?" Curious ako -__-. Ano pinag usapan nila?

"Fine!" Hahaha ano kaya pinagusapan nila?

"Sa park nalang tayo!" Sabi ni Mark.

"Magandang ideya yan Mark! Tara na!" Umangkas na ako sa likuran ni Mark pero si ate nakipagtalo pa kay kuya Zack.

"Hindi ba pweding maglakad nalang tayo?"

"May problema ka ba sa bike ko? O nahihiya kalang hawakan tong mga abs ko." Muhkang na asar si ate ah.

"Kapal! Sige na nga sasakay na po!" Ayun sa wakas pumayag na si ate.

~~~

Narating agad namin ang park. Hindi naman pala malayo eh kaya lang itong lakarin. Chansing talaga itong si kuya Zack.

Pinagmasdan ko ang plaza. Ang linis naman tapos ang mga puno talagang nakahanay ng maayos pati na ang mga bulaklak, malilinis din ang mga bench at may stage pa. Sa right side nandoon ang playground sa left side naman nandoon ang picnic area. At may malaking space sa gitna. Fresh parin ang hangin.

"Fishball?" Inabutan ako ng fishball ni Ate. Tinanggap ko naman ito agad. Sarap! Yum! Yum! Yum!

"Ano ka ba sabi ko kwek kwek sa akin eh!" Magsisimula na naman ang geyira.

"May reklamo ka na naman?" Tatanda talaga tong dalawa agad agad.

"Ayaw ko kasi ng fi--" yieh! Sinubuan ni kuya Zach si Ate! Kaso pinuno niya ang bibig ni Ate.

"Yan... masarap diba? Ang cute mo pag puno yang bibig mo. Mapicturan nga. Hahahaha"

"Ack! Ack! Ack!" Nalagot na sabi ko kasi eh sobrang puno lang.

"Hala! sorry Andrea. Tubig!" Pinainum siya ni kuya ng tubig. "Okay ka na?" Instead na mag pasalamat si ate ay nagalit ito.

"Urgh! Pahamak ka talaga. Muntik na akong mamat--asdfghjkl!" Ano raw?!

" Sorry na wag mo na akong sigawan" sabay tinanggal ang kamay ni kuya Zack sa pagkakatakip nito sa bibig ni Ate.

"Bahala ka sa buhay mo! Hindi tayo close!" Hay!

Napansin kong nawala ang presensya ni Mark, nasaan na kaya yun? Nilibot ko ang aking paningin. Nakita ko na siya! Nandoon pala siya sa playground area, sa swing to be exact. May kausap siyang dalawang babae at lalaki. Sino sila? Minabuti ko munang ibaling ang tingin ko kina ate. Mamaya ko nalang siguro tatanungin si Mark, pagkalingon ko wala na sila ate *___* patay +___+ nasaan na sila? Nilibot ko ang aking paningin ngunit hindi ko talaga sila makita. No choice ako kailangan kong lapitan si Mark. Habang naglalakad nagpalingunlingun parin ako baka sakaling makita ko sina ate at hindi na maituloy ang paglapit ko kay Mark. Nakakahiya kaya may mga kaibigan siya.

"Excuse me, Mark nakita mo ba sila ate?" Nakatingin lahat sila saakin.

"Hindi eh. Diba kayo ang magkasama?"

Love Story Of OursWhere stories live. Discover now