2 - Meet Them

8 2 0
                                    

ANGELIE'S POV



Nagising ako dahil ang ingay ingay, lumabas na ako ng kwarto ko at sinalubong agad ako ni mama.



"Anak goodmorning, kumain kana mag aayos pa kami ng gamit ng Papa mo." Wow ako lang ang kakain magisa.



"Okay po ma, kaya pala ang ingay ingay, nag aayos po pala kayo." Umupo na ako at kumain. Pagkatapos kong kumain ay naligo ako.





***

Tinungo ko ang veranda. Ang sarap dito fresh na fresh ang air na malalanghap mo tapos pag umaga kitang kita ang mga bahay lalo na yung lalaki na nakatayo sa veranda tapat ng bahay namin at nakatingin pa sa akin... 

oww what!?? As in tapat ng bahay namin?!! Shemay! $&#@ at naka tingin talaga sa akin?! Hindi hindi Angelie pumasok ka sa loob dali.

At ayun pumasok ako sa loob pero nakasandal ako sa may sliding door ng veranda ko buti nga may curtains kung wala nako makikita niya parin ako, nako ano kaya iisipin nung lalaki na yun mhayyghaad!

Pero... pero kyut siya, matingnan nga ulit, sumilip ako sa kurtina nagulat ako nang makita siyang naka tingin parin sa veranda ko at nakangiti parin tinakpan ko ulit yung muka ko gamit ang kurtina napabuntong hininga ako tapos tumingin ulit pagka tingin ko kumaway na naman siya sa akin like whut the!!! He waved at me! kinikilig na ang mga buto ko whoooo but wait kausapin ko kaya siya? Segi Go.



Lumabas ako ng veranda pag tingin ko wala na siya ayy sad layp! Wala na siya, sa susunod nalang baka magkataon na magkatapat na naman kami. Naalala ko tuloy si James, miss ko na siya. Ano kaya ginagawa niya ngayon? Lumabas na ako ng veranda at timingin sa baba, nakita ko si mama sa baba, may tinawag siyang babae tapos nagulat naman yung babae. Sino kaya siya? Nagulat ako nang may kumatok sa pinto ko si Papa pala.



"Anak may bisita tayo sa baba, Kaibigan namin ng mama mo. Mag ayos ka at ipapakilala kita." Tumango ako at nag suklay na ako tapos sinuot ang paborito kong headband.



"Bababa na po Pa." Sagot ko at tumingin sa salamin at inayos ang damit ko. Paglabas ko ng kwarto may narinig akong nag tatawanan kaya napaisip ako kung sino ang bisita namin, baka yung babaeng tinawag ni mama kanina.



Bumaba na ako ng hagdan at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko yung pagmumuka ng lalaking yun at nakangiti pa! Baka anak siya ng kapitbahay namin. Nanigas ako. Gusto kong tumakbo pabalik sa kwarto ko pero di ko maigalaw ang mga paa ko.



"Anak umupo ka naman dito, bakit naka tayo ka lang dyan?! Hindi mo rin kami pinapansin, anong nangyayari?" sabi ni mama, wait a minute naka tayo lang ba ako? Hindi ko ba sila pinapansin? di kaya kanina pa akong tulala dito?! Ehhh soooo embarrassing, na sa harapan pa ni Ano! ni... ni kapitbahay! Angelie umupo ka na.



"Ahh... oo... hihihi... sorry... ma ang gwapo mo hihi" bakit nasira mukah ni mama? Ang sweet kaya ng compliment ko sa kanya. Sabi ko diba gwa--. Ay mali! Take 2



"I mean ang ganda mo ma haha nasira utak ko. Si papa kasi kung makatingin sakin parang may something. Ganda mo ma." palusot ko. totoo naman ehh maka titig si papa parang may something, bakit kaya?



"Anak may bisita tayo diba? Umupo ka na" Ommoh nakalimutan ko! At hindi pa ba ako naka upo? Hay nako saan ba kasi nagpupupunta tong utak ko?!



"Ay sorry po" nako tiningnan ko si kapitbahay ang kyut kyut ng pisngi niya lalo na pag nakangiti. Parang si James. Bakit siya naka ngiti?



Love Story Of OursWhere stories live. Discover now