3 - What A Day

7 1 0
                                    




ANDREA'S POV



Humiga na ako sa kama at nagmunimuni muna. Hay grabe talaga ang kapatid ko, mahal na mahal niya talaga ang bestfriend niya. Ako nga eh kakabreak lang namin ng boyfriend ko dahil nga lilipat na kami ng bahay kaya ayun di niya keri ang long distance relationship kaya ayun nakipaghiwalay na siya sa akin actually naka move on na ako kasi one month palang before ng alis namin ay nakapagdesisyon na sina mama at papa na lilipat kami so it means one month na din noong nakipaghiwalay siya sa akin.



Masakit parin naman talaga isipin kasi siya ang first ever boyfriend ko pero sabi ng diba past is past ano pa nga ba magagawa ko, wala namn diba? Nabalitaan ko nga two weeks after ng break up namin may bago na siya, kaya ayun move on ako kung move on may mahahanip din ako. hmp!   






TICK!






Ano yun? Parang may tumama sa pintuan ng veranda ko.






TICK!






Naku ayan na naman! Nagtalukbong na ako ng kumot kasi natatakot na ako.






TICK!






Ayan na naman! Napansin kong dumulim ang paligid. Tinanggal ko ang pagkakatalokbong ko, Hala! Napatay ang kuryente. -.- nagtalukbong ulit ako kasi natakot na ako. Urgh! Matutulog nalang ako!






~~~




"Mahal kita Andrea!" Nakakinis talaga itong lalaking ito. So annoying!




"Mahal mo mukah mo!" Sinusundan niya parin ako kahit na nililigaw ko na siya.




"Ayaw mo ah. Hahalikan kita!" Nanakot pa talaga!




"Sige subukan mo. Tignan lang natin kung kuya mo!" Sabi ko sabay takbo ng pagkalakaslakas "Andrea! Wag kang tumakbo! Mapapahamak ka lang"




"Ako ba niloloko mo? Habulin mo ako! Hahaha" umabot ako sa isang patag na lugar mga damo lang ang iyong makikita walang kalsada, walang bahay, walang ilog o dagat, walang gusali, walang puno, at walang tao. Nasaan na siya? Tumakbo ako dahil nagbabasakaling makakita ng tao pero nabigo ako.




Tumakbo ulit ako at lumingon lingon din baka may dagat akong makita at mayroon nga pero hindi ito kulay blue kung hindi ay kulay orange? Bakit orange? Lumapit ako doon at may nakita akong aso na umiinum ng tubig pero mukah siyang juice kasi may malalaking ice akong nakita. Ang cute cute niya kasi isa siyang puppy, nabigla ako ng biglang lumindol nabiak ang lupa at naiwan ang aso sa kabilang parte ng lupa at itoy umiiyak. Ako naman nagsisigaw ng tulong ngunit may itim na nilalang ang lumabas sa kinailaliman ng lupa hindi ko ito matukoy kung anong klasing nilalang ito pero isa lang ang segurado ako isa itong halimaw. Tumakbo ako ngunit ito'y sobrang laki kaya naabutan niya ako. Pagkalingon ko akmang dadamputin na niya ako ngunit nabigla ako kasi naputol ang kanyang mga kamay. Anyare?!




"Andrea!" Nag balik na siya. Tumakbo ako papalapit sa kanya. Niyakap niya ako at inilayo sa lugar na iyon.




"Sa-salamat"




"Sabi ko sayo eh wag kang tumakbo"




"Sorry"




"Andrea mahal kita"




"Mahal din kita" ngumiti siya ng pagkalapad lapad. Biglang nanlabo ang paningin ko.




"Andrea!" Niyuyogyog na niya ako ngunit unti unti nang dumilim ang aking paningin.



Love Story Of OursWhere stories live. Discover now