Chapter One - "The Nerd"

91 3 5
                                    

“Hoy, Batang Panot! Panotchi! Gising na raw sabi ni Mama, baka raw ma-late ka sa school.” Papungas-pungas pa ang mga mata ni Charlene habang ginigising s’ya ng Kuya n’ya. Pagdilat n’ya, bumuluga sa kanya ang pgmumukha ng Kuya n’ya at bigla s’yang napatayo.

“Ano ba ‘yan, Kuya? Ang aga-aga nananakot ka!! Pwede ba? Hindi na 'ko bata at lalong hindi  ako panot!!?" Sigaw ni Charlene, habang sinusuot nya ang salamin nya. "Ay oo nga pala, may ‘bangs’ ka na para matago yang panot mo, hahahaah!! O sige, hindi ka na batang panot, Tulo-Laway na lang. Yak, kadiri tingnan mo mukha mo may laway pa!!" patuloy na pinagtripan ni Randy ang nakababata n’yang kapatid. "Waaaaah!! Wala akong pakealam! Lumayas ka na nga sa kwarto ko, sige na… babangon na ako!!!!" Sabi ni Charlene habang hinagisan n’ya ng unan ang Kuya n’ya na dali namang tumakbo papalabas ng kwarto. Na-realize ni Charlene na tama ang Kuya Randy n’ya sa pagtukso sa kanya ng Tulo-Laway. Pagtingin nya sa salamin medyo basa pa ang kanang pisngi n’ya, pero tulad nga ng sabi nya... wala s’yang pakialam. Simpleng high school student lang si Charlene, s’ya ang top student sa klase nila. Isa siyang tipikal na nerd na merong braces sa ngipin at nagsusuot ng makapal at malaking salamin, makapal ang kilay dahil hindi n’ya inaahit o binubunot ang mga ito, may “bangs” para itago ang malapad nyang noo at wala masyadong kolorete o abubot sa katawan. Sa kabila ng kasimplehang ito ay isang napakagandang dalaga ni Charlene, hindi nga lang n’ya ito napapansin.

Pagpasok n’ya sa classroom ay nagmamadaling lumapit sa kanya ang mga kaklase n’yang pasaway sa school. “Charlene, pakopya naman ng assignment sa Physics”, nagmamadaling sabi ni Christopher.

“Oh eto, bilisan mo pagkopya ha, baka dumating na si Sir Liotta, mahuli pa tayo” sabi ni Charlene, habang inaabot nito ang notebook n’ya sa Physics. ‘Di tulad ng ibang honor students, hindi madamot sa pagpapakopya ng assignment si Charlene, naniniwala kasi s’ya na ang buhay ay hindi lang tungkol sa sipag at talino, kundi diskarte rin. Alam n’yang para sa ibang tao ay baluktot ang katwirang ito, pero gaya nga nang lagi n’yang sinasabi .. .wala s’yang pakialam.  Habang nakaupo at nag-aantay ng teacher, ay lumapit sa kanya si Sandy, tomboy si Sandy at lagi s’yang humihingi ng pabor kay Charlene.

“Oy, Sandy, sino namang bobolahin natin ngayon?” bungad na pagbati ni Charlene. “Marjorie pangalan n’ya, Third year lang hehehe, ‘kaw na bahala ha? Ganun pa rin, bola-bola, mabulakbulak na salita hehehe, para sagutin na ako” sagot naman ni Sandy. Mahina sa English si Sandy, kaya lagi s’yang nagpapagawa kay Charlene ng mga love letters para sa mga babaeng nililigawan n’ya.

“Oo ba, walang problema, bukas na lang ha? Uy, ung CD ha?” sagot naman ni Charlene. Bilang kapalit ng pabor ni Sandy, ay pinapahiram naman n’ya kay Charlene ang mga CD ng kuya n’ya. Hindi man pansin sa hitsura ni Charlene, mahilig s’ya sa Rock music at sa kasamaang palad ay iba ang trip ng Kuya Randy n’ya. Mahilig sa Rap at hiphop music ang kuya n’ya, at dahil sa maliit lang ang allowance n’ya at walang pambiling CD, nanghihiram na lang s’ya ng mga CDs sa kuya ni Sandy na mahilig din sa Rock music. “Oo sige, bukas din. Thank you talaga ha?!” sabi naman ni Sandy/

 “Oi, classmates parating na si Sir!!” sigaw ng isa nilang classmate na willing maging lookout para sa klase n’ya. Dali-daling nagsiupuan ang mga kaklase ni Charlene at nagmamadali ring binalik  ni Christopher kay Charlene ang notebook n’ya sa Physics.

* * * * *

Isang scholar ng school si Charlene at bilang tulong sa school, lahat ng mga high school scholars ay nag-tututor sa mga elementary students na may mababang grades, sa loob ng isang oras tuwing pagkatapos ng klase. Sa library ginaganap ang pagtu-tutor. Lumapit sa kanya si Mrs. Ramirez, ang leader ng scholarship program ng kanilang school. Lingid sa kaalaman ni Charlene, sa ganitong pagkakataon pala n’ya makikilala ang lalakeng babago ng buhay n’ya. “Charlene, dahil ikaw ang pinakamatalino dito, bibigyan kita ng special assignment. Mula ngayon, s’ya na ang tuturuan mo…” kinawayan ni Ms. Ramirez ang isang binatang estudyante sa labas at pinapasok ito. Matangkad ang binatang ito at hindi mapagkakailang gwapo s’ya, pero para kay Charlene ay mukha na itong “matured” para maging isang high school student at parang hindi na bagay sa kanya ang high school uniform. “S’ya si Liam, 4th year din s’yang katulad mo, pero taga-ibang section s’ya, ‘kaw na bahala sa kanya ha?” bilin ni Ms. Ramirez, habang naglalakad ito papalayo.

It's a "Nerd-Repeater" Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon