Chapter Six - Quiz Bee

24 1 0
                                    

Sa loob ng sumunod na isang linggo ay maaga nang dumarating si Liam sa bahay nila Charlene para mag-aral, ‘yun nga lang, hindi na pumapayag sa kahit na anong dare si Charlene.  Ganoon  pa man, ay lalo silang naging malapit sa isa’t-isa. At dahil sa lagi nang maagang dumarating si Liam, ay maaga na rin s’yang nakakauwi at hindi na n’ya inaabutan pa sa bahay ni Charlene ang Nanay at Kuya nito.     

One Friday afternoon, pagkatapos i-tutor ni Charlene si Liam ay may binilin ito. “O, sa Monday ha? ‘Wag ka muna pumunta rito…”

“Ha? Bakit? ‘Di mo na ba ‘ko mahal? Sabihin mo lang, ano bang nagawa kong pagkakamali.. nagpapakabait naman ako ‘pag andito ako ah? Ano bang nagawa kong kasalanan?” pagda-drama ni Liam at pang-best actor pa ang acting na kunwari ay umiiyak.

“Ano? Mahal-mahal ka d’yan? Nagpapaka-OA ka na naman ha? May lakad kasi ako Monday, baka nga mag half-day lang ako sa school tapos aalis na ako pagtapos ng lunch…” sagot ni Charlene.

“Bakit? May date ka? Magka-cutting classes ka para lang makipag-date? Bakit…..  may boyfriend ka na ba?” ang kanina lang na napakakulit na Liam ay biglang naging seryoso ang mukha nang itanong n’ya ito kay Charlene.

“ Date? Naku, sana nga date ‘yung pupuntahan ko, enjoy sana ‘di ba? Kaso hindi eh… teka nga, bakit nga ba ang dami mong tanong… feeling boyfriend? O sige, para matigil ka lang sa pangungulit mo… first of all, hindi ako magka-cutting classes, may basbas po ito ng school director natin. Pangalawa, hindi po ito date, feeling ko nga haharap ako sa firing squad eh. Lalaban po ako ng Regional Academics Competition, pupunta ako sa ibang district para i-represent ang district natin sa quiz bee. Kaya this weekend, eh magkukulong muna ako dito sa bahay para magreview ng husto, at sa Monday, dahil malayo ‘yung pupuntahan ko, baka gabihin na ako sa pag-uwi, kaya wala muna tayong study session nu’n. Okay lang ba? Mabubuhay ka naman siguro kung hindi kita matuturuan sa homework mo kahit isang araw lang ‘no, hindi mo naman siguro ‘yun ikamamatay?” sarcastic na pagtanong ni Charlene.

            Tumahimik si Liam at yumuko, kunwari ay malungkot ang mukha, at mahinahon itong nagsalita. “Actually, hindi…. Hindi ko kayang hindi ka makita ng isang araw eh. Parang kulang ang araw ko, ‘pag hindi kita nakikita at naaasar.. o kaya, ‘pag dumadaan ang buong araw tapos hindi ko naririnig ang boses mo at ang mga sermon mo sa ‘kin, parang may kulang” sabay tingin sa mga mata ni Charlene. Alam ni Charlene na nagloloko at nagbabaliw-baliwan na naman si Liam, pero parang nararamdaman n’yang may konting katotohanan sa sinabi ni Liam. Actually, ganu’n din naman ang nararamdaman n’ya. Feeling n’ya ay hindi mabubuo ang araw n’ya nang hindi dumarating si Liam sa bahay para makipagkulitan sa kanya habang nag-aaral. Nang magsalubong ang mga mata nila, parang may bumara sa lalamunan ni Charlene at hindi s’ya makapagsalita o makahinga man lang, bumilis na naman ang tibok ng puso n’ya at parang huminto na naman ang lahat sa paligid. “Hay naku, Charlene, ‘wag kang maniwala sa mokong na ‘yan, magmumukha ka lang ewan…” nang maisip ito ni Charlene ay bigla itong bumaling ng tingin at nagsimulang magligpit ng gamit.

            “Pero okay lang naiintindihan ko naman, nakakatuwa naman, ikaw pala mag-rerepresent ng district natin, galing mo talaga, big time!  Galingan mo ha? Teka, sa’ng school ka nga pala lalaban? May sasama ba sa ‘yo du’n?” dugtong at tanong ni Liam.

“Wala ako lang. Sa may Tondo ‘yung event, Abad Santos High School. Medyo malayo, kaya ako lang, dagdag gastos pa sa school kapag may sumama pa sa aking estudyante o teacher. Pero okay lang, kasi feeling ko mako-concious lang ako lalo ‘pag may sumama pa sa ‘kin, kaya okay na rin ‘yun. Oh ano, okay ka na ba? Hatid na kita sa gate?” Tanong ni Charlene.

“Ah oo, okay na ko… Tara.” Sagot naman ni Liam.

“Anong oras nga pala laban mo du’n?” sabi ni Liam habang naglalakad sila papunta sa gate.

It's a "Nerd-Repeater" Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon