Chapter Three - Ang Favorite Teacher

25 2 0
                                    

****

            Dahil dito ay lumabas si  Charlene ng Library at pupunta sana sa Faculty’s Office para hanapin at kausapin si Sir Perez.  ‘Pag labas n’ya ng library ay agad n’yang nakita si Sir  Perez na nag lalakad sa hallway ng eskwelahan.  Tila pauwi na ito at may dalang body bag. Patakbo n’ya itong nilapitan.

“Hi Sir, goodafternoon  po.” Pagbati ni Charlene sa kanyang guro. Si Sir Perez ang History teacher ng lahat ng sections sa 4th year level.

“Oh Charlene, kamusta? Bakit? May problema ba?” Magiliw din s’yang binati ng kanyang guro.

“Uhm, hindi ko po kasi alam kung paano ko sisimulan, di ko rin alam kung dapat ko rin ba itong sabihin sa inyo… “ hindi masyadong napag-isipan  ni Charlene kung  tama nga ba ang ginawa nyang paglapit kay Sir Perez, pero huli na ang lahat dahil nasa harap na n’ya ito.

“Sige lang Ms. Salazar, huwag kang mahiya, ano bang maitutulong ko sa’yo?” mahinahong  tanong ng guro.

“Ah, kasi po,  in-assign po sa ‘kin ni Ms. Ramirez si Liam Hernandez para i-tutor. Kahapon lang po kami nagsimula. Kaya lang po kanina, ang aga po n’yang dumating sa library. Nabanggit din po n’ya na history po ang last class n’ya.  Curious lang po ako at nag-aalala na baka nag-cutting classes sya. Gusto ko po kasi talaga s’yang tulungan, kaya gusto po sanang malaman kung may nami-miss s’yang klase para po may magawa ako. Tinanong ko naman po s’ya kanina, pero ang sabi po n’ya hindi raw po s’ya nag-cutting classes, nabanggit pa nga po n’ya na kayo raw po ang favorite teacher n’ya.” Mahinahong nag-explain si Charlene.

“Ah ganun ba? Actually, hindi naman s’ya nag sisinungaling. Oo, tama s’ya, hindi s’ya nagka- cutting classes at tama ka rin na ako ang favorite teacher n’ya…. Favorite n’yang pag-tripan.” Nakasimangot na sumagot si Mr. Perez.

“Huh? Ano pong ibig n’yong sabihin?” tanong ni Charlene.

“Eto ang isang example…” tinanggal ni Sir Perez ang body bag na suot-suot n’ya, tumalikod at pinakita ang likuran ng kanyang pantalon. Puno ng glitters na iba-iba ang kulay ang puwitan ng pantalon  ni Sir Perez.  Nagulat si Charlene, gusto n’ya sanang matawa ngunit pinigilan n’ya ito dahil ayaw  n’yang lalong mapahiya ang teacher n’ya.  Mayamaya ay sinuot na n’ya ulit ang body bag n’ya at ginamit itong pantakip ng kanyang puwitan. “Nilagyan  n’ya ng glitters na may glue ang upuan ko, habang nagsusulat ako sa board. Oo, hindi nga s’ya nag cutting classes, but I had to send him out of the classroom early, because of what he did. I also asked him to bring his parent tomorrow at papuntahin sa Principal’s Office”  Mukhang masama ang loob ni Sir Perez habang nagkukuwento ngunit parang sanay na rin ito. Mukha ngang favorite s’yang  pagtripan ni Liam. “Ayoko na sanang ipatawag pa ang mother n’ya, dahil alam  ko ang sitwasyon n’ya, but I can’t take it anymore. Kelangan ko nang gumawang hakbang para matigil ang panggugulo n’ya sa klase.” Pagpapatuloy ni Sir Perez sa kanyang kwento.

“Ah, ‘yun po pala ang nangyari…” pabulong na sabi ni Charlene.

“Oo, iha. Tama ang ginagawa mong pagtulong sa kanya, sana lang ay huwag ka agad maggive-up. Malay mo, ikaw lang pala ang susi para magkaroon  s’ya ng  gana sa pag-aaral.” Bilin ng guro na para bang nagmamadali nang umuwi, malamang ay gusto na n’yang makapagpalit na ng damit.

“’Yan din po ang sabi sa kin ni Ms. Ramirez, susubukan ko po at gagawin ko ang lahat para matulungan s’ya, sana po ay kayanin ko.”

“Sige, Charlene, mauna na ako ha? Mag-iingat ka sa pag-uwi.”

“Sige po Sir, salamat po. Ingat din po kayo!”

            “Kaya pala mukhang malungkot at nag-aalala si Liam kanina. Nag-aalala siguro s’ya na kailangan na naman n’yang abalahin ang ina n’ya at sabihin sa kanyang kailngan n’yang pumunta ng eskwelahan, dahil may ginawa s’yang kalokohan. Haysss, maloko pala talaga itong si Liam, napaisip tuloy ako kung tama ba ang ginawa kong pang-iimbita sa kanya sa bahay. Baka kung anong kalokohan gawin nun sa bahay. Hay naku, Charlene, ‘di ka na naman nag-iisip. ‘Di bale, kaya ko to!” Ito ang mga tumatakbo sa isip ni Charlene habang naglalakad s’ya pauwi ng bahay.

It's a "Nerd-Repeater" Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon