Chapter Four - First Kiss

24 0 0
                                    

Pag-uwi ni Charlene ay naglinis s’ya agad ng sala at umakyat ng kwarto para magpalit ng damit. “Hay, naku! ‘Pag sinusuwerte ka nga naman.” Sabi n’ya sa sarili habang kinukuha ang nag-iisang malinis na shorts sa aparador n’ya. Dahil hindi pa nakakapaglaba ang nanay nila, ay isang pares ng malinis na shorts na lang ang natitira sa aparador n’ya. Ang shorts na hindi n’ya halos sinusuot dahil napakaikli nito. Naaalala pa ni Charlene ang eksena nang iniregalo ito sa kanya ng Kuya Randy n’ya noong nakaraang birthday n’ya. “Oh! ‘Notchi, eto regalo ko sa ‘yo para may makapansin naman sa ‘yo at magkaroon ka man lang ng kahit isang manliligaw hehehehe!” sabi ng Kuya n’ya na may halong pang-aasar habang inaabot ang regalo. Nang makita ni Charlene ang laman ng gift box na binigay sa kanya ng Kuya n’ya ay lalo lang itong naasar, “Hay naku, Kuya! Anong akala mo sa ‘kin, desperada?! Hindi ko naman ikamamatay kung walang manligaw sa akin no? Mas okay nga ‘yun eh, dahil hassle lang mang-basted!” defensive na sagot ni Charlene. “’Sus, bakit? Na-try mo na ba?” dagdag na pang-aasar ng Kuya n’ya.

 Dahil sa wala naman s’yang choice ay sinuot na lang n’ya ang shorts at isang malaki at maluwang na T-shirt ang ipinares n’ya rito, dahil sa ayaw n’yang magmukhang malaswa at “desperada”. “Grrrr, baka isipin pa nung mahangin na Liam na ‘yun ay nagpapaseksi at nagpapapansin ako sa kanya”, bulong ni Charlene sa sarili habang tinitingnan ang sarili sa salamin. “’Di bale, para sa scholarship at para sa nanay n’ya ay kakayanin ko ‘to, at kakaririn ko ang pag-tutor sa kanya” Kinuha n’ya ang mga aklat at laptop n’ya at dinala ang mga ito sa sala.

Habang nag-hihintay kay Liam, nanood muna s’ya ng TV. Palabas sa TV ang paborito n’yang animated program na SpongeBob Squarepants. Sa ganda ng palabas, hindi n’ya nailantana ang oras na lumipas, napansin na lang n’ya na halos isang oras na pala ang nagdaan nang patapos na ang programa. “Naku, anong oras na, wala pa rin s’ya, darating pa kaya ‘yun?Hindi na siguro, lagot sa ‘kin ‘yun bukas!” Magliligpit na sana si Charlene nang biglang may kumatok sa pinto. Pagbukas n’ya ay nakita n’ya si Liam na naka-plain white shirt at maong na shorts, may dalang backpack at napakabango. “Bakit ngayon ka lang? Isang oras na akong nag-hihintay, akala ko hindi ka na darating!” galit na sabi ni Charlene. “Pasensya ka na, may pinag-usapan lang kasi kami ng Mama ko kaya ako natagalan, promise bukas aagahan ko na?” mahinahong sagot ng binata. Ngayon lang n’ya nakitang ganito kaseryoso si Liam at higit sa lahat ngayon lang din n’ya ito narinig mag-sorry nang may sincerity. “Mukhang alam ko na kung bakit. Kinausap ko si Mr. Perez kanina…  pinauwi  pala nang maaga ha? Sige, pasok ka na para makapag-simula na tayo at makatapos tayo nang maaga” sabi ni Charlene habang binuksan nang tuluyan ang pinto para makapasok si Liam. “Thank you.” Pangiting sabi ni Liam kay Charlene, pagdaan ni Liam sa harap ni Charlene ay hindi n’ya mapigilang mapansin ang bango ni Liam, “Grabe, ang bango n’ya… lalo tuloy s’yang gumugwapo!.... Hay, anu ba ‘yan? Charlene Salazar, behave and focus!! Tandaan mo pilyo at pasaway si Liam, kaya dapat kang mag-ingat!” Sabi ni Charlene sa sarili.  Pagpasok ni Liam ay binuksan ni Charlene ang mga ilaw sa sala, nakalugay ang mahabang buhok n’ya at walang salamin, ‘pag nasa bahay ay hindi nagsasalamin si Charlene. “Wow, ang cute pala n’ya!” , sabi ni Liam sa sarili habang nakatitig kay Charlene, hindi n’ya napansing tulala na pala s’ya nang sigawan s’ya ni Charlene.

 “Hoy, okay ka lang? Bakit parang natulala ka d’yan?” paninita ni Charlene.

“Ah, wala lang, seksi mo kasi eh” nakangising sagot ni Liam.

“Tigilan, mo nga ako, naubusan na kasi ako nang masusuot, ‘di pa nakakapaglaba si Mama” depensa ni Charlene.

“Sus, napaka-defensive mo naman, okay lang ‘yun no? Maganda naman legs mo eh” sagot ni Liam na para bang sincere sa compliment na binigay n’ya kay Charlene. “Wow, ikaw ba ‘to? Ang cute mo naman dito?” Sabay kuha sa isang picture frame na naka-display sa sala. Picture ito ni Charlene noong Grade III pa lang s’ya, maikli ang buhok na may makapal na bangs at may hawak s’yang malaking trophy.

It's a "Nerd-Repeater" Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon