Chapter Five - Ang Pamilya Ni Charlene

23 0 0
                                    

Binuksan ni Charlene ang pinto at agad namang pumasok ang Kuya Randy n’ya, na may  mga dalang gulay at kung anu-ano pang galing sa palengke, samantalang nasa may tricycle pa ang Nanay nila na kasalukuyan namang nagbabayad ng pamasahe sa tricycle driver. ‘Pag pasok ni Randy ay nakita n’ya agad si Liam.

“Wow! Naks naman! Sa wakas may manliligaw na si ‘Notchi namin! Sabi ko sa ‘yo eh, suwerte sa ‘yo ‘yang shorts na bigay ko eh, oh ‘di ba?” Bungad ng Kuya Randy n’ya.

“Kuya, pwede ba? Hindi ko s’ya manliligaw?” sagot ni Charlene na para bang pinipilit maging mahinahon.

“Gano’n? Sayang naman, akala ko pa naman nakalason ka na ng gwapo.” Sabi ni Randy. Hindi ito pinansin ni Charlene.

Mayamaya naman ay pumasok ang Nanay nila na agad ding nakita ang kanilang bisita. Tila ba nagulat ito at biglang napatingin kay Charlene.

“Hi ‘Ma!” Sabay mano ni Charlene. “S’ya nga pala, si Liam, s’ya ‘yung tinu-tutor ko ngayon. Liam, eto nga pala ang Kuya Randy ko at ang Mama ko. Ma, dito kami nag-aral ngayon sa bahay. Hindi ko po kasi s’ya maturuan nang maayos sa library kaya dito na lang po sana kami sa bahay, wala naman daw pong problema sabi ni Mrs. Ramirez. Eh, late na po kasi s’yang dumating kaya inabot s’ya nang ganitong oras, pero bukas daw maaga na s’ya.” Pagpapaliwanag nang dalaga.

“Ah, ganoon ba? Oo naman, walang problema, mas maganda nga kung dito na lang kayo sa bahay mag-aral eh. Oh, iho! Kamusta? Kumain ka na ba? Dito ka na sa amin mag-hapunan ha?” Magiliw na pagbati ng ina ni Charlene kay Liam.

Agad namang sumingit at tumutol si Charlene, “Huh? Ay hindi, uuwi na s’ya , tapos na kami eh. ‘Di ba uuwi ka na?”  ang sabi ni Charlene sa Ina.

“Ah, hindi po, okay lang, nakapagpaalam naman ako nang maayos kay Mama, nakakahiya namang hindi paunlakan ang paanyaya ng Mama mo, Charlene?” sagot naman ni Liam.

“Naks, tatas ng Tagalog at ang galang pa ah! Parang tunay!” naisip ni Charlene.

Natuwa naman ang Nanay ni Charlene sa sagot ng binata, “Oh, eh ‘di mabuti naman. Huwag kang mag-alala at mabilis lang akong magluto hindi ka gagabihin. S’ya nga pala nakita mo na ba ang picture ni Charlene nu’ng bata pa s’ya. Eto nga pala ang picture n’ya nung nanalo sya ng…..” kukunin na sana ng Mama ni Charlene ang picture na kanina lang ay pinagtatawanan ni Liam, nang pigilan s’ya ng dalaga.

“Hay naku, Ma! Nakita na n’ya ‘yan. Tuwang-tuwa nga s’ya eh! Sabi ko naman kasi sa inyo wag n’yo na i-display ‘yan eh” galit nag alit na sabi ni Charlene .

“Ah opo, nakita ko na po ‘yan kanina. Hindi ko nga po maintindihan kung bakit ayaw ipa-display ni Charlene ‘yan eh, ang cute cute nga po n’ya, may kamukha nga ho s’yang celebrity eh.” Magalang na sagot ni Liam sa Mama ni Charlene sabay tingin kay Charlene at ngumiti na parang aso, inirapan naman s’ya ni Charlene.

“Oh ‘di ba anak, tama ako? Sabi ko sa ‘yo eh, cute ka nga dito… kaya d’yan lang yan, i-display lang natin.”  sabi ng ina ni Charlene habang nilalapag ang larawan. “Oo nga pala iho, tawagin mo na lang akong Tita Sandy ha? Feel at home. Maiwan ko muna kayo at magluluto lang ako ng hapunan. Oy, Randy, halika nga dito at tulungan mo muna ako” sabi ni Sandy habang naglalakad papuntang kusina. Agad namang sumunod si Randy sa kanyang ina at naiwan sina Liam at Charlene sa sala. Bumalik ang mga ito sa pagkakaupo nila sa sofa.

“Oy, mag-behave ka sa harap ng Mama ko ha? Kung gusto mo pang makabalik dito” pananakot ni Charlene kay Liam.

“Huh? Ako pa? Eh ang bait-bait ko kaya. Gusto mo habang naghihintay tayo, sagot pa tayo ng isa pang Physics problem tapos dare ulit, sa lips naman kita iki-kiss?  Hehehe…” mapanuksong tanong ni Liam.

It's a "Nerd-Repeater" Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon