Chapter Two - It's a Date

26 1 0
                                    

Kinabukasan, pagtapos ng klase ni Charlene ay dumiretso na ito sa library. Hindi n’ya inaasahan na andun na pala si Liam. “Oh ang aga mo yata?” bungad ni Charlene sa binata.

“Oo naman, excited na ‘ko sa pagtu-tutor mo eh.” pabirong sagot ni Liam. Kahit abot sa magkabilang tenga ang ngiti nito, napansin ni Charlene na may kakaiba kay Liam  ngayon. Hindi n’ya mawari kung anong itinatago ni Liam sa likod ng mga mata nito.

“’Wag mo nga akong bolahin, nag-cutting classes ka ‘no?”

“Hindi ‘no? Ako pa! Hindi ako pwedeng mawala sa History class namin. Mami-miss ko si Sir Perez, favorite teacher ko kaya ‘yun. Maaga lang kaming pinauwi, baka may date s’ya hehehe! Nga pala, may surprise ako sa ‘yo. Dala ko na libro ko, may notebook at ta-da … may ballpen pa. Oh di ba?” Pansin ni Charlene na may lungkot at pag-aalala sa mga mata ni Liam kahit na kwela itong magsalita.  Hindi na n’ya ito pinansin dahil baka may personal  at malalim itong dahilan.

“Wow ah! Talagang Math book lang dinala mo, salamat sa effort ha?” sabi ni Charlene na may halong sarcasm sa pananalita.

“Naman, malakas ka sa akin eh. Ano, mag-start na ba tayo?” Kahit papaano ay mukhang sincere naman si Liam sa pagiging excited nya.

“Ah oo  nga pala, tungkol d’yan, may kelangan akong sabihin sa ‘yo? Kinausap ko na si Ms. Ramirez kahapon…. ”  hindi pa tapos magsalita si Charlene nang biglang sumingit si Liam.

“Huh? Anu ‘yun? Bakit? Ayaw mo na ba sa akin? Ayaw mo na ‘kong i-tutor? Huhuhu! Please huwag mo ‘kong iwan. Gagawin ko ang lahat, pangako mo lang di ako iiwan…. Please!” pa-dramang sagot ni Liam habang umaarte at nagda-drama, sabay yuko na kunwari ay umiiyak. ‘Di maintindihan ni Charlene kung nagloloko ba ito o nababaliw na. Tinitigan lang s’ya ni Charlene at walang reaksyon ang mukha niya nang sabihin nyang, “Pwede ba? ‘Wag kang OA  at tigilan mo na ‘yang drama mo, ‘di bagay sa’yo,  nag nakaw ka pa ng linya sa kanta. At para sagutin ko ang tanong mo, hindi po ‘yun ang gusto kong sabihin. Kaya bago ka magpaka-feeling artista d’yan, patapusin mo muna ako, okay? Gusto ko lang sanang sabihin sa ‘yo na kinausap ko si Ms. Ramirez kahapon at tinanong ko kung pwedeng sa ibang lugar na lang tayo mag-study session at hindi dito sa library, pumayag naman sya. Gusto ko lang din sanang itanong sa ‘yo kung okay lang ba sa’yo ang naisip ko”   tanong ni Charlene.

“Wow, matalino ka talaga! Magandang idea yan! So, saan tayo? Sa mall?”

“Huh? Ano ka? Sinusuwerte? Dun sana sa bahay namin, tahimik din naman duon” sagot ni Charlene.

“Eh, teka, bakit nga ba ayaw mo dito sa library?”

“Dahil, ‘pag sa bahay tayo, pwede kitang mapagsabihan at masigawan kung kelangan kong gawin. Katulad nga ng sabi mo kahapon, ‘special child’ ka, este, ‘special’ ka…  At dahil special ka, kung gusto mo talagang matuto, we’ll have to do it my way, in my own place.  So, anong tingin mo?” walang takot na tanong ni Charlene.

“Sige, ayus ‘yan. Basta, i-promise mo lang sa akin na hindi mo ‘ko gagahasain  at pagsasamantalahan ha?” nagpapa-cute na naman  ang mga mata ni Liam habang sinasabi n’ya ito kay Charlene. Hindi ang isang tulad ni Liam ang tipo ni Charlene, pero hindi n’ya maintindihan kung bakit kinilig s’ya nang makita n’ya ang pagpapa-cute nito.

“Huwag kang mag-alala, makakaasa kang hindi kita pagnanasaaan. Oo nga pala, kung gusto mo at kung malapit ka lang dito sa school, umuwi ka muna at magbihis bago pumunta sa bahay namin. Teka, eto nga pala address ko…” Sabi ni Charlene, habang kumukuha s’ya ng papel at ballpen sa bag nya.

“’Wag na, alam ko na, 2237 Kamias St., tama ba?”

“Pa’no mo nalaman?”

“May powers ako eh, nakakabasa ako ng isip…. “sabi ni Liam sabay pikit at umaarteng nagko-concentrate. “… Joke lang. Ayan oh, nasa ID mo, naka-display.  Bobo ka ba?”  Pang-aasar ni Liam kay Charlene. Dahil sanay na si Charlene sa pang-aalaska ng Kuya Randy n’ya, hindi na bago sa kanya ang mga ganitong eksena at hindi rin s’ya madaling napipikon.

“Ako, bobo? Ang alam ko, ikaw ang bobo sa ‘ting dalawa, kaya nga ‘special child’ kaeh … este, ‘special’ pala.  Nakalimutan ko lang na naka-ID pa pala ko.” Payabang na sagot ni Charlene na hindi papatalo sa pang-aasar ni Liam, habang tinatanggal n’ya ang  ID niya.

“Ah, ulilyanin lang pala. Sige, uwi muna ako ha, kita na lang tayo sa inyo within 30 minutes?” sabi ni Liam.

“Oo, huwag mong kalimutan mga libro at gamit mo ha?” bilin ni Charlene habang papaalis si Liam sa library at kumakaway sa kanya.

Hindi pa rin maka-get over si Charlene sa pag-iisip kung bakit ang agang dumating ni Liam sa library. Nag-aalala s’ya na baka nga nag-cutting classes ito.  “Siguro kelangan kong kausapin si Sir Perez tungkol dito, para makasiguro, bilang tulong at pag mamalasakit man lang sa nanay ni Liam.” Naisip ni Charlene.

It's a "Nerd-Repeater" Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon