Unexpected Guest

9 0 0
                                    

The encounter with the wild pokemon was unexpected- Joke, Isang Aya pala ang umatake kanina hindi pala pokemon.Well... konti lang naman pagkakaiba nila.

Natapos ang araw na halos walang nangyareng makabuluhan, as always. Nasa kotse kami ni Kayla pauwi na nang biglang nagring ang cellphone ko.

"Hello, pops?" bati ko dito. He doesn't usually call me directly, laging kay Kayla kasi daw baka busy daw ako. "Let's eat outside, little angel." Lagi akong napapangiti tuwing tinatawag niya akong Angel.

"Sure pops. Where though?" tanong ko dito.

"Your choice."

Nag isip ako kung saan masarap kumain. I don't eat in fast foods. Yes, I haven't eaten in Jollibee or Mcdo as far as I can remember. Wala namang dahilan, sadyang hindi lang talaga ako lumalabas ng bahay. I usually eat in cafe's or sa bahay. Masarap naman kasi magluto si Manang Felice kaya no need to go out.

"What about... uhhhm.. Loumars?" sabi ko. I suddenly craved sisig. "Okay, on my way. Bye bye, little angel." I muttered a bye and hanged up.

"Kuya Bert, deretso mo na sa Max98 kakain tayo sa labas." Tumango ito saakin.

Maya maya ay nakarating na kami. Nakita ko siar.ya Pierre- driver ni Lolo- na naka tayo sa labas ng Pintuan ng Max. I guess Popsies' here.

Pagkapasok ko ay dumiretso na agad ako kung saan si Popsie naka upo. I kissed his cheeks. Kasama din sila Kuya Bert, Kuya Pierre at Kayla kaso nasa kabila silang Table. Though gustuhin ko man dati pa na iisang table nalang kami ang sabi ni Popsie ay hindi pwede dahil nagtatrabaho parin daw sila saamin.

"I ordered already if that's okay angel?" tumango naman ako. Ilang saglit lang ay dumating narin ang order. It was plenty, parang hindi pang dalawang tao ang inorder ni Popsie.

"Why so much?" tanong ko at nginitian niya ako. "Well, its for you, angel. Ending the year with another success." Hay nako si Pops talaga. Parang hindi pa nasanay. Ngumiti nalang ako.

Nagsimula na kaming kumain. Kanina ko pa si Popsie napapansin na laging tumitingin sa labas, akala mo may hinihintay siya.

"What is it?" tanong ko dito nang muli itong

tumingin sa labas. Bigla siyang napatingin saakin. "Wala, apo- " Naputol ang sinasabi niya ng may isang babae ang sumulpot at nagsalita.

"Sorry I'm late."

Another wild pokemon appeared. I sighed. Hindi ko aakalain na may bisita pala si Popsie. Hindi ako tumingin sa nagsalita. Tumayo si Popsie at humalik sa Pisngi.

"Hello Helena." ginantihan din ng babae ang pagbati.

Hindi ko parin siya tinignan at nagpatuloy ako sa pagkain ko. Bumalik na si Popsie sa upuan niya.

"Hi, Aianne." bati nito saakin.

Nagbingibingihan ako. Tumingin ako sa pwesto niya pero nilagpasan ko siya ng tingin. Tumingin ako sa likod kung nasaan sila Kayla.

Napansin ko ang tingin niya saakin. She gave me the "Be-nice". tinaasan ko siya ng kilay at bumaling na ulit ako sa pagkain ko.kahon

Napansin siguro ni Popsie na wala akong balak umusod para paupuin ang babae kaya tumayo na siya at pinaupo sa pwesto niya.

"Sorry kung nauna na kami. Medyo gutom na si Leigh kaya kumain na kami." ang sabi ni Popsie sa anak niya.

"Ok lang yon, dad." Ilang saglit ay nagsimula na siyang kumain at sinabyan ng kwentuhan. Tahimik lang ako na nakikinig sa kanila.

"Aianne." Tawag nito. Hindi agad ako tumingin.

"May regalo ako sayo." sabi neto. Doon palang ako tumingin sa kaniya. May inabot siyang kahon.

"You don't have to." sabi ko. Umiling siya.

"No, I insist." tinitigan ko siya.

"You really don't have to.... kasi hindi ko naman tatanggapin yan."

Nakita ko ang lungkot sa mata niya, I don't give a damn. That's all you can do, magbigay. Parehas lang kayo ng tatay ko, dun lang kayo magaling puro materyal na bagay

"Leighrah." saway saakin ni Popsie. Dinig ang awtoridad sa boses. Bakit ako ang pinagsasabihan niya.

"Excuse me. I need some fresh air...Medyo dumumi ang hangin dito." Tumayo na ako bago pa magsalita ulit si Popsie.

Napansin kona tumayo din si Kayla sa table niya at sinundan ako sa labas. Nang makalabas na kami ay humarap ako kay Kayla. Alam niya lahat kung ano meron ang pamilya namin kaya hindi na nakakapgtaka kung bakit siya naka simangot saakin.

"Why'd you say that?" hindi ko siya sinagot.

"She's still your mother." kalmado niya akong kinakausap. Pumikit ako at pilit na hindi siya pinapakinggan.

Now she sounds like my Mother. -_-

"Not now Kayla, please."

Saway ko dito kaya tumahimik naman siya. Sanay naman siya kapag ayoko, ayoko talaga. Ilang minuto kaming nanahimik.

"Papasok na ako. Pumasok ka nalang ulit kapag kalmado ka na." Kalmado naman ako, sadyang lumalabas ang pagka maldita ko sa mga hindi inaasahang nilalang.

Pumasok na siya sa loob at napansin ko na kinakausap ni Popsie ang anak niya. Hindi naman na bakas ang paglungkot niya sa mukha niya.

Ilang saglit lang ay bumalik na ulit ako sa loob. Hindi na ako umupo.

"I believe that my presence isn't required so if I may, I shall leave." sabi ko. "Aianne. there's something I want to tell you-"

Pinutol ko ang sasabihin niya.

"There's nothing to talk about." Hindi ko na ulit hinintay sila magsalita at tumalikod na. Lumapit ako kay Kuya Bert,

"Kuya Bert, sorry kung mabibitin ka sa pagkain pero kung pwede pahatid na po ako pauwi." Tumayo agad ito.

"Ok lang Leigh." Naglakad na kami palabas ng Kainan.

Why is this day so full of sudden attacks from wild Pokemons. tsk, tsk, tsk -should've used max repel.

Something  wonderfulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon