Stepping down

15 0 0
                                    

Ilang araw ang lumipas ng maka encounter ako ng wild pokemon.

This day is our graduation. Ang bilis ng panahon, hindi mo namamalayan na ang daming nagbago sa paligid.

"Leighrah Adrianne Montevideo, our Valedictorian." Nagsipalakpakan ang mga tao despite their murmurings and complaints.

Tumayo ako sa harap at pilit na nagmatapang sa pagtayo. Si Popsie ay nakaupo sa gilid. I can see his smiling face, always the proud lolo.

"This won't be cliché so no need to fret." Hindi ko alam kung paano ko binabago ang mga speech ko tuwing taon pero kahit ako nagsasawa na.

"This day isn't the end for everyone." Huminga ako ng malalim bago mag simula ulit. " May iba sainyo na lilipat ng school or maybe to another country, but despite that, this won't be the end."

Tumingin ako sa mga kaklase ko na hindi ko alam kung paano ko natiis kahit sa mga pamimintas.

"This will be the beginning of our long awaited dream- to graduate high school. "

"I challenge you... To take this crown, this stage, this audience. If you have the guts to take it, then take it. No one is stopping you except yourself."

"Take the challenge and I'd gladly step down. My name is Leighrah, and I am the former valedictorian and will be willing to give you what you think you deserve."

"May the probability of all possibility be ever in your favor." Tumango ako sa kanila bilang hudyat na tapos na ang speech ko. Maya Maya ay napuno na ng palakpakan ang buong stadium.

Matapos ang ceremony ay hindi na kami nag abalang kumain sa labas. May meeting pa kasi si popsie kaya sumama nalang ako sa kaniya.

Pagkadating namin sa office ay lahat ay nagsipag tanguhan ng makita akong kasunod ng Lolo ko. Bahagya din akong tumango.

"Good afternoon Sir." Salubong sa kaniya ni Ms. Karen ang mama ni Kayla. "Hi, Leigh." Ngumiti siya saakin. Sumilip siya sa likuran ko, siguro hinahanap si Kayla.

"She's with our classmates, nagcecelebrate." Napatingin siya saakin ng magsalita ako.

Napailing siya. "I told her to stay with you."

"It's okay. I don't mind, just let her have fun." Tumango siya at ngumiti as her thanks.

Sandali ay dumuretso na si Popsie sa meeting niya at ako ay umupo sa office niya. Napansin ko ang mga litrato na nakalagay sa buong office. Halos lahat ay picture ko at ng mga apo niya pa.

Kinuha ko ang picture na nasa table niya mismo. It was a picture of me and my parents. It was my first day of school and its as if everything is fine.

Napukaw ang atensyon ko ng may tumawag sa pangalan ko. "Leighrah." Malalim na boses ang nanggaling sa pintuan kaya napatingin ako.

Nakatayo ang nag-iisa kong tatay. He was in his usual suit. Always neat and proper, akala mo minuminutong pinaplantsa dahil walang bahid ng gusot ang makikita.

"Leighrah." Inilapag ko ang hawak Kong frame. Hindi na ako umalis sa kinakatayuan ko, he walks towards me with his arms wide open engulfing me into a hug.

I was taken back by his sudden action. "I'm so proud of you my lovely daughter." He proudly said. I didn't move an inch.

Nagdadalawang isip ako kung tatanggalin ko ang mga braso niyang nakayakap or a simple thank you would do.

Neither of the two dahil tinanggal na din niya ang yakap niya dahil napansin niya ang pagkailang ko.

This is the first time he hugged me for years. I never see him in his office, even outside of work. Masakit pero nakasanayan ko na din.

"So what do you want?" He looked at me with a wide smile plastered on his face.

Tinignan ko lang siya. Isa lang naman ang gusto ko at malabong maibigay nila saakin ang hinihiling ko. Umiling ako sa kaniya.

"Just tell me what you want, a car? a new phone?" Hindi ko napigilan ang pag irap ko dahil sa sinabi niya. I can buy that with all my savings from them.

"I want an unbroken family, if you can't give me that then don't bother asking."  Simple kong sinabi sa kaniya bago lumabas ng office ni Popsie.

I know I'm very cold and rude to my parents. Hindi din naman nila ako masisisi kung bakit. I was 6 years old when they left, I was naive and innocent to understand that they were getting an annulment. Isa man sa kanila ay hindi nag balak na kunin ako kay Popsie. It was a choice I would never understand.

"Leighrah." Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. It was Mildred. Kumurap ako hinihintay siyang mag salita.

Binuka niya ang bibigay pero tinikom niya ulit. Binigyan niya ako ng matanis niyang ngiti at umiling bago pumasok sa loob kung saan nag mimeeting si Popsie.

Something  wonderfulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon