Chapter 14: Level Two

5.2K 115 22
                                    

Chapter 14: Level Two

"Nakausap mo na si Red?" tanong ni Krizelle. "Hindi pa nga e, hindi pa sumasagot" sabi ni Francis. "Hala baka galit siya" sabi ng dalaga. "Hindi, hindi naman pikon yon" sabi ng binata. "Kasi may nangyari" sabi ni Krizelle kaya kinabahan si Francis.

"Pinagtripan namin siya, dinamitan siya ng dress tapos pinag make up" kwento ng dalaga kaya ang tindi ng tawa ni Francis. "May video, eto o" sabi ng dalaga kaya pinanood nila at tawa sila ng tawa. "Oh wow, can I upload this?" tanong ni Francis.

"Wag naman, kawawa naman siya. Atin atin nalang to" sabi ng dalaga. "Grabe, pero you know what I never got to get to know your kuyas" sabi ni Francis. "Oo nga e, well busy ka naman kasi with dad. Uy try mo tawagan si Red baka nagtatampo sa iyo kasi iniwan mo"

"Nung nagising ako wala na siya e. Tapos sa CCTV namin I saw nagdilig pa siya ng plants early morning na naka dress tapos sumasayaw pa" sabi ni Krizelle. "Imposible" sabi ng binata. "Totoo, he only stopped when my parents came out" sabi ng dalaga.

"Hala, you mean to say your parents saw him wearing a dress?" tanong ni Francis. "Hahahaha oo kaya, as in nag usap sila sa labas. His face was messy kasi kalat kalat yung lipstick" sabi ni Krizelle kaya tuloy ang tawanan nila.

"Mom said he had to wait for kuya Karl to wake up kasi tinago nila damit niya. Hinatid siya ni kuya actually" sabi ni Krizelle. "Baka nga nagtampo" sabi ni Francis. "Totoo ka? Hala baka galit sa akin yon" sabi ng dalaga.

"Hindi, kailangan ko lang kausapin yon. Hindi marunong magtanim ng galit yon. Pag galit siya sasabihin niya. Actually rule number four namin yon. Settle all differences immediately, that is the fourth rule, kasama na diyan yung rule number two. So if you are angry you have to be honest and say it then we have to talk about the problem and solve it" sabi ni Francis.

"Try mo kontakin, pero what if I see him first? Do you think papansinin niya ako?" tanong ng dalaga. "Of course, like I said hindi nagtatanim ng galit yan" sabi ni Francis.

After lunch palabas si Charlene ng main gate para bumili nang makita niya si Red. "Oy" sigaw ng dalaga. "Oy ka din" sagot ng binata. "Kanina ka pa namin hinahanap" sabi ng dalaga. "Bakit? Ano meron?" tanong ng binata.

"Galit ka daw ba?" tanong ni Charlene. "Galit? Galit saan? Kanino?" tanong ni Red. "Kay Krizelle" sagot ng dalaga. "Bakit ako magagalit sa kanya?" tanong ni Red. "Wait, samahan mo nga ako muna bumili" sabi ng dalaga saka kumapit sa braso ng binata.

"So galit ka ba?" tanong ni Charlene habang patawid sila. "Hindi, bakit naman ako magagalit kasi?" tanong ni Red. "Kasi pinagtripan ka daw nila, I saw the video pala" sabi ng dalaga saka tumawa.

"Wala yon no, porke hindi ako nakita galit na ako agad? Hindi ah. Busy din naman ako sa studies you know" landi ng binata. "Hindi ka daw sumasagot sabi ni Francis e" sabi ni Charlene.

"Sira phone ko, ewan ko ba, sabi nga ng auntie ko bakit hindi daw ako sumasagot. E wala naman ako natatanggap. Tinawag ko na sa network tapos sabi nila kasalanan ko pa. Try ko daw restart phone ko, try ko daw ilipat sim sa ibang phone, bla bla bla, kaya nabwisit ako" kwento ng binata.

"Kaya pala, wait lang bibili lang ako" sabi ng dalaga. Pagbalik ni Charlene nadatnan niyang tulala ang binata. "Hoy ano iniisip mo?" tanong niya. "Wala naman, iniisip ko lang problema ng pinsan ko" sabi ng binata.

"What about?" tanong ni Charlene. "Well, hindi ko nga alam ano advise ibibigay ko sa kanya kasi never pa ako nakapasok sa isang relationship. Kasi ang problem niya he...I mean she likes a guy, as in like na like to highest level of likes. As in yung pipindutin mo ng matagal yung like tapos lalaki siya sa Messenger" sabi ng binata kaya natawa yung dalaga.

RULE NUMBER FIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon