Chapter 65: The Fifth
Nilaro laro ni Krizelle pagkain niya, semi smile siya katulad ng binata pero hindi nila kaya tignan ang bawat isa. "So do you think I am lying?" tanong ni Red. Inuga ni Krizelle ulo niya saka sumubo. "Bakit tahimik ka?" tanong ng binata.
"Iniisip ko lang yung mga drama mo mula noon. Mga side comments mo, mga skits mo...lahat pala patama sa akin" sabi ng dalaga. "Sorry talaga, hindi naman kasi makontrol, nakakawala lang sila talaga. I know hindi pwede, alam ko talaga hindi pero hindi ko naman makontrol sarili ko" sagot ni Red.
"Umiwas ka ilang beses" sabi ni Krizelle. "Yeah, aamin ako na sinasadya ko yon. I even joined the debate team to help me get over you. It kinda worked pero nung akala ko naka move on na ako...wala e. So I really tried to control it, mas okay na siguro kaibigan kesa naman na tulad noon na hindi man lang kita malapitan" sabi ng binata.
"This conversation is so awkward" sabi ng dalaga. "I know, we should stop" sabi ni Red. "Di naman sa ganon, sinasabi ko lang naman, expressing what I feel" sagot ng dalaga. "Well I have been doing that for minutes now" sagot ni Red. "Kaya nga e, parang eto na ata yung pinakamatagal na pag uusap natin na hindi mo ako napapatawa" sabi ni Krizelle.
"Zelle actually impostor ako, isa akong clone, yung totoong Red binihag ng mga amazona kahapon" biglang banat ni Red. "Har Har" sagot ng dalaga kaya ang binata napakamot. "Well siguro lets just stop there" sabi ng binata saka sila nagtuloy sa pagkain.
After lunch lumabas sila ng canteen, may distansya sila kaya si Zelle napatingin sa binata. "Hoy ang layo mo" sabi niya. Lumapit si Red saka niyuko ulo niya, pero niyuko din ng dalaga ulo niya. "Unahan nalang ng maumpog" bulong ni Red kaya natawa ang dalaga at nabangga ang binata. "Zelle sana walang magbago sa atin" sabi ni Red.
"It is really complicated" sagot ng dalaga. "Sana pala hindi na ako umamin" sabi ng binata. "Too late ka, we already have rule number five" sabi ni Krizelle. "Alam mo anong nakakatawa? Pinipilit ko yung no lying rule kasi akala ko baka nahahalata mo na"
"Wala ako guts umamin and it would be very improper na aamin bigla. So sabi ko if meron yung rule na no lying then if ever mahalata mo at magtanong ka then I will be forced to tell the truth" sabi ng binata.
"Rakista ka ba?" tanong ng dalaga kaya ang binata natawa. "Answer" sagot ni Krizelle. "Hay, I just know how to play the guitar at deep inside naman siguro ng lahat ng lalake may pagka rakista feeling" sagot ng binata. "Answer accepted, pero you still lied to me before" sagot ni Krizelle.
"Zelle I lied, aamin ako pero kasi I didn't want to hurt Francis. Alam mo si Francis ayaw kasi niya nalalamangan siya. We did try to learn musical instruments before pero hindi talaga niya linya e. Second girlfriend niya, masama ugali non..."
"She kept comparing the two of us, I mean...buti pa si Red marunong ng ganito bla bla bla and I know that hurt Francis" kwento ng binata. "So you have to lie for him" sabi ng dalaga. "E wala naman kasi nagtatanong sa akin about certain stuff, ikaw lang naman matanong"
"So I had to lie" sabi ni Red. "Even Francis does not know rakista ka" sabi ni Krizelle. "Hahaha rakista talaga e, yeah, di ko na sinabi sa kanya natuto ako mag gitara kasi maprepressure yon matuto. E hindi nga para sa kanya e. Very competitive namin, nung bata kami oo aminin ko pinagmamayabang ko sa kanya yung mga kaya ko gawin"
"Kahit naman siya pag may bagay na magaling siya or game pinagmamayabang niya din noon. Ganon naman ang mga boys na bata. Pero ako talaga super competitive ako pero ayon nga, we always fight, my daddy told me na to tone down daw"
"Ano daw ba mas importante, yung manalo ng manalo o mawalan ako ng kaibigan at kapatid?" sabi ni Red. "So nagpapatalo ka?" tanong ng dalaga. "Hindi ah, yung malalakas kong toys noon pero isa lang ha, sadya ko iniwan sa lugar na makikita niya para kunin niya"
BINABASA MO ANG
RULE NUMBER FIVE
Roman d'amourA story of true friendship. A story about heart aches. A story about finding love. And a story about waiting... - guaranteed daily updates - walang halong arte - pag post ng umaga yon na yon walang ek ek edits - pag sinimulan tatapusin. - walang ra...