Chapter 26: Sem Break
Isang araw sa bahay nina Charlene nanggigil si Krizelle sa cute na aso. "Ibenta ko na ata mga cats ko, bili nalang ata ako ng dog kasi di ko nagaganito yung mga cats ko" sabi ni Krizelle sabay ayos sa salamin niya.
"Skype call oy, si Francis" sabi ni Charlene kaya tumabi siya. Sinagot ni Krizelle yung video chat, agad niya pinasikat yung aso. "Kumusta kayo diyan?" tanong ng binata. "We are okay, we just finished cleaning the house" sabi ni Krizelle. "Hahaha cleaning the house your face, salas lang nalinisan tapos tinamad na kami" sabi ni Charlene.
"Do you need help?" tanong ni Francis. "Hindi, enjoy mo lang vacation mo diyan sa beach" banat ni Krizelle. "Ang lungkot nga e, sana nandito kayo" sabi ng binata. "Sorry talaga ha, di ko naman inexpect na you know" sabi ni Krizelle.
"Teka ano ba talaga nangyari?" tanong ni Charlene. "Hindi siya pinayagan ng dad niya" sabi ni Francis. "Oh, did you tell him kasama ako?" tanong ni Charlene. "Hey its okay, I still need to gain their trust. Siguro it was too early" sabi ni Francis.
"Sorry talaga, pero you look happy. Siguro may babae ka diyan ano" biro ni Krizelle. "Hindi, nagmessage si Red sa Viber ko. Eto pakita ko sa inyo o" sabi ng binata saka nagsend siya ng photo.
Agad natawa yung mga dalaga, pero si Charlene may napansin. "Uy hindi sa Pinas ito" sabi niya. "Yeah nasa Singapore sila. Yung nasa likod niya is his auntie and uncle tapos yung sobrang layo na couple sa likod na likod is his mom and dad" sabi ni Francis.
"I thought you never met his parents?" tanong ni Krizelle. "Totoo pero nakikita ko naman photos nila sa bahay nila no" sabi ng binata. "Wow nag Singapore sila pero bakit itong time stamp four days ago pa to" sabi ni Krizelle.
"Ewan ko, di ko napansin pero he just sent it to me. Madami pa actually" sabi ng binata. "Send mo nga lahat, yung matino lang ha" sabi ni Charlene. "E di wala ako ipapadala" banat ni Francis kaya nagtawanan sila.
"Just kidding, hindi siya pwede magloko don super strict don" sabi ni Francis. "Did you know pupunta sila Singapore?" tanong ni Krizelle. "Nope, wala ako balita sa kanya lately" sabi ni Francis.
"Ah okay" sagot ng dalaga. "Hindi ka ba nalulungkot na wala si Red sa upcoming birthday mo?" tanong ni Char palandi. "Hahahaha yang tono ng boses mo ha" sabi ng binata. "Oo nga, first time apart ba ito? May separation issues ka ba?" dagdag ni Krizelle.
"Uuuy!" sigaw ni Francis saka nagkagulo yung video chat. Napasigaw ang mga dalaga kasi parang gumulong sa floor yung phone at tuloy ang ikot ng video. "Francis!" sigaw ni Krizelle sa nerbyos, "Oh my God! What is happening?" sigaw ni Charlene.
"Shoot snatcher ba? Oh my God" sigaw ni Krizelle. "Red! Taran..hoy Red wag" sigaw ni Francis kaya napatigil yung mga dalaga. Umayos yung phone, pero halatang nakahiga ito sa flooring. Kitang kita si Red hinihila shorts ni Francis kaya ang mga dalaga nagtilian at natawa.
"Hoy Red tado ka! Red!!" hiyaw ni Francis na napalingon at nakita yung phone. "Oh my God, naka on pa" sabi niya kaya laugh trip yung mga dalaga. "Red took my shorts and brief, badtrip, nakaganti siya. Shoot I have to hide, grabe oh my God" sabi ni Francis at mukha lang niya nakikita sa screen.
"Nandyan si Red?" tanong ni Krizelle. "Hindi niyo ba nakita?" tanong ng binata. "Nakita lahat" landi ni Charlene. "Oh my God" sabi ni Francis. "Pwet lang, nasan ka ba kasi?" tanong ni Krizelle.
"Dito malapit sa beach front para maganda sana background view ko, shoot ang layo ng cottage. Pano ako babalik don. Nakabawi siya ah" sabi ni Francis. "What do you mean?" tanong ni Charlene. "Well I did this to him a few years ago" sabi sabi ni Francis saka tumawa.
"Ayan kasi, so ano ginawa niya noon?" tanong ni Krizelle. "Naglakad ng hubad pero yung sando niya nakatakip sa face niya parang ninja" sabi ng binata kaya tawanan yung mga dalaga. "E di gawin mo din yon" sabi ni Charlene. "Kinuha niya din sando ko e" reklamo ng binata.
BINABASA MO ANG
RULE NUMBER FIVE
RomanceA story of true friendship. A story about heart aches. A story about finding love. And a story about waiting... - guaranteed daily updates - walang halong arte - pag post ng umaga yon na yon walang ek ek edits - pag sinimulan tatapusin. - walang ra...