El Prefacio

2.3K 92 31
                                    

'Salamin, salamin.
Ipakita mo sa akin
Ang lalaking habang buhay kong mamahalin.'

At sa pagmulat ng aking mga mata, sa gitna ng dilim at munting liwanag na pumupunit sa gabi. Bigla kong nakita ang isang lalaki sa salamin.

Isang lalaking alam kong di ko dapat mahalin.

"Bakit ikaw pa?" Mahina kong sambit. Pero parang hindi mapigilan ng aking mga daliri ang paglapit.

Unti-unti kong hinawakan ang salamin at pinikit ang mga matang nanambit.

'Salamin, salamin.
Ipakita mo sa akin
Ang lalaking habang buhay kong mamahalin.'

Sinabi ko ulit ang dasal na magtatakda ng aking kapalaran.

"Hindi mo ba nais na siya ay mahalin? Di ba ito ang iyong nararamdaman? Gusto mo siyang iligtas?", isang tinig ang aking narinig at nang minulat ko ang mga mata ko ay nabitawan ko ang hawak kong kandila sa akin nakita.

Dahil imbis na ang magiting na Heneral ang aking naaninag, ang traydor na Presidente ang aking napansin.

At naramdaman ko na lang na hinila na niya ako sa loob ng salamin.

Slip AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon