Capítulo Uno

1.6K 53 27
                                    

Año Dos mil y diecisiete
Ciudad de Makati
República de Filipinas

"Ro, umuwi na tayo." Ang mga salitang iyon ang umaalingawngaw sa tahimik na silid- aklatan ng unibersidad nila. Mapapansin na dalawa na lang sila sa parteng iyon ng silid at ang librarian na lang ang naiiwan sa dis-oras ng gabi. Tiningnan ng estudyante na may hawak na makapal na libro ang kanyang kasama. "Alam mo Yulia dapat talaga hindi na kita sinama dito kung magrereklamo ka lang."

"Alam mo naman ang mga kwento sa lugar na ito."
"Na alin? Iyong pinakaunang librarian dito at sinasabi na binabantayan niya ang lugar na ito dahil ayaw niya malaman ng mga estudyante yung kung ano laman ng mga Restricted books?"

"Alam mo naman pala, Ro. Tara na."
"Kani-kanina lang tayo dumating dito, Yuls. Madami pa akong dapat hanapin."

Nakita niyang nag-roll eyes ang kaibigan niya. "Ro, halos buong magdamag na tayo dito. Tingnan mo si Madam Sofia, kulang na lang magbilang ng alikabok sa pwesto niya dahil hindi pa tayo umuuwi."
Ang Madam Sofia na tinutukoy niya ay ang librarian ng unibersidad nila. Masama na din ang tingin ng matanda sa kanila. Ngumiti lang si Ro dito at napilitang isara ang librong hawak. Kung sabagay, wala din siyang halos naidagdag sa thesis niya sa mga nakuha niyang mga datos ngayon.

"Sa wakas!" Nakita niyang biglang sumigla ang kaibigan at tinulungan siyang ibalik ang mga librong dala niya. "Akala ko parehas na tayo aalikabukan dito."
"OA nito, sabunutan ka ni Madam Sofia. Walang alikabok kahit yung mga lumang libro dito." Natatawa niyang sabi habang naglalakad na palabas ng library.
"Eh kasi naman talaga. Ang tindi mo kasi magresearch, ginagawa mong bahay yung library."
"Syempre, kailangan matapos ko yung thesis ko." Pinindot ko yung lock ng Porsche Cayenne na nasa tapat mismo ng gusali. Sumakay si Yulia sa may passenger seat. "Alam mo naman na pinipilit ako ni Paps na matapos agad yung thesis para maitala sa National Library."

"Hanga talaga ako diyan kay Tito sa tindi ng paniniwala na kaya mo makuha yung gusto niya."
"Alam mo naman iyon gusto niya malaman ng buong Pilipinas ang galing ng pamilya namin sa kasaysayan." Kulang na lang mag-roll eyes ako sa mga sinasabi ko.
"Bakit? Alam ba niya kung para saan talaga ang thesis mo?"
Ngumisi ako, "Sapat na lang na ang alam niya ay iisa kami ng gustong paksa."
"Pero magkaiba ng nais mangyari." Natatawang sabi ni Yulia.

Ilang minuto lang nasa harap na sila ng bahay ni Yulia. Bumaba ang dalaga at hinalikan ang ina na nasa labas ng tahanan nila. Masasabing may kaya naman sa buhay ang pamilya ni Yulia Candida Sereno pero hindi katulad nina Ro. Gayunpaman, simula kolehiyo ay naging matalik na magkaibigan na ang dalawa.

"Magandang Gabi, Tita." Nakangiti kong sambit pagkatapos ay hinalikan sa pisngi ng ginang.
"Magandang Gabi din, Ro. Buti naman at nakita kitang muli. Parang matagal ka ng hindi nakakadalaw dito."

"Medyo naging abala lang po sa thesis ko po."
"Sabagay. Iba talaga siguro kapag nag-Mamasteral ka na. Heto kasing si Yulia sinabihan ko na pwede naman niya ituloy ang pag-aaral pero mas pinili nang magtrabaho."
Biglang inakbayan ng kaibigan niya ang Nanay niya at ngumiti, "Hayaan na lang po natin si Ro ang mag-aral. Basta po ako masaya lang sa trabaho ko po."

"Ay sya-sya, teka, kumain na ba kayo nitong si Ro? Alam mo naman na ayaw kong nagugutom yang batang iyan at gustong-gusto ko siya."
Napatawa na lang si Ro at niyakap ulit ang ginang, "Kumain po kami niyang si Yulia bago kami magpagabi po sa unibersidad. Alam niyo naman po na hindi pwede gutumin ang unica hiya niyo. Sige po Tita, kailangan ko na pong umuwi, hinatid ko lang po si Yulia at baka mapa-ano sa daan." Niyakap din niya ang kaibigan, "Una na ako. Salamat sa pagsama"
"Wala iyon. Sige umuwi ka na at alam kong madami ka pang gagawin. Salamat sa paghatid." Tumango lang si Ro at sumenyas para makaalis na at makapagpahinga na din.

Slip AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon