Capítulo Dos

720 33 14
                                        

Año Dos mil y diecisiete
Ciudad de Makati- Ayuntamiento de Kawit, Provincia de Cavite
República de Filipinas

Kailangan niya makaalis dito.

Alam ni Ro kung gaano kahirap tumakas sa bahay nila ngayon pero kailangan niya makapunta ng Kawit para makuha ang ilan pang papeles at datos na kailangan para sa ginagawa niyang thesis.

Tama ang ama niya, nasa Kawit ang sagot sa ilan pa niyang mga katanungan. Saan pa ba siya magsisimula kung hindi sa pinagmulan ng lahi nila?

Ang tanong lamang ay kung paano siya makakapunta doon ng hindi nalalaman ng ama niya.

Pagkatapos ng pagtalikod niya sa pamilya niya kanina ay dumeretso siya sa kanyang silid at inayos ang ilang gamit na meron siya. Alam niyang kasalanan niya kung bakit nalaman agad ng ama niya ang plano niya.

Kasi naman Ro, ang shunga-shunga mo.

Kung hindi sana naglaglagan ang mga papel niya at nakita ito ng ama niya e di sana legal ang pagpunta niya ng Cavite para mag-research. Pero nangyari na ang nangyari, kahit balak niyang sabihin sa lahat ang mga natutuklasan niya kapag nasa National Library na ito, naunahan na siya ng pagkakataon.

Ilang beses kumatok ang Mama niya sa kwarto niya pero tanging salitang 'patawad' lamang ang narinig nito mula kay Ro. Narinig naman niya kay Manang na grounded siya ngayon at hindi muna daw pwede lumabas hangga't hindi daw niya tinitino ang kanyang utak.

As if naman siya ang may baluktot na paniniwala.

Kaya kinuha niya ang backpack at nilagay ang laptop, mga ilang papel at libro pati na din konting damit. Nasa Porsche niya ang iba pa niyang damit. Laking pasalamat niya at lagi din siyang nasa labas dahil nga sa research niya. Alam niyang sa oras na malaman ng ama niya na tumakas si Ro ay ifi-freeze nito ang mga bank accounts pati na din ang credit card niya. Kaya matagal na niyang winithdraw ang mga pera niya. Ang mga perang ito ay ang mga napanalunan niya sa mga ilegal na karerang sinasalihan niya.

Kahit naman ganito ang paniniwala niya hindi naman siya ganung ka-inggrata para gastusin pa ang pera na bigay ng kanyang ama.

Suot ang itim niyang jacket, itim na sando shirt, leggings at rubber shoes, aalis na muna siya puder ng kanyang ama.

Patawad Paps, Ma, Kuya, pero sa huling pagkakataon ay ililigtas ko ang dangal ng pamilya natin sa pamamagitan ng paghingi ng tawad sa lahat ng ginawa ni El Caudillo.

Tiningnan niya ang paligid. Nagroronda na lahat ng gwardiya sa bahay nila. At mas lalong mas matindi ang bantay sa kotse niya. Hindi namang pwedeng iwan niya ito dahil paano siya makakapunta sa iba't ibang lugar ung hindi niya dala ang kotse niya?

Saang ka namang makakakita ng naglalayas pero hindi maiwan ang kotse niya? Ayos ka din Ro. Tindi mo.

Syempre biro lang. Oo, dadalhin niya ang kotse niya pero iiwan din niya ito sa isa nyang kaklase noong kolehiyo. Hindi na niya muna ito ipapaalam kay Yulia. Mag-aalala lang ang babaeng iyon.

Tapos sasama. E di lalo siyang sinakal ng kuya niyang alam naman niyang may gusto sa matalik niyang kaibigan.

Minsan tuod lang siya pero hindi naman siya ganung kabulag. Kaso yung matalik niyang kaibigan ang may pagka-manhid. Ilang beses din siya napapagkamalang tomboy dahil maliban sa palayaw niya ay ang tindi ng hilig niya sa karera tapos lagi pa niyang kasama ay si Yulia lang.

Slip AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon