Capítulo Cuatro

627 22 5
                                    

Año Dos mil y diecisiete
Ayuntamiento de Kawit, Provincia de Cavite- Ayuntamiento de Plaridel, Provincia de Bulacan
República de Filipinas

Reijo Del Pilar.

Habang nanatiling magkakunekta ang aming mga mata, kasabay ng mabilis na tibok ng puso ko ay nakaramdam ako ng matinding kalungkutan.

Kalungkutan na para bang hindi lang bumabalot sa puso ko kung hindi niyayakap ang pagkatao ko.

Mabilis kong nilayo ang aking mga tingin sa kanya at tiningnan naman ang Lolo.
Mababanaag na para bang inaasahan na niya ang lahat.

What the heck?

"Lo, hindi ko kailangan ng kasama."
"It's not a request, nieta. Kailangan mo ng kasama lalo na at papunta ka sa Bulacan."

Bulacan?

"Bakit naman po ako pupunta ng Bulacan?"
"You will meet my grandmother, Miss Romina." , napalingon ako sa kanya ulit. Makikita na hindi siya natutuwa sa ideya na iyon.

As if ako din.

"You will meet Gabriela Del Pilar. Direct descent from Hilario-Del Pilar family."

Del Pilar?

"Pamilya namin ang may hawak ng pinakamalaking archive ng historical facts ng Spanish-American period. Galing mismo sa mga ninuno kong sina Marcelo Del Pilar and the great Gregorio Del Pilar."

Gregorio Del Pilar?

Goyo.

Mabilis kong pinalitan ang ekspresyon sa mukha ko. Hindi ko kilala ang kaharap ko para malaman niya ang isa sa mga bagay na gumugulo lagi sa isipan ko.

"May mga bagay na matutuklasan ka oras na pumunta ka doon, apo. Mga bagay na maski ako noon walang lakas ng loob alamin. At sasamahan ka ni Reijo sa pagtuklas mo noon."
"Bakit mo ito gagawin?"

Ngumisi lang siya sa akin, "Gaya mo naghahanap din ako ng kasagutan. Kailangan ko ng hustisya para sa mga ninuno ko."

Mukhang wala namang masama kung susubukan ko.

"Wala naman akong choice, Lo. Tama?" Ngumiti din ito at umiling. "Sige, pupunta ako ng Bulacan ngayon din."
"Mamayang gabi na lang apo. Magpahinga ka muna. Alam ko na nahirapan ka tumakas sa Paps mo. Sabihin mo, tinulungan ka ba ng apo ni Eduardo Zobel de Ayala?"

"Paanong-"
Tumawa ang Lolo niya. "Apo. Kilalang-kilala kita. Pati na din ang apo na iyon ng kumpare kong si Eduardo. Pero huwag kang mag-alala. Alam kong walang alam ang Paps mo dahil kung meron man, nandito na iyon ngayon. Pero umalis ka na lang mamayang gabi dahil alam kong malalaman din ng ama mo na nandito ka."

"Hindi nyo ako isusumbong?"
"Nang tumungtong ka ng Kawit, responsibilidad na kita. At alam kong oras na maabutan ka ng Papa mo, hindi matutuloy ang mga plano mo."

Mabilis kong niyakap ang Lolo ko. "Salamat, Abuelo. Hindi ko po kayo bibiguin. Hahanapin ko ang katotohanan."

Pagkaalis ko sa opisina ni Abuelo ay mabilis akong pumunta sa kwarto ko sa Mansyon. Bawat apo ni Abuelo ay may kanya-kanyang kwarto dito.

"Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo."
Napalingon ako sa nagsasalita. Si Reijo. Nakasandal siya sa pader at para bang bored na bored habang nakatingin sa akin.

Hinarap ko siyang mabuti. "Ituro mo lang kung saan ang bahay niyo at kaya ko nang pumunta doon."
Napangisi siya ulit. Nagsisimula akong mairita sa mga ngisi niya.

Nang-uuyam. Nanghahamak.

Ano? Gyera na lang.

"Hindi na kailangan iyon Senyorita Aguinaldo. Mas gusto ko malaman kung kakayanin mo ang sinasabi mong katotohanan."
"Sa palagay mo ba hindi ko iyon kakayanin?"
"Baka mas lalo mong kasuklaman ang apelyido mo, Senyorita."
"Please stop calling me that."

Slip AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon