Capítulo Tres

534 29 11
                                    


Año Dos mil y diecisiete
Ayuntamiento de Kawit, Provincia de Cavite
República de Filipinas

Emilio Famy Aguinaldo, ang pinakaunang Presidente ng Republika ng Pilipinas. Siya ang dahilan kung bakit namatay si Gat. Andres Bonifacio at ang kapatid nito. Siya din ang tinuturong dahilan sa pagpatay kay Heneral Antonio Luna.

Kung susumahin, ito ang pinakamatinding mga aksusasyon sa kanya. Traydor nga ba siya? Kung kakausapin niyo si Ro na ngayon ay nakatingin sa dating tahanan ng kanyang ninuno. Oo ang isasagot niya. Pero mahalaga pa ba ang personal niyang opinyon sa isang bagay na hanggang ngayon ay hindi pa din masagot-sagot? Aaminin niya, magaling na Pangulo si Aguinaldo dahil napagkaisa nito ang Pilipinas na noon ay wala pang tunay na pagkakakilanlan dahil sa mga pagsakop.

Pero sa lahat ng trip nito, pinakasablay talaga yung lagi nitong pagpayag sa mga dayuhan na sakupin ang bansa (Amerika at Hapon). Although, sinabi naman niya na kaya lamang siya pumayag noon sa mga Hapon ay dahil tinakot nila na patayin ang pamilya namin. Ilan lamang ito sa mga bagay na pwede kong ihusga sa kanya. Pero sapat na ba ito para lalo ipamukha sa kasalukuyang panahon kung gaano ka-traydor ang ninuno niya?

Nakakatakot isipin na ako mismong apo niya ay walang makitang rason para maging bayani siya. Ibang tao pa kaya?

Tiningnan ko ang paligid ko. Ngayon pa lamang gumigising ang buong Kawit. Ang manok na nanggambala sa aking pagtulog ay nasa isang tabi at parang wala ng pakialam na ginasgasan niya ang kotse ko.

Tiningnan ko ang sumisikat na araw na tumatama sa Mansyon. Para itong nagbibigay pag-asa na may mapapala ako sa pinaggagawa ko. Ang hirap kaya maghukay ng kalansay ng nakaraan. Lalo na kung ang kalansay na ito ay magiging multo na sisira sa kasalukuyan at hinaharap ng buong pamilya ko.

Pinikit ko ang mga mata ko at niyakap ang sarili nang umihip muli ang hangin na para bang sinasabi na hindi ako nag-iisa sa aking paglalakbay.

"Kay tagal kitang hinintay."

Bigla kong minulat ang aking mga mata at hinawakan ang bandang puso ko. Sobrang bilis ng pagtibok nito na akala mo ay tumakbo ako at sa wakas ay dumating na din.  

Baka maabutan ako ng mga tao dito. Hangga't maari ayaw niya makipagkita kung kanino at baka malaman pa ng kanyang mga magulang kung nasaan siya. Pumasok siya sa loob gamit ang susi na meron ang bawat Aguinaldo na nabubuhay sa panahong ito. Hindi niya akalain na magagamit niya ito. Lagi kasing kapag nagpupunta sila dito kapag kaarawan ni Aguinaldo ay may tao na sumasalubong sa kanila at napakaayos ng lugar na ito. Matagal na din siyang hindi napunta dito dahil na rin masyado siyang abala sa Masteral niya. Pero kahit gaano na siya katagal hindi nawawaglit dito ay hindi pa din nagbabago ang pagkamangha niya sa lugar. Dito nabuo ang pangarap niya itama ang nakaraan. Ang bahay na ito ay parte ng kung ano mang meron siya.Bago siya umakyat ay nilingon niya ang watawat ng Pilipinas na unti-unting nasisinagan ng araw.

Ngumiti siya. Para sa bayan.

Umakyat na siya papasok sa loob mismo ng bahay gamit pa ang isang susi na meron siya. Unti-unti niyang nakikita kahit medyo madilim pa ang lugar ng mga ninuno niya. Dumeretso siya sa ikalawang palapag at makikita doon ang isang malaking silid na kung saan ginaganap ang mga pagtitipon.Tiningnan niya ang mga lumang kagamitan na naging kayamanan na ng pamilya nila. Mga Paintings at mga litrato na sumisimbolo ng nakaraan hindi lang ng pamilya namin kung hindi ng buong Pilipinas.

Habang unti-unting binabalot ng liwanag ang buong lugar ay unti-unting tumataas ang mga balahibo niya dahil pakiramdam niya ay may parang nakamatyag sa kanya. Ganito ang pakiraman niya lagi kapag nauwi siya sa bahay na ito. Isa rin ito sa dahilan kung bakit kadalasan nagdadahilan siya kapag kailangan nilang pumunta dito. Hanggang sa inabot na din siya ng liwanag at medyo nasilaw siya sa liwanag na mula sa balkonahe kung saan iwinagayway ang watawat ng Pilipinas. Hanggang napilitan siya pumikit para umiwas sa biglang liwanag, aatras sana siya subalit biglang parang may naririnig siya.

Slip AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon