Capítulo Cinco

455 22 15
                                        

Año Dos mil y diecisiete
Ayuntamiento de Plaridel, Provincia de Bulacan
República de Filipinas

"Bakit ka nakangiti, Binibini?",  Tanong niya sa akin habang nakatingin ako sa langit na dahilan nang pagdurugtong naming dalawa.
Nilingon ko siya noon at hindi mapigilan na hindi siya tuksuhin, "Binibini? Samantalang noon ay hindi mo ako tinuturing na babae."
Natatawa man pero mabilis niyang hinanap ang kamay ko at natagpuan iyon. Mahigpit ang pagkakahawak niya dito kahit alam namin na hindi maari ang aming ginagawa. "Pagkakamali ko noong una. Pero sa galing mo makipaglaban, hindi ko maisip kung saan mo natutunan iyon. Maski ang paghawak ng baril at pagligtas sa akin."

Kung kaya ko lang iligtas siya palagi ay aking gagawin. Pero alam kong hindi maari. Sapat na ang mga sandali na binigay ng panahon. Kahit saglit lang ang lahat, sa akin ito ay isang tadhana na.

"Kahit kanino ay aking gagawin iyon.", Kalokohan pero hindi na niya dapat malaman.
"Ganun pa man, hayaan mo akong pasalamatan ka.", at nagulat ako nang hinila niya ang aking kamay at mabilis niya ako hinatak papalapit sa kanya.

At sa mga sandaling iyon, habang nakatingin sa mga mata niya at habang nararamdaman ng bawat hibla ng aking katawan ang presensya niya- hinayaan ko na puso ko muli magdikta.

Naramdaman ko na lang ang paglapat ng langit sa aking mga labi.

Bigla akong napabangon na para bang nakaalpas sa isang alaala. 

Nasaan ako?

Inaalala ko ang mga nangyari pero tanging pagsakit lang ng ulo ko ang tanging nararamdaman ko. Pero naalala ko na nandito ako sa Bulacan.

Iginala ko paningin ko sa paligid habang sapo ko pa din ang ulo ko. May konting liwanag na umaalpas sa bintana na natatakluban ng kurtina. Sa tingin ko ay umaga na.

Isang simpleng kwarto ang aking nakita. May mga litrato ng mga tao at ilang paintings na nakasabit. Pero ang nakapukaw ng aking pansin ay ang isang malaking litrato ng isang mapa. Isang lumang mapa.

"Tirad Pass", napalingon ako sa nagsalita. Isang hindi maipintang mukha na Reijo Del Pilar ang aking nakita. Mukha siguro akong tanga kaya inulit niya. "Ang mapang iyan ay ang mapa ng Tirad Pass na pagmamay-ari ni Gregorio Del Pilar."

Gregorio Del Pilar.

Ngiti. Yakap. Halik.

At parang dumoble ang sakit ng ulo ko. Na halos magdilim na ulit ang paningin ko.

Naramdaman ko ang paglapit ni Reijo sa akin. Gusto ko siya ipagtabuyan kaso hinang-hina ako. Unti-unti niya akong pinahiga muli. Pinikit ko mata ko pero sapo ko ang ulo ko pa din.

"Ano bang nangyayari sa'yo?"
Kahit hinang-hina, napangisi ako. "Nag-aalala ka ba?"
"Paano kung sabihin kong oo?"

Napalingon ako sa kanya. Mukha pa din siyang seryoso. Nakakainis. Ang gwapo talaga niya.

Okay, Ro. Get a grip

"Nah. Alam ko namang ginagawa mo lang ito para kay Lolo. Kailangan ko lang ng pahinga. But I'm okay."
Nakita ko na parang naiinis na siya tapos bumuntong-hininga. "Lagi ka bang nagkakaganito?"

Lagi nga ba?

Napapaisip ako. And sadly, I always have this kind of episode. Kesa naman magulat siya lagi na lang niya ako sasambutin.

"Simula yata pagkabata ko." Tapos natatawa ako na tiningnan ulit siya "Para akong may hangover lagi kahit noon pa man. Pero ngayon madalas na lang may mga kung anu-" Napatahimik ako.

Slip AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon