This is a fiction story . Lahat ng taong mababanggit sa story na ito ay galing sa abnormal na utak ng author . Ang mga pangyayari dito waley naisip ko lang . Bare with me and enjoy my story .
- - - - - - -
Toot Toot Toot
Yan lang ang naririnig ko pagkamulat ko ng mata ko . Maliwanag .. Kulay Puti . Di ko maintindihan pero ang ingay na naririnig ko ay parang tahimik na pumapatay sakin . Nakakabingi , Nakakapanghina .
Binaling ko ang tingin ko sa taong nakahawak sa mga kamay ko . Babae , mahaba ang buhok , at kung titignan nasa edad 40 pataas na ito . Gumalaw siya na para bang gigising sa mahimbing na pagtulog nito .
" Anak ? Eli anak gising ka na ! " masayang bati sa akin ng babaeng katabi ko ngayon na ngayon ay nakangiti pero may mga luhang pumapatak sa kanyang magaganda at kulay brown na mata .
" Sino kayo ? Asan ako ? " wala na akong ibang nasabi kung hindi ang mga katagang iyan .
Kung titignan anak nga ako marahil ng babaeng ito . Ngunit hindi ko siya kilala , kung sino ako at kung paano ako napunta dito siya lang ang makakasagot .
" Eli , anak . Hindi mo ba ako makilala ? Ako ito ang nanay mo . Ako ang mommy Sharon mo . " tugon niya sa katanungan ko .
" Anak , di mo ba talaga ako maalala ? " iling lang ang nasagot ko sa kanya .
" Mrs . Cipriano ! " tawag ng lalakeng sa tingin ko , ang doktor ko sa aking , sa sabi niya , aking ina .
" Misis i think your daughter is in good condition now . Pero kagaya ng sinabi ko sa inyo , pwedeng hindi niya kayo makilala dahil na din sa aksidenteng nangyari one year ago . "
" Aksidente ? " pagputol ko sa usapan nila .
" Anong aksidente ? anong nangyare sa akin ? bakit hindi ko kilala kung sino ako ? bakit wala akong maalala , anong nangyare sa akin ? " patuloy na pagtatanong ko sa kanila .
" Miss eli , i think hindi na para sa akin ang tanong na yan . Take a good rest . " balik na sabi sa akin ng doktor bago umalis at mawala sa paningin ko
" Nanay kita diba ? Pwede ho bang sabihin niyo sa akin kung sino ako ? Nagmamakaawa po ako sa inyo , sabihin niyo po sa akin kung sino ako "
Umupo siya sa tabi ko , tinitigan niya ako na para bang tinatantsa kung sasabihin niya ba sa akin ang mga dapat kong malaman o hindi
" Ikaw anak , si Elisha Anne E. Cipriano . 17 years old kana , pinanganak ka noong July 26 , 1997 . May kapatid ka sila kuya Erwin Aeron at ate Elra Angel mo . " pageexplain niya sa akin
" Ako ang Mommy Sharon mo at and daddy mo si Elbert Cipriano " sabay ngiti sa akin na para bang unang kita niya lang sa akin , ngiti ng ina ng unang kita sa anak pagkalabas nito sa sinapupunan ng ina
Komportable ako sa kanya at alam kong nagsasabi siya ng totoo na siya ang nanay ko .
" Anong araw na po ngayon ? " tanong ko sa nanay ko na nakatingin lang sa akin
" April 17 , 2014 thursday ngayon . at anak 100 Days nalang 18th Birthday na "
" Ano po bang nangyare sa akin , bat po ba ako nacommatose ? " pagwawalang intindi ko sa mga sinabi niya sa akin
Nagbuntong hininga siya , na para bang napipilitan . Sabay hawak sa kamay ko at tinignan ako ng may pagaalala .
" Habang pauwi ka noon anak galing sa school , nasagasaan ka ng isa sa mga sabi ng pulis Drag Racers , hindi nila nahuli ang salarin dahil walang CCTV camera doon sa kalyeng yaon "
" Isang taon kang naCommatose at iyan gising ka na ! " pagpapatuloy niya sa kwento niya sa akin .
Napatingin kami ng nanay ko sa pintuan ng bigla itong bumukas , may pumasok na isang binatang lalake kasunod nito ang isang dalagang babae na nakangiti ngunit naluluha .
" Eli ! Baby girl gising ka na ! " sabay yakap sa akin ng dalaga
" Ako ito , ang ate Angel mo " pagpapatuloy niya
" Oy bruha ! Gising ka na , nakakamiss ka din pala kahit lagi mo akong inuubusan ng pagkain " yakap sa akin ng binata " Ako 'to kuya erwin mo "
" Mga anak asan ang daddy niyo ? Bat wala siya dito ? " singit na tanong ng aming mommy
" Ako ba ang hinahanap niyo ? " sabay yakap sa akin ng , siguro , sa tingin ko , ang ama ko .
Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan hanggang sa napagpasyahan kong lumabas ng kwarto ko at maglibot libot sa loob ng ospital .
Para sa akin mahirap , dahil kwento sa akin ng ate ko , ako lang daw ang nakakalam kung sino ang nakabangga sa akin . Pero pano ko maaalala ? Dahil sa pagkakabangga sa akin na Commatose ako , at ang malala pa nakalimutan ko ang lahat . Swerte siguro nung kumag nayon kase di siya nakulong . Pag naalala ko ang lahat sasagasaan ko siya ng truck hanggang sa masiguro kong di na siya magigising . Letse siya pahirap sa buhay .
Nahinto ako sa pagiisip ng may nakabangga sa akin . Realtalk , pinanganak ba ako para mabangga ?
" Ano ba ? bat di ka nagiingat ? " tanong ko sa lalakeng sa tingin ko medyo ka-age ko lang
" Wow ha ! Ako pa ang hindi nagiingat eh ikaw itong lutang na naglalakad , psh tatanga tanga "
" Wow din ha ! Napansin mo na palang lutang ako bat di ikaw ang umiwas ? FYI mister naCommatose ako ng isang taon at kakagising ko lang . Bigyan mo naman ako ng freedom na maramdaman ang earth ! " pabalik ko ng sigaw sa kanya
" Wow ha ! Commatose ? Joke ba yun ? Baka next mo na sasabihin sa akin wala kang naalala kase naCommatose ka "
Manghuhula ba tong lalakeng to ? Sasagot na sana ako ng may tumawag sa lalakeng impaktong nasa harapan ko . Pano ko nalaman na siya yung tinatawag ? Wala lang lumingon kase siya eh
" Nate Anderson ! Ano ba bat mo inaaway ang pasyente naten ? " sigaw sa kanya ng doktor ko . Wait What ? Magkakilala sila ?
" Miss eli ? I'm sorry pilyo kase tong anak ko , pagpasensyahan mo na . And i guess kailangan mo nang bumalik sa room mo magpahinga kana . "
Anak niya pala yun . Di bagay kase yung doktor ko mukhang mabaet siya hindi . Wala na akong nagawa kung hindi bumalik sa kwarto ko . Pero something's not right . Yung Nate ba yun ? Basta kung sino man siya parang kilala ko siya . Parang nakita ko na siya somewhere . Somewhere na may connection bat nangyare sa akin ito .
- - - - - - -
Hope you enjoyed it guys .
Vote and Comment ? Sure :) And be my FAN please :)
BINABASA MO ANG
100 Days
Teen FictionElisha Anne Cipriano , NaCommatose at nakalimutan ang lahat . She spent her one year inside the hospital , until she wake up and met Nate Anderson Gerrera . Sino ba siya sa buhay ni Eli ? Kaya bang makilala ni Eli ang sarili niya sa loob ng 100 Days...