2nd Day ( Second Part )

49 4 3
                                    

Eli's POV

Kakababa ko lang ng kotse ni Nate , nasa school na kami . Nauna na ako sa kanya kase tumawag yung dad niya at kinamusta kami . Medyo naguguluhan na ako , wala talaga akong maalala . Lakad lang ako ng lakad sa Campus namin , nagbabakasakaling maalala ko na ang lahat ,o kqhut konti man lang . Kaso wala talaga . Hopeless .

Sa malayo nakita ko yung punong sabi ni Kaycee tambayan daw namin dati . Oo , si Kaycee . Bestfriend ko siya , pano ko siya naalala ? HAHA funny . Di ko siya naalala , pinakilala lang siya sa akin nila mommy . Sila ni Miles . Masakit nga para sa akin kase bat kailangan ganun ? Kung di naman ako nabunggo dati di na nila kailangan pang ipakilala sakin ulit yung mga yun .

Habang naglalakad ako sa Campus napadaan ako sa part ng elementary , malaki kase school namin . Magkakasama na ang Elementary , High School ,  at College sa loob ng Campus . May nakita akong parang playground . Dito nalang siguro ako magpapahinga , pagod nadin ako .

Tatayo na sana ulit ako ng may makita akong batang lalake , nasa may sandbox siya ng playground . Nilapitan ko siya kase nakakatuwa siyang maglaro , medyo napapaisip nga lang ako kase meron siyang medical mask na nakasuot .

" Hi ! " bati ko sa kanya sabay ngiti .

Tumingin siya sa akin . Sabay tingin ulit sa nilalarong toy airplane niya .

" Nahihiya ka ba sa akin ? It's okay you can play with me " sabi ko ulit sa kanya

Tinanggal niya yung mask niya at ngumiti sa akin . Ang cute niya pero may mali , parang ang tamlay niya .

" Hello po , I'm Nathan Jerome po . Call me Nate nalang po " pagpapakilala niya sa akin sabay ngiti

Coincidence ? Yah we all know na si Nate name niya talaga yun , pero makasama ang dalawang Nate sa isang lugar ? Cool na medyo weird .

" Hi i'm ate Elisha Anne . Call me ate Eli nalang " ngiti ko sa kanya pabalik

" Pwede magtanong ? " tanong ko sa kanya sabay ngiti ulit

Nagnod naman siya as a response .

" Bakit ka nakamedical mask ? Atsaka bat andito ka ? Bakasyon na diba ? "

Narinig ko siyang nagbuntong hininga sabay tingin ulit sa akin na para bang binabasa niya ang mga isipan ko

" I'm sick po kase ate . Sabi po ng doctor kahit 5 palang daw po ako i'm sick na daw . And sabi po ng doctor yung sakit ko daw po yun daw po makakalimutan ko daw po ang lahat . I'm here po kase gusto ko bago ko makalimutan ang lahat maenjoy ko po school ko "  paliwanag niya sa akin

Naguluhan ako . Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko . All this time tinatanong ko si God bat ako , mas may malala pa pala sa akin . Masyado siyang bata pero di katulad ko siya naiintindihan niya . Ginagawa niya lahat para din sa sarili niya , samantalang ako nagsisimula palang pasuko na ako agad .

" You know what Nate ? A year ago i met an accident , nasagasaan daw ako sabi ni mommy . Na nacommatose ako , nakalimutan ko lahat . Kaya naiintindihan kita . " sabi ko sa kanya

" Gagaling ka daw po ba ? Maaalala niyo daw po ba yung mga nakalimutan niyo ? " tanong niya sa akin

" Yes , sabi ng doctor ko mataas daw ang chance na maaalala ko ang lahat " ngiti ko sa kanya

" That's good po ate , sabi kase ng doctor ko ako daw di ko na maaalala lahat . Makakalimutan ko daw po lahat completely . "

Pagkasabi niya nun mas lalo akong naawa , pero nawala din yung awa ko sa kanya . Kase pinapakita niya sa akin na malakas siya at kakayanin niya .

" Ate can i take a picture of you po ? " sabi niya sa akin sabay labas ng instax camera niya

" Sure " pagaccept ko sa request niya

" Here na po . Smile " sabi niya sa akin sabay ngiti din

Nung lumabas na yung picture kinuha niya yung sa tingin ko notebook niya . Nagulat ako kase bawat pages may picture ng tao , may name nila at age , and date , pati narin lugar kung saan sila nakilala ni Nate

" Ate ano pong araw date ngayon ? And how old are you na po ? " tanong niya sa akin habang dinidikit picture ko sa notebook niya

" It's April 18 , 2014 na today , i'm 17 years old na " ngiti ko sa kanya

" Okay , thank you . Tama po ba spelling ng name niyo ? Can you write your surname po ? " habang pinapakuta yung nitebook niya

Kinuha ko yun at tinignan , tama naman yung spelling . Tapos sinulat ko na surname ko .

" You know what ate , i think i saw you po at Dr. Gerrera's hospital . Is he your doctor also po ba ? " tanong niya sa akin

" Yes . Siya ang doctor ko " sagot ko sa tanong niya

" Alam niyo po ba ate nakita ka na po namin ng mommy ko dati sa hospital while you are sleeping pa po . Ate i pray po na sana maalala niyo na lahat " kwento niya sa akin habang binabalik yung notebook sa bag niya

Niyakap ko siya . Kase feeling ko angel siya . Angel na binigay ni Lord para maintindihan ko ang lahat . Okay na ako kase atleast di ako nagiisa . Umiiyak na pala ako , nararamdaman ko din na unti unting nababasa shirt ko kase umiiyak nadin sa Nate

Pinunasan ko yung nga luha niya sabay ngiti sa kanya .

" Nate , thank you for helping ate ha " sabi ko sa kanya sabay kiss sa forehead niya

He just nod and smiled at me . Nagpanic ako nung bigla siyang sumigaw . He's in pain . Hirap na hirap siya .

" Ouch , nooo i don't like . Ate help me . Ang sakit po ng ulo ko . No i don't like na . Stop it na " hawak niya sa ulo niya

Di ko na alam gagawin ko , napapaiyak nalang ako . May dumating na mag-asawa i guess parents niya .

" Nate baby , are you okay ? Come we'll go to doctor na . Sssh it's okay " pagpamper sa kanya nang mommy niya

" Ikaw yung babaeng commatosed di ba ? Well thank you for accompanying my son . And also i know your story . Sana maalala mo na ang lahat " bati sa akin ng dad niya .

Pumasok na sila ng kotse . Nakatingin lang ako sa kanila habang lumalayo yung sasakyan .

" I Promise baby Nathan . I won't forget you . I Promise . "

- - - - -

Yan na po . Complete na . Hope you enjoyed it :)

100 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon