Chapter 3: Don't die!

223 60 29
                                    

Hindi ko akalaing yung babaeng suplada pala ang humingi ng saklolo! Sana si Sadako nalang talaga.

"Kung alam ko lang na ikaw yan, di na ako lumapit!"

Napacross arms ako at tinalikuran na ito. Hindi ako humakbang palayo dahil napansin kong puno ito ng galos sa katawan, ang damit ay gutay-gutay at puno ng pasa ang katawan.

"Ano bang nangyari!?"

Bandang huli ay nilapitan ko ito at inalayayang makatayo, siguro ay sa kakilala ko nalang siya ipagagamot!

Narinig ko itong nagsasalita pero hindi ko marinig dahil pabulong lang ito! Pero narinig ko ang pangalang 'Shaitan'

-

"Anong nangyari diyan!?"

Wala naman akong ibang malalapitan kundi si Ellizer. Alam kong hanggang ngayon ay malungkot pa rin siya sa pagkawala ng bestfriend niya, kahit sabihin pa niyang Ok lang siya!

Pero heto ako ngayon at nagdala pa ng panibagong problema sa kanya, dito ko kasi dinala yung sugatang babae para gamutin niya.

Hindi naman ako mayaman para ipadala pa sa ospital 'yan, isa pa wala rin akong balak pag gastosan ang tulad niya. I rolled my eyes and decided to go to the sofa to watch some movies. Sakto at may nakaplay na rito.

Natapos ko na ang pinapanood kong movie na Aqua Man at may panibago na namang nagplay. Mga maliliit itong nilalang, parang alien na ewan? Kulay yellow ang mga balat nila.

"Ang cute!"

"Wala ka bang balak magpalit ng damit Paix? Talagang yang black uniform lang ang sinusuot mo? Ano ka Anime character, iisa lang ang damit?"

Hindi ko alam kung concern ba siya o iniinsulto ako. Kapag kwinento ko naman sa kanya ang lahat kung bakit ganito ang lagi kong suot ay baka maguluhan lang siya. Psh!

"First of all call me Miyu! Second, hindi ako isang Anime character! And Third, this is what we called Special cloth!"

Pinatay niya ang tv at umupo sa tabi ko. Ok? This is weird. Masyado siyang oa para tumabi pa sa akin! Isa pa, nanonood pa ako!

"Continue."
Seryoso nitong saad kaya imbis na manlaban ay huminga muna ako ng malalim at tsaka nagsalita.

"Special cloth ang lagayan ng aming weapon. Nagkakasya ang ano mang weapon don kahit pa Rocket! Pero syempre isang weapon user lang ang pwedeng gumamit sa nakatalagang special cloth."

"Huh? Pano nangyari yun kung pareho naman kayong weapon user?"

Pagpuputol ni Elli sa pagpapaliwanag ko.

"Makinig ka kase! For example yung katana sword ko ay may Saya  (japanese term of scabbard) at sinubukan mong ilagay ang kutsilyo sa Saya ng katana, sa tingin mo ba magkakasya yung kutsilyo?"

Tanong ko rito, napatingala ito na akala mo ay nag-iisip ng isasagot. Kahit obvious naman na ang isasagot!

"Bakit mo ilalagay yung kutsilyo sa Saya na alam mong hindi naman magkakasya diba? Nako Miyu yung logic mo paki ayos ah?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko sinugod ko na ito para masuntok sa pisngi. Nakatakbo ito palayo sa pwesto niya kaya nakaiwas siya!

"Tanging mga weapon users lang ang meron ng ganitong kausotan. Hindi naman sa hindi kami nagpapalit ng damit, actually kusa itong nalilinis at nar-repair!"

Tumakbo ito palayo sa akin na sana pala ay hindi na niya ginagawa! Nakarinig ako ng malakas na putok ng baril, kasunod ang pagbagsak sa sahig ni Ellizer!

"E-elliiiii!"

Sigaw ko at nilapitan ito. Tumambad sa akin ang nakabulagtang si Elli habang naliligo na sa sarili niyang dugo! Patuloy sa pag agos ang dugo sa sahig.

Anong nangyari!? Saan galing 'yun? May afreet ba na hindi ko namamalayan!?

"P-please Ellizer Don't Die!"

Pakiusap ko dahil unti-unti ng nanlalamig ang kanyang katawan. Ang putla na rin niya, dahil sa rami ng naubos na dugo!

Bakit!? Bakit ang inosenteng tao pa ang ginaganito!?

"A-ayoko pang mamatay Miyu! Please t-tulungan mo ko!"

Umiiyak na saklolo ni Elli! Hindi ko alam pero para akong nablangko? 

Maraming beses na akong nakakita ng mga namamatay pero bakit pagdating sa kaibigan ay iba ang pakiramdam? Hindi rin ako makakilos dahil sa panghihina.

Pero kailangan ko siyang madala sa malapit na ospital para maoperahan! Nauubos na ang oras! Iniakbay ko ang braso niya sa balikat ko at tatalon na sana ng mataas para mabilis makarating sa ospital ng biglang may tumutol sa akin!

"Layuan ang mortal na yan!"

Mabilis akong napalingon sa aking likuran kung saan nagmumula ang maawtoridad at malamig na boses.

Paglingon ko ay tumambad sa aking harapan ang isang Sniper, umuusok pa ito.

"I-ikaw! Bakit kailangan mong gawin sa kanya 'to!?"

Singhal ko at halos lumitaw na ang litid ko sa galit. Hindi ko inaasahang ang taong tinulungan pa namin ang gagawa nito kay Elli!

Ano bang ginawa niyang kasalanan sa isang 'to!?

"This is for your own safety, Miyu!"

How did she know my name!? Isa na naman ba 'to sa galamay ni Shaitan!? Pero isa siyang weapon user, base sa kanyang lether jacket na suot!

Paano ko na sabi? Mula sa pagkagutay gutay nito ng makita ko siya ay maayos na ito ngayon! Nagniningning din ang laylayan ng kanyang jacket.

"Isa ka ring weapon user! Dapat ay nasa tuwid na daan ang pinili mo!"

Napansin kong yumuko ito at ibinaba ang kanyang weapon. May napansin akong patak ng tubig sa sahig.

Umiiyak ba siya?  Maniniwala na talaga akong umiiyak siya ng bigla itong humagikgik na parang nababaliw! Nasisiraan na ba ito ng bait? Umiiyak siya kanina pero ngayon ay bigla namang tumawa na parang baliw!

"Do you think all weapon users are Good person like you? Tsk, tsk!"

Naiiling ito habang sinasabi iyon, para bang hindi siya sang-ayon. Muli nitong inangat ang ulo niya at sa mga oras na'to ay ibang-iba na ang mukha niya! Nakakatakot ito, nakangisi siya habang ang mga mata ay sobrang likot! Kung saan saan niya ibinabaling ang tingin niya!

"I want blood! Blood! Bloooood!"

Tumili ito at muling itinutok sa pwesto ko ang kanyang sniper, hindi. Muli niya itong itinutok sa gawi ni Elli!

"Tumigil ka na kung ayaw mong mamatay sa lugar na 'to!"

Hinugot ko sa aking uniform ang katana sword at itinutok ito sa basurang weapon user!

Muli itong tumawa ng sobrang lakas habang nakatingala!

Hindi ba sumasakit ang tiyan niya kakatawa!? May saltik din siguro 'to kaya tawa ng tawa?

"Pinapatawa mo ko Miyu! Weapon users Don't die, remember? This is reality! Having this kind of power makes us stronger than anyone! This is Life with weapon! You can kill when you're bored."

Nakapikit mata pa ito habang confident sa kanyang sinasabi at dinilaan ang dulo ng kanyang sniper. Unti-unting napalibutan ng yellow aura ang kanyang katawan sagisag na nag re-recharge ito ng energy!

Oo tama siya. Hindi nga namamatay ang mga weapon users kahit pa anong gawin mo. Curse by God?  I don't think so. But, as soon as possible I need to kill Shaitan and all afreets, bago pa niya mapalaya ang 7 demi-humas. Dahil iba ako sa mga weaser (weapon user).

Life with weapon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon